Mission 2

1M 28.9K 5.2K
                                    

Mission 2


"Yes, last period na. Gusto ko na talagang umuwi" bahagya pa akong nag unat unat. Nakakapagod talaga ang araw na ito, idagdag pa ang mga nakakastress na sinabi ng hari ng mga Shokoy na 'yon. Darn.

Bakit ba hindi mawala sa isip ko ang sinabi niyang 'yon?


"I just don't want to see you cry"


"No one can ever make you cry, no one..except from me.."

Halos paulit ulit ko na itong naririnig sa tenga. Hindi ko alam kung bakit siya nagrereplay na nagrereplay, nakakasura na. I won't ever cry because of him. Over my gorgeous and sexy body. Duh?


"Florence magkwento ka naman bakit ganoon na lang ang interes sayo ng mga Ferell? May atraso ka ba sa kanila?" nagulat na lang ako sa pabulong na tanong ni Lina sa akin.


"Wala ako sa huwisyong magkwento ng bagay na 'yan. Pwede sa ibang araw na lang?" pabulong ko din sa kanya. Baka mahuli kami nitong dalawa, mahigpit pa naman ang propesor namin ngayon.


"Oh, okay" maiksing sagot niya sa akin na ipinagpasalamat ko.


"Wait, are you somewhat interested with one of them?" itinaas ko ang kilay ko sa kanya. What the hell? Don't tell me she's interested with water creatures?


"What the fuck Florence?" iritadong sagot sa akin ni Lina.


"Ms. Almero and Ms. Hidalgo maaari na kayong lumabas dalawa, sa labas niyo na ituloy 'yang pinag uusapan nyo. Nakakagulo kayo sa klase ko!" halos sabay kaming mapatalon ni Lina sa aming kinauupuan. Oh boy, nahuli pa rin talaga kami kahit nagbubulungan na lang kami.

Ang daldal naman kasi nitong si Lina. Pero mas mabuti na sigurong mapalabas ng maaga, kanina ko pa talagang gustong umuwi at magpahinga.


"Yes! Early dismissal, makakatulog na rin ako ng matiwasay" sana wala pa ang mga Shokoy sa mansion.


"Early dismissal ka dyan? Ang ingay mo kasi nadamay tuloy ako" ismid na sabi sa akin ni Lina na inirapan ko lamang. Magpasalamat nga siya sa akin dahil makakauwi kami ng maaga.


"Ang arte nito, makakauwi ka na ng maaga pasalamat ka nga sa akin"


"So dapat pasalamatan pa kita ganon? Florence ang aga aga pa kaya, magtataka ang parents ko nito" halos magpapadyak siya sa kahihimutok sa akin.


"Then go shopping" I suggested.


"No way! baka pag nalaman ng papa ko akalain niya nahawa na ako sa mga estudyante dito. Kung hindi nga lang dahil sayo umalis na ako sa langit na school na ito" napapangisi na lang ako sa paghaba ng nguso niya. Why I'm having a very cute friend?


"Natouch naman ako sa sinabi mo Lina, maniniwala na ba ako?" may peke pa akong pag aalis na kunwaring luha sa mga mata ko.


"So tayo na lang sa bahay nyo Florence, ipakilala mo ako sa magulang mo" ngiting sabi niya sa akin. Parang madadala ko siya sa mansion ng mga Shokoy na 'yon? Pugad 'yon ng mga lamang dagat, hindi naman basta basta ang hitsura ng kaibigan ko. Baka pag interesan siya ng mga Shokoy, mahirap na.

Caught In His Arms (Published Under Pop Fiction)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें