Chapter 38 : Hooked (Part 2 of 2)

44.7K 3.4K 5.5K
                                    

Chapter theme: Wake Up - The Vamps

Chapter theme: Wake Up - The Vamps

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


What if it wasn't a figure speech? What if that bouquet was supposed to be mine? What if all along, there's something more? I hate assuming, but why else would he use our photo as his lock screen?


"Namumutla ka yata?" May pang-aasar na bulong sa akin ni Magno. Kung hindi ko lang talaga mahal si Reika, itinulak ko na siya pababa ng hagdan. 

Hindi ako makatingin kay Jethro kaya naman kay Magno ako bumubuntot, nagpapanggap na inaalalayan siya. Apollo led us to one of the club's VIP rooms on the second floor. Pagpasok namin, nakita ko si Joe na nakaupo sa sofang nakapalibot sa isang mesa kaya naman agad akong nagkaroon ng ideya.

"Aray!" reklamo ni Magno nang hilahin ko siya patungo sa kianuupuan ni Joe. I sat next to her and forced Magno to sit next to me. Hindi ko pa kayang maupo malapit kay Jethro.

"Ate!" Joe beamed at the sight of me. Still, nahalata ko pa rin na may kung ano sa mga mata niya. For a birthday girl, her eyes look pretty sad. Also, she looks red and kinda wasted. Lasing na ang matinong Cohen. Good thing she's with us, and not her friends. Mas kampante ako.

"Happy Birthday Joey, sorry na late kami." Niyakap ko na lamang siya. "You look so fucking pretty, as always."

Joe giggled and kissed me on the cheek. Kumuha ito ng isang baso ng alak mula sa mesa at agad itong inabot sa akin. "Well drink up since you're late!"

I'm not one to let down the birthday girl kaya walang pagdadalawang isip ko itong tinanggap at ininom.

"Yaaaas! Mabuhay ang mga atay!" Joe screamed in delight and raised her hand up in the air. Narinig ko namang nagtawanan ang iba.

"Pahiram ng cellphone ite-text ko si Reika. Wala na akong load," Magno requested kaya naman kinuha ko ang cellphone ko at inabot ito sa kanya. Mabuti na lang at hindi ito umaalis sa tabi ko. Good boy, Magno.

"O kanino 'tong sunod na shot?" bulalas ng isa sa mga pinsan nina Joe. Lasinggero rin gaya nila, pero gwapo.

Biglang kinuha ni Jethro ang baso at mabilis itong ininom. Narinig ko silang nagtawanan dahil sa pagkamangha, pero pinakamalakas ang tawa ni Magno na may patingin-tingin pa sa akin. Puchangama.

Nang makapwesto kaming lahat, nagsimula nang umikot ang dalawang shot ng alak sa magkaibang direksyon. Lahat umiinom, maliban kay Sawyer na nagsisilbi naming gunner. Siya na rin siguro ang driver namin pauwi.


A few rotations later, namalayan ko na lamang na nagpapaikot na si Apollo ng bote sa mesa. Nagyaya si Joe na maglaro ng truth or dare, at dahil siya ang birthday girl, pinagbigyan siya ng mga siraulo.

I've had a few shots already and I'm starting to get dizzy, but I'm confident that I still have full control of myself. Besides, wala naman si Reika para mandemonyo kaya behave lang ako.

When the bridge fallsWhere stories live. Discover now