Mission 20

639K 19K 5.1K
                                    

Mission 20


Nero Ferell


Wala akong balak sumama sa engagement party na sinasabi ni lolo. Sinong sasama sa walang kwentang dahilan niya? pagwapuhan? Ano ako uto uto? Mga pinsan ko lang ang mga uto uto, wag na nila akong isali.

Nakakapagtaka na naging pinsan ko ang mga ungas na 'yon? Ang hihina ng ulo nila. Nagpapaloko sila sa lolo naming walang magawa sa buhay, bakit kaya ang lakas ng trip ng matandang 'yon?


"Damn!" Bruno Black Bled to Death! What the fuck is this game? Napakawalang kwenta talagang magrekomenda ng laro nitong si Troy.

Kasalukuyang nakaharang sa harapan ang likuran ng mga gago kong pinsan sa hindi ko maintindihang dahilan.


"Takpan niyo ang mata ni Nero baka biglang magbago ang isip at biglang sumama" gusto ko nang sipain ang likuran nitong si Troy. Nakarami niyang alam, tagapagmana talaga siya ni LG.

Pinilit kong hindi ipakita sa kanila na malapit na akong makapatay ng tao kaya pinagpatuloy ko na lang ang paglalaro ng Crazy Doctor. Sasama talaga siya? Mas gusto niya pang kasama ang mga gago kong pinsan? Patay kang babae ka sa akin pagbalik mo mamaya.


Hindi ko man lang makita kung anong ayos niya. Damn these cousins. Nagkunwari na lang akong hindi nakikinig sa usapan nila, kahit ang totoo ay gustong gusto ko nang ihampas sa kanila ang Ipad na hawak ko.

Nang nagyaya na si LG sa kanila, alam kong pagkakataon ko na para makita ang suot ni Hood. Pero ang mga gagong pinsan ko, talagang ginalingan ang pagharang sa aking harapan na kahit paglalakad ni Hood ay hindi ko makita. Damn.


"Nakatube si Doll, ang ganda ng likod. Ang kinis!" fuck. Anong kamanyakan ang pinagasasabi ng gago kong pinsan? Lalo kong pinahaba ang leeg ko para makita si Florence pero kahit kulay ng suot niya ay hindi ko makita. Fuck. Fuck.


"Ayusin niyo ang pagharang baka masilip ni Nero at makasunod pa sa atin. Ang mga diyos dito lang, bantay sa bahay" akala siguro ng gago kong pinsan madadala niya ako sa mga sinasabi niyang ito? Tang ina nyo, kayo na lang ang magwalang hiya sa pupuntahan nyo.


"Owen! wag naman masyadong mahigpit ang hawak sa bewang. Hindi pa nga nakakahawak dyan si Nero" fuck. Hindi ko na natansya ang sinabi ni Troy, hindi ko na namalayan na nabasag ko na pala ang Ipad na hawak ko. Bakit may paghawak pa ang gago sa bewang?!

Tutulog na lang ako. Tutulog na lang ako. Mga gago sila, mga gago. Mabilis akong pumunta sa kwarto ko at nahiga, kailangan kong matulog.


Habang nakahiga ako, hindi ko maintindihan ang aking sarili? Fuck. Ano kayang suot ni Hood? Baka pinagpipiyestahan na siya ng mga pinsan ko? Fuck!

Hindi ko na namalayan na naihagis ko na ang mga unan ko. Pinilit kong matulog, pero agad din akong nagising dahil tumunog ang alarm clock ko sa alangang oras. What the fuck?

Agad ko itong hinagip at itinapon. Sino na naman kaya sa mga pakialamero kong pinsan ang naglaro ng alarm clock ko? Muli pa sana akong iidlip nang biglang tumunog ang telepono ko, nang makita ko ang tumatawag agad ko itong pinatay.

Tumatawag ang tagapagmana.


Nang patayin ko ito ay hindi rin nagtagal ay tumawag na naman ang gago kaya muli ko itong pinatay. Sa pangatlong tawag niya pinatay ko na naman. Ano na naman kayang masamang hangin ang nalanghap ni Troy?

Caught In His Arms (Published Under Pop Fiction)Where stories live. Discover now