Fall Chapter 11

3.4K 143 8
                                    

COSMER POINT OF VIEW

Nasa harap ako ngayon sa hamba ng sliding door, patungo sa veranda. Puting kurtina ang nagsisilbing taguan ko para hindi tuluyang makita ni Heaven. Mula sa kinatatayuan ko ay nakikita ko si Heaven habang abala sa kinakain. I always wanted to see her, much better if it closer pero sa ngayon ay magtitiis muna ako sa ganitong set up.

Ilang buwan na rin na ganito ang sitwasyon ko. Kaduwagan ang tingin ng iba sa ginagawa ko pero hindi pa ako handa na maka-usap at malapitan si Heaven. Kailangan ko pa nang panahon. Kaunting panahon para makapaghanda sa mga posibling mangyari. Hindi ko gugustuhin na mawala ulit siya sa akin.

Dalawang magkasunod na katok sa pinto ang narinig ko. Hindi ko iyon binigyang pansin. Nakatuon lang ang paningin ko sa kay Heaven. Napapadalas ang pagtambay niya sa pool area. Sigurado ako na marami na ang tanong sa isip niya. Ano mang oras ay gagawa na siya ng paraan para malaman ang totoo at hindi ko na mapipigilan yun. Narinig ko ang pagbukas-sara ng pinto, tinignan ko kung sino ang dumating. Nakita ko si Manang na may hawak na tray. Ipinatong niya ang tray sa office table ko.

"Hijo, ito ang meryenda. Wala ka bang balak lumabas ngayon? Wala kang pasok sa opisina mo ngayon a," pagbubukas ng usapan ni Manang Sonya matapos mailapag ang pagkain.

Bumalik ang tingin ko kay Heaven. Kita mula rito kung paano siya pasimpling tumingin sa gawi ko. Magaling talaga ang pakiramdam niya. I smirked because of the thought.

"I want to watch her, I don't feel like going out either, Manang," bored na sagot ko.

"Hindi rin halata na baliw na baliw ka sa batang yun," pabirong sabi ni Manang.

Naistatwa ako sa kinakatayuan ko. Fuck, nakakabakla 'to. Nahihiyang napakamot ako ng batok. Nakayukong lumapit ako sa office table ko at umupo sa swivel chair. Rinig ko ang hagikgik ni Manang kaya mas lalo akong nahiya. Ramdam ko rin ang init ng pisngi ko. Kapag ganito ay namumula ako, mula pisngi hanggang tenga at batok.

Inilapit ko ang tray at kinuha ang sandwich. Club sandwich iyon na may kasamang orange juice. Kumagat ako habang pilit na iniiwas ang tingin kay Manang. Para akong bata na nahihiya aminin sa nanay niya na may kinakabaliwang babae ang anak niya. Heaven is my first love, and first love never dies. Until now, still her, nothing change.

Umupo si Manang sa sofa na malapit sa kama. Maayos ang lahat sa trabaho, maaga kong tinatapos ang dapat na tapusin para maaga akong makauwi and also to spend sometime here in house while watching Heaven.

"Hijo, nararamdaman ka niya."

Nabitin sa ere ang sandwich na kakainin ko sana. Takang napalingon ako kay Manang. Maang-maangan ko kahit alam ko naman talaga ang tinutukoy niya.

"Ano ho ang ibig n'yong sabihin?!" takang tanong ko.

She saw me a while ago, for sure I gave her a little hint for what is really happening. She graduated with a flying colors after all, and for sure this is just a piece of cake to her after all she is a writer who have a wide imagination. Baka kung anu-ano na ang pumapasok na eksena sa isip niya. Napabuntong-hininga si Manang na siyang nakaagaw nang atensyon ko sa pag-iisip.

"Hijo, sinabi niya sa akin na may nararamdaman siyang nakamasid sa kanya. Nakakatawa ang batang yun kahit alam niyang hindi multo ay pinalabas niyang multo ang nararamdaman niya, kita ko sa mga mata niya. Alam kong may idea na siya, ayaw niya lang ipaalam sa akin." Nakangiting kwento nito habang hinaplos ang sofa.

"I know, Manang. She's smart and a hardheaded too." Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa sandwich na hindi ko na makain dahil sa pag-uusap namin ni manang. "She saw me, Manang. Alam kong unti-unti, malalaman niya rin ang totoo nang walang nagsasabi sa kaniya."

She's The Billionaire's Obsession Book 1Where stories live. Discover now