Mission 25

753K 20.2K 4.8K
                                    

Chapter 25


Florence Almero


Naglalakad na ako pabalik ng classroom namin at ang magandang balita nito, hindi ako nakabili ng pagkain namin ni Lina. At kailangan ko pang ipatawag si LG sa nagawa kong kasalanan, parang elementary ang school na ito. Great!

Unang pagtapak ko pa lang sa classroom. Sinalubong agad ako ng isang malakas na palakpakan mula sa mga kaklase kong magagaling.


"Congrats Florence!" sabi sa akin ni Ashong. Sinabitan niya ako ng bulaklak na binibigay sa mga turista. Agad ko namang tinanggal at ibinato sa kanya. Sira ulo talaga!


"What's wrong with you people?" tanong ko sa mga kaklase ko.


"Magbestfriend nga kayo ni Lina! Parehas kayong suspended. Haha" sabi ng isa kong lalaking classmate.

But what?! si Lina suspended? Hinanap agad ng mga mata ko si Lina. Tulalang tulala siya at parang may binubulong, sa madaling salita para siyang nasasapian. Agad akong lumapit sa kanya.


"Lina? Bakit ka nasuspend?" mabilis kong tanong sa kanya pero mukhang wala siyang naririnig.


"Patay ako kay Daddy. Patay ako kay Daddy. Patay ako kay Daddy" paulit ulit siya. Para na siyang baliw at sa hitsura niya ngayon na sabog sabog na buhok, mukha na siyang namolestiya.


"Ano ba ang nangyari sayo?!" nilakasan ko ang pagtatanong ko sa kanya ng marinig niya pero parang hindi niya pa din ako naririnig sa halip ay patuloy lang siya sa pagbulong.


"Patay ako kay Daddy. Patay ako kay Daddy. Patay ako kay Daddy"


"Lina? Are you okay?" wala pa rin akong makuhang sagot sa kanya.


"Nakabasag ka ba sa library?" Sa pagkakasabi ko sa salitang 'library' agad siyang lumingon sa akin na may nanlalaking mata.


"Wala talaga kaming ginagawa!" tumayo siya at mabilis na kinuha ang gamit at tumakbo palabas.


"What the fuck?!" baling ko kay Ashong. Hindi ko na hinabol si Lina. Nababaliw na ang kaibigan ko, masyado atang nagutom.


"Anong nangyari sa kanya?" tanong ko kay Ashong.


"Basta ang alam ko suspended din siya katulad mo. Ayos ah..bakasyon na naman. Magdidisneyland lang ata kayong dalawa, pa sama naman" kinindatan pa ako ni Ashong na feeling gwapo. Yes, may hitsura siya kaso ang weird niyang manamit at isama pa ang hairstyle niyang hindi ko maexplain. Wala sigurong butiki sa bahay nila, takot na lang siguro sa spiky spkies niyang hairstyle.


"Excuse me! Hindi ako suspended. Community service lang naman" I rolled my eyes on him.


"Ganoon na din 'yon" sagot niya sa akin.


"Magkaiba 'yon. Balita ko ay kinalaban mo na naman ang mga taga Victory, napakapasaway mo talaga" pinitik niya ako sa noo.

Caught In His Arms (Published Under Pop Fiction)Where stories live. Discover now