Fall Chapter 21

2.1K 69 0
                                    

PS. Medyo maikli  lang 'to pero sa next chapter bawing-bawi. Salamat sa paghihinaty, Guys. 9 chapters left, kasama na ang epilogue. 

****

Tulala lamang ako habnag nakatingin kay Jana, at hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa kwento niya o dapat ko bang bigyan ng kahulugan ang sinabi niya. Bakit nga naman ba matutuwa si Joshua na hindi na ako maka-alala? Siguradong may dahilan iyon. Kailangan kong makausap si Joshua at itanong mismo sa kaniya ang bagay na 'to. Joshua are one of my trusted friend.

Sa hindi malamang dahilan, pumasok sa isip ko ang sinabi ni Cyrene. Wala akong dapat pagkatiwalaan, hindi kahit sino. Pero hindi ko makonekto sa masamang bagay ang sinabi ni Jana. Baka kapakanan ko ang iniisip ni Joshua kaya ganoon ang reaksyon niya, I mean nasaktan ako ni Cosmer nang araw ng aksidente, baka ayaw niyang maalala ko ang mga masasamang bagay na nangyari sa akin noon.

"Alam naman natin kung ano ang reason ni Joshua kaya ayaw ka niyang maka-alala. He wants you, Heaven. Iyon din ang dahilan kung bakit pinipigilan niya akong magsalita at kung bakit lagi siyang nakamanman sa bahay."

"Nakamanman?"

"Yes, lagi. Siguro para bantayan ang kilos ko o baka naman para abangan ang pagbalik ni Ate."

"Sandali, kilala mo ba ang kausap ni Joshua ng araw na iyon?"

"HIndi ako sigurado."

Tinitigan ko siya ng mabuti. May tao siyang pinaghihinalaan at dapat niyang sabihin sa akin iyon. Kasi nahihirapan na ako pagdugtong-dugtongin ang lahat. Parang sasabog na ang utak ko sa mga impormasyon na ibinibigay nila.

Nag-iwas ng tingin si Jana sabay lunok. Kinakabahan siya sa hindi malamang dahilan. ilang segundo pa bago bumalik ang tingin niya sa akin. Kumukurap-kurap ang mga mata niya at hindi niya ako magawang tignan ng diretsyo.

Huminga siya ng malalim bago nagsalita. "Si Ate. Sa tingin ko si Ate iyon. Jonah Jan ang pangalan ni Ate. Jana Jon ang sa akin. Konti lang ang tumatawag na Jan kay Ate. Mostly kaming malalapit lang sa kaniya na kaya siyang asarin at pikonin."

So ganoon ka-close si Joshua sa Ate ni Jana. Nakakapagod mag-isip, lalo lang gumugulo ang lahat. Mas lalo lang ginugulo ni Jana ang isip ko. Kailangan ko mamili, kung maghihintay ba ako o kikilos na para mabilis akong makaalala.

Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Cosmer. 'Heaven, sa ayaw mo at sa gusto mo, asawa mo na ako. Gusto mo bang mabuhay sa miserabling marriage life kung p'wede naman natin I-work out ang marriage natin?' Napatulala ako at ilang minutong nag-isip. Ano ba ang dapat na unahin ko? Makakapaghintay naman siguro si Jana. Si Cosmer na mismo ang nag-assure sa akin na ako mismo ang makakasagot sa mga tanong ko. Tama, si Cosmer ang uunahin ko, ang marriage namin. Lalabas at lalabas din naman ang totoo sa tamang panahon.

"I'm sorry, Jana. Pero gusto ko munang ayusin ang marriage namin ni Cosmer. 'Wag kang mag-alala dahil sa oras na maka-alala ako. Ikaw ang unang makaka-alam. Sorry-"

Napaigtad ako at nanlaki ang mga mata nang maramdaman ko ang dalawang braso na yumakap sa akin sa bewang mula sa likod. Inis na nilingon ko ang taong iyon. Buti na lang medyo nabawasan belbel ko sa tiyan. Baka mamaya asarin niya pa ako kapag naramdaman niyang nagka-bilbil ako kakalamon. Kasalanan ko bang masarap ang pag-kain.

"Hon, bakit mo ko iniwan?" puno ng hinanakit na turan ni Cosmer.

"Ang O.A mo, nauna lang ako lumabas e," pagsusungit ko. Inis pa rin ako sa kaniya..

Nilingon ko si Jana, tinitignan niya kami gamit ang nagtataka at gulat na tingin niya. May nagawa ba kami? Pinanlakihan ko ng mata si Jana kaya natauhan ito. Awkward na ngumit ito habang nagpapalipat-lipat ng tingin sa aming dalawa ni Cosmer. Tinanong ko kung ayos lang ba siya at natawa na lang ako sa sinagot nito.

She's The Billionaire's Obsession Book 1Where stories live. Discover now