Fall Chapter 14

2.9K 106 2
                                    

JANA POINT OF VIEW

"Ate, what are we gonna do now? Walang kamag-anak na gustong kumuha sa atin. Paano tayo?" I asked while crying.

Yakap-yakap ko si Ate habang naka-upo kami. Kakatapos lang ng libing at pinili namin ni Ate magpaiwan sa puntod ni Mommy. Sobrang bilis ng mga pangyayari. Sa isang iglap mag-isa na lamang kami ni Ate, wala na ang mga magulang namin. Natatakot ako, nasa last year na ako ng high school. Paano ako magkokoloheyo?

Dad died because of a stroke at ngayon naman si Mommy. Nawala siya dahil sa sobrang pag-I-isip kay Daddy. Nagsilabasan ang mga sakit na tinatago ni Mom. We were late to notice it at wala ng pag-asa. Anong gagawin namin?

"Hindi mo kailangan mag-aalala. Makakapag-aral ka pa rin." Ate hugged me and caress my back.

Natigilan ako sa sinabi ni Ate. Dalawang taon lang ang tanda sa akin ni Ate Jona. Nasa second year college na siya, with her course of business administration major in finance. Hindi siya puwede tumigil dahil dalawang taon na lamang ay magtatapos na siya.

"Paano?" nagugulahang tanong ko.

"Ako na ang bahala roon, okay? Ako ang nakakatanda. Responsibilidad na kita ngayon, kaya huwag ka mag-alala kakayanin ko 'to, kakayanin natin."

Ate Jona was there for me all those year na kailangan ko ng kakampi. Hindi perpektong kapatid si Ate Jona pero ginawa niya ang lahat para sa akin. She stops from studying para tutukan ang trabaho niya that later on she focuses on business. Napagtapos niya ako sa kursong criminology.

Gusto ko na siyang makita. Umalis siya nang walang paalam. Heaven's friends and others was mad at her. Binabato siya ng masasakit na salita. They called Ate a whore, slut and traidor. Wala akong magawa dahil wala akong alam. At dahil tumakas siya ay lalo niya lang pinatunayan na may kasalanan nga siya.

Si Ate na lang ang mayroon ako. Heaven is a good friend of mine at hindi ko alam kung sino ang papaniwalaan ko. I want to know the truth. Kaya sinubukan kong magtanong kay Heaven. I don't have any bad intension. Hindi ko ginusto ang nangyayari sa kaniya ngayon.

Nanginginig ang buong katawan ko sa takot. It's Joshua, the overprotective Joshua when it comes to Heaven. Sino ba naman ako? Yes, kaibigan niya rin ako pero alam ko na napipilitan lang siya makisama sa akin dahil sa request ni Heaven.

"Siraulo ka, Jana! Ano bang pumasok sa kukote mo at ginawa mo 'to?!" nang gigil na turan ni Joshua.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Nabigla ako dahil sigaw ni Joshua. Galit na dinuduro-duro niya ako, kita ang galit nito sa mga mata niya dahil siya ginawa ko. Sa paraan ng tingin niya sa akin ay parang pinapatay ako.

Natatakot ako sa kanya pero alam ko na may kasalanan ako. Kailangan ko harapin ang galit niya. May pakiramdam ako na hindi lang ito ang dahilan ng galit niya. Una pa lang ay ayaw na niyang maka-alala si Heaven. He wants Heaven to stay like this.

Takot na napaatras ako nang marahan. Cosmor who was supposed to be not here is here and trying to stop Joshua pero hindi nagpapigil si Joshua. Pilit itong lumalapit sa akin habang nakaturo sa akin ang daliri niya. Pinagmumura ako nito at sinabihan ng masasakit na salita.

Joshua was my first love, until now my feelings for him never change. Ang sakit lang dahil kaibigan ko pa ang gusto niya. Si Cosmor na tanga kay Heaven, si Heaven na tanga kay Cosmor, si Joshua na tanga kay Heaven, ako na tanga kay Joshua. Nakakatawang isipin na walang para sa akin. Lahat na lang napupunta kay Heaven. Dalawang lalaki na tanga sa iisang babae. Sino kaya ang mananalo?

Hindi ko maiwasan maingit dahil lahat na lang nababaliw kay Heaven. Ano ba ang mayroon sa kaniya? Ako, anong wala sa akin?

"I'm sorry, Joshua. Sorry..." naiiyak na sabi ko.

Hindi ko rin ginusto ang nangyari pero hindi ko maiwasan maramdaman na matuwa sa nangyari dahil sa reaksyon ni Joshua. Alam ko na kapag nakaalala si Heaven ay maiitshapuwera na naman siya sa buhay ni Heaven. Pero ngayon na naririnig ko ang pang-iinsulto at nakikita ko ang galit sa mga mata ni Joshua gusto kong magsisi.

