Fall Chapter 12

3.4K 150 11
                                    

I dedicated this chapter to Azeriel3 I hope na i-support nyo rin po sya sa kanyang story na the heir and crown thank u.

********

Papunta ako sa office pero dumaan muna kami sa isang coffee shop na pag-aari ni Jana. Kapatid ni Jona at isa sa mga kaibigan ni Heaven. Nagbabaka sakali ako na baka bumalik na si Jona o hindi kaya ay may alam si Jana. I want her back so I can make her pay for what she did to us. Kailangan ko ng information na mukukuhaa pa galing sa Jona.

Nasa parking lot ako nang maramdaman kong may nakatingin sa akin. Maybe some flirt girls who used to be slut every time they saw me. Binalewala ko na lamang iyon at nagpatuloy sa paglalakad habang nakasunod ang driver ko sa likuran ko.

I order two coffee for me and for Manong Raul. Kinuha ko iyong pagkakataon para tanungin ang cashier kung naroon na ba ang kapatid ni Jana but it seems like she's still hiding. Ang lakas ng loob niyang gumawa ng kasalanan sa kaibigan ng kapatid niya pero wala siyang lakas ng loob na harapin ang consequence ng ginawa niya.

Palabas na kami ni Manang Raul sa shop nang sumimsim ako ng kape at hindi ko namalayan ang babaing pumasok sa shop. Natapon ang kape sa katawan niya, umabot iyon hanggang sa jeans ng babae. Natigilan ako dahil sa nangyari. Balak ko sanang humingi ng sorry pero napa-atras ako nang mapansin na si Heaven ang babaing natapunan ko ng kape. Anong ginagawa niya rito?

Kita ko ang sobrang pagtitimpi niya. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilang huwag mapangiti. She looks so cute. Ang liit kasi ng height niya kaya hindi ko napansin na nandiyan pala siya, kung tumangkad lang sana siya kahit kaunti pa. My minion.

Napa-iling ako na may ngiti sa labi habang nakatingin sa kaniya. Sa dinami-rami nang araw ngayon pa talaga kami nagkita at sa ganitong sitwasyon pa. Masyado naman yatang excited si Univers na magkita kami ni Heaven.

She slowly liften her head. Masama ang mga tingin nito sa akin. Pikunin naman ang minion ko. Sunod-sunod na mura ko nang tadyakan niya ang kinabukasan ko. Napahawak ako sa kinabukasan ko. Ang sakit sobra. Kapag hindi ako nakabuo siya rin ang may kasalanan. Hindi kami magkaka-anak. Ang swerte na niya dahil maganda ang lahi ko. Hindi pa siya nakontento dahil siniko niya ang likod ko kaya napahiga ako sa sahig. Sheet, I almost forget, don't fucking pissed off a taekwondo player. She was once a taekwondo player when we were high school. How can I forgot that?

Umalis ito pero sinipa muna ang paa ko bago tuluyang umalis. Napaka-amazona talaga. Asawa niya ako hindi niya dapat ako sinasaktan. Hindi nga pala niya alam. Tinulungan ako ni Mang Raul na tumayo. Humanap siya ng puwedeng maupuan. Ang sakit ng likod ko kaya mas mabuti kung mananatili muna ako rito. I want to stay here. Yayanigin ko muna mundo niya.

Sa kotse naghintay si Mang Raul habang nasa loob ako ng cafe para hintayin na lumabas si Heaven. Ininda ko ang sakit ng likod ko at ng kinabukasan ko. Nakita kong lumabas si Heaven, mukang galit ito at handa sa panibagong away. Lakas maka-sangano nang lakad niya.

Ang sarap n'ya talagang asarin, ang bilis mapikon, bawat reaksyon n'ya hindi ko mapigilang mapangiti. She's the woman who makes you amaze in every way she can, kahit na cute size ang height niya ay malakas siya, such an independent woman but not anymore because she has me. I was enjoying our conversation when she asked the question that should be avoided.

"Sino ka ba talaga?!"

Hindi pa siya handa. Ang sabi ng doktor ay hayaan na kusa siyang maka-alala. Hindi agad siya napasok sa theraphy dahil sa nanay niya na walang ibang inisip kundi pera. Nabaon sa utang ang pamilya niya dahil na-comatose si Heaven at tumagal iyon hanggang sa lumubo ang bayarin. The theraphy will makes Heaven recover her memory fast pero mas inuna ng mama ni Heaven ang theraphy sa paa dahil baka hindi na ito makalakad kung papatagalin pa.

She's The Billionaire's Obsession Book 1Where stories live. Discover now