Fall Chapter 15

3.1K 94 6
                                    

Heaven's Point Of View

Nagising ako sa malamig na temperatura nang paligid. Ang tahimik nang lugar. Marahang binuksan ko ang mga mata ko. Bumungad sa akin ang dating kuwarto na ginamit ko noon. Nandito na naman ako? Ano ba ang nangyari?

The coffee aroma makes me stay calm. The blue crystal wall, the sala set on at the side of my bed near the door was the same arrangement before. My forehead creased when I saw Joshua sleeping peacefully on the sofa. Ang akala ko ay iniiwasan ako ni Joshua. Anong ginagawa niya rito?

Marahan akong bumangon kahit pumipintig ang sintedo ko. Ang sama ng pakiramdam ko parang gumising ako sa isang masamang panaginip. Napangiwi ako nang maramdaman ko ang sakit ng ulo ko. Bakit wala akong maalala sa nangyari?

Umupo ako nang maayos at akmang tatawagin si Joshua pero naudlot nang marinig ko isang mahinang daing. Kung kanino ay hindi ko alam. Kaya ayoko sa ospital e. Takot na napalingon ako sa kanang bahagi ng kama ko. What the? Anong ginagawa niya rito?

Nanlalaki ang mga matang napatakip ako ng bibig habang nakatitig sa maamong muka ng lalaki. Siya ang lalaking nasa coffee shop ni Jana. Pala-isipan sa akin kung anong ginagawa niya rito samantalang ilang buwan na niya akong iniiwasan. Ito na ba ang tamang panahon na hinihintay ko?

Shetang, kailangan ko lang pala ma-ospital para mapalabas siya sa lungga niya. Napangiwi ako dahil sa naisip. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o magagalit. Pakiramdam ko ay mahihimatay ako dahil sa halu-halong emosyon na nararamdaman ko.

Maingat na umupo ako sa gilid ng kama at tinitigan ang muka ng binata. Mukang masungit kapag hindi nakangiti mukang anghel naman kapag nakangiti. Napakunot ako nang mapansin ang malaking peklat sa likod ng tenga nito. Mahaba iyon at umabot hanggang leeg. Parang nahiwa ng kutsilyo. Ang ganda pa naman ng kutis niya nasira dahil sa peklat. Napasimangot ako dahil doon. It less of my concern.

Napansin ko ang paggalaw ng pilik-mata nito. Gising na ang mukong nagpapanggap lang. Mabilis na humiga ako sa kama at nagpanggap na tulong. Hindi pa ako handa na maka-usap siya. Isa pa ay hindi ko rin alam ang sasabihin.

Naramdaman ko ang pagkilos nito hanggang sa naramdaman ko ang paglapit nito sa akin. Naikuyom ko ang mga kamao ko sa ilalim ng kumot. Shetang, hindi ako magaling sa ganito. Baka mamaya dumilat nang kusa ang mga mata ko. Unti-unti ay palakas nang palakas ang nararamdaman kong hininga na lumalapit sa leeg ko. Nagdulot iyon ng kakaibang kiliti. Bumilis ang tibok ng puso ko. Napadalas ako na sana ay huwag niyang babalakin na halikan ang leeg ko. Asumeng ka, Heaven.

"Heaven Sky Enricoso Carreon. Gigising ka or hahalikan kita," pabulong na banta nito.

Sa boses nito ay mukang nakangisi ito. Napalunok ako bago marahang dumilat. Hindi ako handa rito. Nagtagpu ang mga tingin namin, sa lapit at tangos ng ilong niya ay dumidikit na sa ilong ko. Matapang na sinalubong niya ang mga tingin ko.

"Neknek mo," nanginginig ang boses na sabi ko. "P'wede ba, ilayo mo nga yang muka mo." Marahang hinawakan ko ang balikat nito at tinulak ito palayo.

Ngumisi ito bago umayos ng tayo. Umiwas naman ako nang tingin. May mga tao talaga na sa tingin pa lang nito ay masisindak ka na. Isa na ang lalaking ito sa mga taong yun. Umikot ako pahiga para humarap sa direksyon kung nasaan si Joshua, para maka-iwas lang sa tingin ni Cosmer.

Mr. Cosmer Carreon, Ceo of Carreon hotel, ano ba talaga ang kailangan mo?

Ang bilis nang kabog ng dibdib ko. Syembre alam ko na ang mga susunod na mga mangyayari pero ayaw tanggapin ng utak ko. Shetang, isang dalagang pilipina na matagal iningatan ang puri at gustong maranasan na maligawan magigising na lang na may asawa na? Ano yun? Straight to the point? Walang process? Walang getting to know each other?

She's The Billionaire's Obsession Book 1Where stories live. Discover now