Fall Chapter 17

2.9K 85 0
                                    

Nakapagtatakang nagising ako na naglalakad na papasok sa dati kong eskwelahan noong highschool ako. Ang suot ko ay maikling itim na palda, at polong puti na may itim na tie. Suot ko rin ang sleeveless na blazer na kulay itim. Long sock na itim naman para sa paa na abot hanggang tuhod ko.

Pakiramdam ko ay bumalik ako sa pagkabata. Ang pakiramdam na naka-uniform ulit ako at papasok ako sa dati kong eskwelahan ay ang sarap balikan. Ang problema lang ay wala akong kontrol sa aking katawan. Kusa akong bumabati sa mga nakakasalamuha ko kasabay nang pagngiti. Ito ang lagi kong ginagawa bilang isang good model sa mga estudyante ng Furtrick International School.

Isang eskwelahan na kilala sa buong bansa maging sa ibang bansa because why not. Kilala sila dahil sa galing ng mga estudyante nila. Kinuhan kasi nila ang mga matatalinong estudyante mula sa iba't ibang parte ng bansa with free full scholarship na sa kabutihang palad ay kasama ako.

Bilang isang vise presidente ng school government para sa high school kailangan ko maging isang anghel sa harap ng mga tao. Nasa school field na ako habang patuloy pa rin sa pagbati sa mga estudyante at guro. Sa lawak ng eskwelahan na ito ay malalayo ang mga building.

Kusang huminto ang mga paa ko nang marinig ko ang pagtawag sa pangalan ko. Gusto ko mang magkunot-noo ay hindi ko magawa. Hindi kasi pamilyar ang alaala na ito. Kusang lumingon ang ulo ko at ngumiti sa taong papalapit. Isang binata ang lumapit sa akin. May itsura ito at mukang kilala siya sa campus dahil napapalingon ang lahat sa kaniya. Sino siya?

Nakangiti itong lumapit sa akin sabay akbay sa balikat ko. Gustohin ko mang bumalag ay hindi sumusunod ang katawan ko. Ang nakakainis pa ay nakangiti ako sa hindi malamang dahilan.

"So how was your day with your Mom?" maingat na tanong ng binata.

Wala sa sariling napasimangot ako. Hindi ko man maalala ang araw na ito, marinig ko lang na ang topic ay si Mommy nawawala na agad ako sa mood. Napabuntong-hininga ako at mas piniling manahimik.

"Heaven-"

"Cosmer, please lang." Naiinis na tinanggal ko ang braso nito sa balikat ko.

Sandali, ang sabi ko ba ay Cosmer? Siya si Cosmer? Kilala ko na siya noon pa? Bakit hindi ko siya maalala?

Sunod-sunod na mga senaryo ang bumalik sa alaala ko. Parang naging isang movie clip iyon. Nakakahilo sa sobrang dami, na hindi ko na rin masundan pa. Simula noong mga bata pa kami kung saan naglalaro kami sa garden ng mansyon, hanggang noong high school.

Kasama ko si Cosmer sa lahat ng bagay. Nakapagtataka kung bakit hindi ko siya maalala. Gusto ko siyang maalala. Gusto ko malaman kung sino ba siya sa buhay ko noon. Sa konting alaala na iyon alam ko na malapit siya sa akin. Hindi lang siya basta kaibigan. Nararamdaman ko, higit pa siya roon.

Ang panaginip ko noon kung saan may naglalarong mga bata sa hardin. Ngayon alam ko na kung sino sila. Si Cosmer, Collin at ako. Akalain mo nga naman. Ang dalawang mahangin mga kababata ko pala.

Ang sumunod na senaryo ay umiiyak ako habang nasa harapan ko si Cosmer at Collin na parehong tahimik habang pinagmamasdan ako. Madilim na ang buong paligid dahil gabi na. Nasa bakuran kami ng bahay ni Tita Fe. Ang Tiyahin kong matandang dalaga.

"Your Auntie is kind. So why cry?" Collin asked coldly.

"Hindi naman ako umiiyak dahil kay Tita. Umiiyak ako dahil kay Mommy," naiinis na sigaw ko.

"Your Mom? Tita V is kind. She's just influenced by bad people. Don't be too hard with your Mom."

"Bakit ako pa ang nagmumukang masama?" gulat na tanong ko. Kung nandito lang si Daddy, magiging maayos sana ang lahat. "Don't judge me as if you know what I am feeling. Wala ka naman kasi sa puwesto ko. Hindi mo naman kasi magulang ang magulang ko." Umiiyak na sigaw ko sabay takbo papasok ng bahay.

She's The Billionaire's Obsession Book 1Where stories live. Discover now