Si Heaven na naman! Puro na lang si Heaven! Kaibigan niya rin naman ako. Bakit hindi niya maintindihan na gusto ko malaman ang totoong dahilan kung umalis si Ate?

Before Ate left may iniwan siyang sulat. Ang sabi sa sulat ay 'Please, Jana. Do me a favor. Say sorry to Heaven and Cosmer for me. I'm sorry for not saying it personally but I really do mean it.' Si Heaven at Cosmer lang ang nakakaalam ng mga nangyari. Cosmer never talked, I understand that. Hindi naman kasi kami closed. Even if I asked the others they always answered with me the same sarcasm, say 'Bakit hindi mo tanungin sa malanding Ate mo?'

"Criminology ang tinapos mo, kahit papano may utak ka! Paano mo nagawa 'to?! Kung hindi ka nag-iisip alam mong mangyayari 'to!" galit na sigaw ni Joshua na umalingaw-ngaw sa buong hallway.

Gusto kong kainin ako ng lupa dahil sa sinabi ni Joshua. Ang liit ng tingin niya sa akin. Nanliliit na rin ang tingin ko sa sarili ko. Sunod-sunod ang luhang pumatak galing sa mga mata ko. Nagsisisi na ako, kailangan niya ba talagang ipahiya ako?

"Joshua, stop it. Pre, babae pa rin yan," Cosmer warned Joshua calmly.

Tumingin ako rito at naalala ko sa kanya ang lalaki sa cafe, na kausap ni Heaven kahapon. Bakit nga ba hindi ko agad napansin? Matagal-tagal na rin simula ng makita ko siya, dalawang taon na rin. Iba na hubog ng katawan niya, mas maputi na siya kumpara dati at pumayat siya. Nilingon ito ni Joshua at tinapunan nang masamang tingin bago padabog na umupo.

"Pasalamat ka babae ka, Jana. Pag may nangyaring masama kay Heaven, masasaktan talaga kita kahit babae ka pa," mahina ang boses na banta nito.

Nakita ko kung paano kumuyom ang mga kamay niya sa galit. Naluluhang napa-upo sa kabilang side ng upuan sa hallway. Alam ko na mali ako, pero parang hindi naman 'ata tama na mananakit siya. Iba talaga ang epekto ni Heaven sa kaniya. Hindi ko naman siya masisi kung bakit maingat siya pagdating kay Heaven.

"Joshua, tumigil ka na. Saka na 'to, pagkatapos ng mga nangyayari," sabi ni Client bago umupo malapit sa side ko.

Kanina pa si Client nakamasid sa amin. Alam kong galit din siya sa nangyari pero alam ni Client kung hanggang saan lang siya. Gaya ng sinabi ko alam ko naman na kasalanan ko pero hindi ko naman ginusto ang nangyari. Nakakaingit lang, they are really fucking concern with my best friend.

"Client, nandyan ka pala. Bakit parang kalmado ka?!" maangas na tanong ni Joshua, agad naman siyang sinamaan ng tingin ni Client.

"'Wag kang g*go ngayon, Josh. May kasalanan rin tayo, hindi agad tayo dumating kahit alam natin ang mangyayari 'to!" kalmadong sagot ni Client pero masama pa rin ang tingin niya kay Joshua bago ako tinapunan nang tingin.

"Jana, mag-u-usap tayo pagkatapos nito. Maghanda ka ng magagandang dahilan para dito," pagbabanta niya bago pinagsiklop ang mga kamay at tumingin sa harap niya.

Napalunok agad dahil sa sinabi niya. Matatalik silang magkaibigan nila Heaven simula first year high school pa lang ay magkakaibigan na sila, samantalang ako nakikisawsaw lang sa grupo nila.

Solid ang samahan nila. Sobra nilang pinapahalagahan si Heaven. Heaven are a guardian angel and a saviour for them. Sa tuwing may problema sila, agad na tutulong si Heaven. Kung kailangan nila ng makikinig sa hinaing nila nandyan si Heaven. Kaya kapag si Heaven naman ang may kailangan nandiyan din sila.

Heaven is my bestfriend since fourth year high school. Sobrang tagal na rin kaya hindi rin ako natutuwa sa nangyari ngayon. May gusto lang akong malaman, gusto ko lang rin ng mga kasagutan sa mga tanong ko.

Gusto ko lang bumalik ang Ate ko dito sa bansa. Ayoko nang umalis pa si Ate. Si Ate na lang ang mayroon ako. Malalaman ko rin ang lahat. Sa huli, papanig pa rin ako sa tama, kapatid ko man o kaibigan.

She's The Billionaire's Obsession Book 1Where stories live. Discover now