Mission 2.2

914K 27.1K 14.9K
                                    

Mission 2.2


Pikon. Hindi ko maiwasang hindi mapailing sa babaeng tumakbo pataas ng kwarto. That mannerism,  cute.

Natigil ako sa pag iisip sa babaeng pikon nang may maamoy akong hindi maganda. Ang mga ganitong amoy madali lang malaman ang dahilan kaya mabilis akong nagpunta sa kusina. Siguradong nagpapausok na naman ang mga pinsan ko sa mga oras na ito.


"Mga pinsan ano na naman ang iniihaw nyo?" tanong ko sa kanila habang tamad akong pumapasok sa kusina. Sa kanilang apat wala man lang sumagot sa akin, masyado nilang sineseryoso ang ginagawa nilang kalokohan.

Ang nagluluto ay si Aldus at Troy habang si Owen at Tristan naman ay may hawak ng cook book. Napapaismid na lang ako sa kalokohan nilang apat. Naupo na lang ako habang pinapanuod kung papaano sila magkalat sa buong kusina.


"Owen ang carrots?" inilahad ni Aldus ang kamay niya sa kanyang assistant. Napakunot ang noo ko sa hitsura ng mga pinsan ko. Kung titingnan aakalaing marurunong magluto pero sa totoong buhay mga wala alam ang mga gagong ito. Why are they wearing chef uniform? Tss. Parang tanga lang.


"Here" inabot ni Owen kay Aldus ang carrots na hindi man lang hinuhugasan. Good, food poison pa ang aabutin ko sa mga ito.


"Aldus Ferell in his 3 point shot" pumorma pa ang magaling kong pinsan na akala mo ay mashoshoot siya sa bola ng basketball. What the fuck?

Agad nagshoot ang carrots sa kaserola, ginawa na nilang playground ang buong kusina.


"Wash it first" buti medyo alam ni Tristan ang kalinisan.


"Hugas na 'yan dyan" mabilis na sagot ni Aldus. Tamad. Tss


"Hinihiwa pa 'yan Aldus" sabi ulit ni Tristan. Alam naman pala niya bakit pinapabayaan pa niyang magwalang hiya dito sa kusina 'yang si Aldus? Patay na naman kami nito kay Hood.


"Ano ba ang nakalagay sa cook book? Troy get that carrots and slice it. Ang arte nitong si Tristan hindi naman maalam magluto" iritadong sabi ni Aldus, nagsalita ang marunong.


"Sa lagay na 'yan maalam ka Aldus?" sagot naman ni Tristan. 

Baka mamaya magsabuyan ng mainit na tubig ang mga ito. Bahala na sila, wala na akong pakialam sa inyo mga pinsan. Good mood ako ngayon.


"Nagpiprito pa ako ng hotdog, wag kayong magulo nagcoconcentrate ako, bakit ba hindi na lang ikaw ang gumayat Aldus?" iritadong sagot sa kanya ni Troy na abala sa kanyang niluluto.


"Tama ba na pinalulutang ang hotdog sa mantika?" tanong ni Owen na napapangiwi na rin sa nakikita niya. Sino pa ang makakakain niyan?

Nanunuod at nagmamasid na lang ako sa mga katangahan ng mga pinsan ko. Kung makikisali pa ako edi parepareho na kami?


"Masasayang kasi ang mantika pag hindi ginamit hindi ba sabi ni Doll wag magsayang?" sagot sa kanya ni Troy.


"Sa bagay" kibit balikat na sagot sa kanya ni Owen.  Minsan napapaisip ako, bakit kaya nagkaganito ang mga pinsan ko?


Caught In His Arms (Published Under Pop Fiction)Where stories live. Discover now