Mission 36

539K 16.4K 2.8K
                                    

Mission 36


Nang bumaling sa akin si Nally, hindi ko na napigilang ngumiti ng mapait. Is he really that tired? To the point that he immediately went outside of the country just to get rid of me?

Now, I got it. Sobrang dali lang sa kanya. Sobrang dali. I did not expect na bigla na lang siyang lalayas ng bansa. Kung ganun na din naman, wala na rin naman akong lalayasan at lumayas na ang magaling kong Shokoy na ex. Bakit pa ako aalis? Dito na lang ako, mamumrublema lang ako sa bahay pagbalik ko.

Hihintayin ko na lang ang go signal ni Lolo kung kailan ako uuwi.


"Hindi mo alam Florence? I thought you knew already, since you're his girlfriend" nagtatakang tanong niya sa akin. Diba sinabi ko na sa kanya na ex ko na ang magaling niyang kapatid? Aba malay ko sa Shokoy na 'yon! Lumayas na bigla.


"Nally, hindi na sila" sabat ni Aldus. Here we go again.

Ngumuso lang si Nally sa sagot sa kanya ni Aldus. Naupo ako sa isa pang sofa, samantalang ang ibang Shokoy ay nakatayo maliban kay Owen at Aldus na nakaupo na rin isang mahabang sofa.


"Anyway, napapansin ko lang bakit pasa pasa yang mukha mo Aldus? Napaaway ba kayo ni Nero. I saw his face pasapasa rin, hindi man lang kayo nakatama sa kalaban nyo at napuruhan kayo?" nilapitan niya si Aldus na kunot noong nakaupo sa sofa, mabilis hinawakan ni Nally ang mukha niya.


"Ano ba Nally! I'm not a kid anymore" tinabig niya ang kamay ni Nally na nakahawak sa mukha niya. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko sa mga pangyayari ngyon. I felt heavy and I don't want to suddenly burst out her. I preferred being silent.

Dahil sa bawat lokohan at kantsawan ng magpipinsan na ito ay hindi ko maiwasang isipin ang nag iisang hari ng mga Shokoy na nang iwan sa akin. Tang ina niya.


"Awww, I used to kiss your bruises pag nadadapa ka. Sinong umaway sa baby ko? Aawayin ko rin" kitang kita ko kung papaano kumunot noo at mairita si Aldus sa paglalambing sa kanya ni Nally. Sinabunutan pa niya ang sarili at padabog na tumayo at mabilis na umalis.

Samantalang ang mga pinsan niya ay utas na naman sa katatawa. Pinilit kong makitawa pero mabilis ko ring pinigil ang sarili kodahil alam kong mahahalata lang peke ang mga tawa ko. Magmumukha lang akong tanga.


"Shit Nally, andito ka naman. Panggulo ka lang sa buhay namin" natatawang sabi ni Owen.


"What did you say?" bumaling siya ka Owen na walang tigil sa katatawa.


"Paano mo natatagalan ang paglalambing ni Nally sayo Troy? Parang hindi ko ata kaya" naiiling na sabi ni Tristan.


"Ewan" sagot sa kanya ni Troy.


"Hindi nyo man lang ba ako na miss?" madramang tanong ni Nally sa kanila.

Nanunuod na lang ako sa reunion nila. Hindi ko alam kung papaano ako makikisali sa usapan nila kaya mas pinili ko na lang manahimik sa isang sulok.


"Bakit ka nga pala umuwi?" tanong ni Tristan sa kanya.


"May aasikasuhin lang ako dito, bukod ba kay Nero may mga girlfriend na ba kayo?" tanong niya pabalik kay Tristan.

Caught In His Arms (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon