Mission 26

749K 18.1K 3.8K
                                    

Mission 26


"I'm always contented with one and only girl. But she's off limits back then" Natigilan ako sa paglalakad dahil sa sinabi ni Raje


"Oh, okay" 'yon lang ang nasabi ko. Dahil wala akong alam na dapat kong sabihin sa sinabi niya. Who is she then? Akala ko ba ay si Gabriella na ang The One?


--


Flashback


Aristotle Raje Cortez


Birthday ni Ninong Lorenzo. Dahil magbestfriend si daddy at ninong invited ang buong pamilya namin. Isang simpleng party lang ang inihanda ni ninong dahil sa pagkakaalam ko, ayaw ni ninong ng masyadong maraming tao.


"Ninong Happy Birthday po" bati ko sa kanya.


"Salamat hijo" bahagya pa niyang ginulo ang buhok ko. Sa lahat ng mga ninong ko si ninong Lorenzo ang pinakapaborito ko. He's cool like my Dad.

Bumalik siya agad sa pakikipagtawanan sa mga kaibigan niya kasama na doon si daddy. Dahil puros matatanda na lang naman ang nandito, wala akong batang makita na kasing edad ko. Naglibot libot na lang ako. Ang alam ko may anak daw na babae si ninong pero hindi ko pa siya nakikita.

Naisipan ko na lang pumunta sa may swimming pool nila. Titingnan ko kung kanino ang mas malaki ang sa amin ba o ang sa kanila. Pero bago ako makarating sa swimming pool. May nakita akong isang batang babae na nagduduyan, may multo pa ata sa bahay ni ninong.

Nagsimula na akong umatras sa paglalakad pero mukhang huli na ang lahat dahil naramdaman na ako ng batang nagduduyan. I don't know what happened. The moment she looked at me, I suddenly felt that time stopped. There's something in her eyes that I can't figure it out. I think she's around 7 or 8? She looks so damn cute!


"Bisita ka rin ba ni daddy?" tanong niya. She has a very cute voice.


"....." hindi agad ako nakasagot.


"Oh! English speaking pa ata. I said are you one of my Dad's visitors?" I saw how she rolled her eyes. Cute!


"Oo" sagot ko.


"Nakakapagtagalog naman pala--- pakinig kong bulong niya. She funny! Ah. Okay. Pwede ka nang makaalis" suplada!


"Bakit mag isa ka lang dito?" she's funny. I like her, kaya sa halip na umalis ako mas lumapit ako sa kanya.


"None of your business" She rolled her eyes again. Hahaha. Bakit natutuwa akong makita 'yon?


"Ang taray hindi naman maganda" sinimulan ko na siyang asarin. Her expressions are addictive.


"Anong sabi mo? Akala mo gwapo ka? Ang pangit mo! Aswang!" tumayo na siya sa duyan saka ako tinulak. At patakbo siyang umalis. Hala! Napikon ata. Kanino kayang siyang anak? Siya ba yung anak ni Ninong?

Caught In His Arms (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon