Mission 18

698K 20.8K 3.3K
                                    

Mission 18


Nakatulala pa rin ako ngayon sa kayabangan ng pinsan ko.


"Saglit lang Gi--" hindi ko na naituloy pa ang pagsunod ko sa magaling kong pinsan dahil bigla na lang akong hinila ni Nero Ferell. Ang diyos na nagpaiwan sa bahay, bakit naligaw dito?


"Nero!" hindi niya ako naririnig dahil patuloy lang siya sa paghila sa akin.


"Nero Ferell!" ang higpit higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko kaya hindi ako makapalag sa kanya.


"Ano ba?!" sinisikap kong wag lakasan ang pagsasalita ko dahil ayokong gumawa ng eksena pero mukhang sinasagad niya na talaga ako.


"Just shut up Hood" seryosong sabi niya na hindi man lang tumitingin sa akin.


"Nero Ferell! Masakit na ang paa ko sa kahihila mo sa akin. Anong problema mong shokoy ka?!" bigla na lang siyang tumigil at pinakatitigan ako.


"Bubuhatin kita, walang problema" akma niya akong bubuhatin pero agad akong umatras. Dito pa kaming dalawa ng pagbubuhatan? Kahit kailan talaga hindi marunong mahiya ang mga shokoy.


"No, no, no not here Nero. Sige hilahin mo na lang ako" hindi na ako nagpapalag at nagpahila na lang ako. Ano naman ang magagawa ng isang hamak na dyosa sa lakas ng isang shokoy? Malamang mahihila niya pa din ako kahit anong alma ko.


"Saan tayo pupunta Ferell?" iritadong tanong ko sa kanya. Hindi siya sumagot sa akin, ito na naman po tayo. Napipi na naman po ang hari ng shokoy, nawala na naman ang dila. Minsan nga mahatak ang dilang 'yan ng matututong umimik kapag kinakailangan.


"Okay! Talk to the han--" agad kong pinigilan ang sarili ko sa dapat kung gagawin. Sa pagkakatanda ko hindi naging maganda ng resulta ng 'talk to the hand' ko.

Kaya ang nangyari, nanahimik na lang ako. Malay ko ba kung anong kayang gawin ng shokoy na ito? Ayokong sumugal tutal siguradong ako lang ang mahihiya sa amin. Wala naman kasing pakialam si Nero sa ibang tao. Ang mahalaga sa kanya masunod lahat ng gusto niya.

Anong magagawa ko? A Shokoy will always be a Shokoy.


"I thought you're going to talk to your hand?" nakangising tanong sa akin ni Nero. Shit lang. Dyan siya magaling!


"Saka na pag ako na lang mag isa" sabay irap ko sa kanya. Hindi ko namalayan na nasa labas na pala kami ng hotel. To be exact nasa parking kami.

PARKING! bakit sa parking pa sa dami ng pwedeng lugar? Bakit sa isang makasalanang lugar niya ako dinala. Lugar kung saan malalakas ang Shokoy. Parking na naman!


"Bakit tayo nandito?" kinakabahang tanong ko sa kanya. Pinipilit kong kalasin ang pagkakahawak niya sa akin pero mas hinigpitan pa niya ito.


"Dito tayo sa walang tao" mabilis akong kinilabutan sa sinabi niya. Shit!


Caught In His Arms (Published Under Pop Fiction)Where stories live. Discover now