Mission 75

614K 16.5K 6.8K
                                    

A/N: To the person reading this. Thank you for making this far :)


Mission 75


Napatulala na lang ako kay Kuya Nik. Bakit kami nandito? Gusto ko ng lumayo pero bakit dinala niya pa ako dito? Hindi niya ba alam ang nararamdaman ko?


"Kuya, I don't like this" naiiling na sabi ko sa kanya.


"Just talk to him" simpleng sagot niya sa akin. May lakas pa ba akong kausapin siya? Pakiramdam ko ay ubos na ubos na ang lakas ko.


"Kuya..tayo na. I don't want to go inside. Umalis na tayo" nanatili akong hindi gumagalaw sa kinauupuan ko. Hindi ito magandang ideya.


"Florence, I can wait here. Magpaalam ka ng maayos sa kanya katulad ng kung papaano ka nagpaalam sa mga pinsan niya. That would be very unfair for him kung basta ka na lang aalis" muli akong lumingon kay Kuya Nik. Hindi niya ba naiintindihan? Mas magiging mas mahirap ang pag alis ko kung mag uusap pa kami ni Nero.


"Nakapagpaalam na ako sa kanya.." mahinang sagot ko sa kanya.


"But in a nice way?" tanong niya sa akin. Masyado akong kilala ni Kuya Nik para magsinungaling sa kanya. Kaya sa halip na sumagot ay inilihis ko ang ko na lang ang paningin ko sa kanya.


"Kahit kailan hindi magiging maayos ang pamamaalam ko sa kanya Kuya. Umalis na tayo please" sana maintindihan naman ako ni Kuya Nik pero mukhang imposible dahil alam kong isa siya sa mga tutol sa desisyong ginawa ko.


"I can wait here, hindi tayo aalis hangga't hindi ka nakakapagpaalam sa kanya" may finality na sa boses ni Kuya at alam kong wala na akong magagawa. Napabuntong hininga na lang ako.



"Do I have a choice?" sinimulan ko ng buksan ang pinto ng sasakyan. Bahagya ko pang nilakasan ang pagsasara ng sasakyan na agad ikinakunot ng noo ni Kuya.



"Pinagdadabugan mo ba ako Florence Celestina Almero?" may awtoridad na tanong niya sa akin.



"No Kuya, napalakas lang" katwiran ko.



"Good, now go" tumango na lang ako sa kanya.



Hindi ko inaasahan ito. Ang pamamaalam kay Troy at Owen ay talagang napaghandaan ko na. Pero ang kausapin muli si Nero, matapos ko siyang iwan sa resort at hindi pagbuksan sa hotel ay parusa na naman, hindi lang akin kundi pati na rin sa kanya.


Ayoko nang humarap pa muli sa isang mabigat na usapan kung maaaring umiwas ay gagawin ko. Ayoko na.

Kung maaari ay ayoko ng umiyak dahil sobrang nakakapanghina na. Masyado nang mahina ang kalooban ko dahil sa sunod sunod na mga pangyayari, hindi ko na alam kung hanggang kailan pa tatagal itong dibdib ko. Baka bigla na lang itong sumabog kung patuloy ko itong bigyan walang katapusang problema.

Caught In His Arms (Published Under Pop Fiction)Where stories live. Discover now