Fall Chapter 8

3.6K 187 16
                                    

Ps. dedicated po ito sa mga taong mahilig isarili ang mga nararamdaman ghorl makakahinga ka ng maluwag kung kahit isa lang may masabihan ka dun sa taong alam mong worth it na masabihan bye:)

*******

Gusto ko magpalamig ng ulo kaya the next day ay pinili ko na puntahan si Jana, one of my friend in high school. Hindi ako makagalaw ng maayos sa mansyon pagkatapos ng nangyari. For sure lahat sila ang pangit na ng tingin sa akin.

Palabas na ako ng sasakyan nang mahagip ng mga mata ko ang isang lalaking naka-summer outfit. Natigilan ako at sinundan ng tingin ang lalaki. Hindi ko makita ng maayos ang muka niya dahil naka-shade ito at diretsyo lang ang lakad papasok ng coffee shop na pag-aari ni Jana, pero sobrang pamilyar sa'kin ang pangangatawan niya maging ang dulot ng presensya niya. Nagsi-taasan ang balahibo ko. Napalunok ako bago nagpasiyang pumasok na sa cafe.

Saktong pagbukas ko ng pinto ay hindi ko inaasahan ang sasalubong sa akin. Syemay, no way, please. Nanginginig ang mga kamay ko, pati ang labi ko sa sobrang pagtitimpi na huwag mag-iskandalo sa shop habang nakatingin sa damit ko. Pigilan mo, Heaven. Basang-basa ang white t-shirt ko ng malamig na kape maging ang blue jeans ko ay natapunan din. What a good way to start a new day.

Binaba ko ang nakataas na mga kamay ko bago tumingin sa taong kanina pa nakamasid sa'kin. Hindi man lang nagawang humingi ng tawad sa ginawa niyang perwisyo. Isa pangnilalang na walang mudo. Kitang-kita sa muka niya na pinipigilan niyang matawa, naroon ang kaunting gulat pero mas gusto niya ang mang-asar. Kahit suot-suot niya ang shades niya ay makikita iyon sa ngiti niya.

"Punyemas ka!" nanggagalaiti kong sigaw.

Sinubukan ko na magtimpi pero may hangganan din ang pasensiya ko. I gritten my teeth as my footh move. Sinusubukan mo talaga ako, huh! Nasipa ko ang pagkalalaki niya sabay siko sa likod niya dahilan para bumulagta siya sa sahig at namimilipit sa sakit.

"Boom panis. Panis na yang ari mo kaya, bye-bye na sa magandang lahi niyo."

Kung nag-sorry ka lang sana nang maaga, edi tapos na. Tinignan ko siya sa huling pagkakataon at sinipa ang paa na nakaharang sa daraanan ko. Narinig ko ang daing niya pero nagtuloy-tuloy lang ako sa paglakad patungo sa opisina ni Jana.

Nasa loob ako ng opisina ni Jana habang naka-upo sa swivel chair kaharap ng office table niya. Pagkatapos nito akong pahiramin ng masusuot ay hindi na namansin. Nakatutok ito sa mga papeles kaya pinili ko munang manahimik. T-shirt at jeans lang ang matinong damit na mayroon si Jana kaya iyon ang hiniram ko. Lumipas ang ilang minuto at pumasok ang isang coffee stuff pagkatapos kumatok. Nariyan pa raw ang lalaking naka-away ko kanina. Naiinis na tumayo ako samantalang gulat naman na lumapit si Jana sa akin.

"What?" Hinawakan nito ang braso ko.

Naglakad ako palabas ng office nang hindi sinasagot ang tanong ni Jana. Pilit niyang sinusundan ang yapak ko. I roamed my eyes in the shop pagkalabas ko ng office natigil iyon sa lalaking nasa dulong bahagi ng coffee shop, katabi ng class wall. Maangas ang dating nito at may nang-aasar na expression sa muka habang sumisimsim ng kape at suot-suot pa rin ang shades niya.

"Sky! Please calm down!" mairin niyang paalala.

Lumapit ako sa puwesto ng lalaki habng nakasunod sa akin si Jana na pilit akong pinipigilan.

"Ano pa ba ang ginagawa mo rito?!" nagtitimping tanong ko nang makalapit ako.

Natatarantang hinawakan ni Jana ang braso ko at hinila paupo sa katapat na upuan ng lalaking ka-away ko. Muka siyang fuckboy. For me he's a fuckboy and a bad boy. A handsome fuckboy and I'm just being honest here.

She's The Billionaire's Obsession Book 1Where stories live. Discover now