Mission 40

480K 15.5K 2K
                                    

Mission 40


Sabado na naman. At as usual, magkakasama na naman kami maghapon ng mga Shokoy sa mansion. Pero may mas magiging importanteng lakad ako ngayon at kailangan ko ang isa sa kanila.

Nakanganga silang apat sa napakalaking flat screen tv. Hindi ko alam kung may pinapanuod ba talaga silang apat dahil kanina pang pindot ng pindot si Troy Ferell sa remote.


"Tang ina! Akina na nga ang remote na yan!" inagaw ni Owen ang remote kay Troy.


"Nakakatamad ang araw na ito" malamyang sabi ni Troy. Kahit si Aldus at Tristan ay mukhang tamad na tamad sa buhay. Nakatayo lang ako at humahanap ng tamang tyempo dahil may sasabihin ako sa isa sa kanila.


"Warden Doll pupunta ka ba kay Lina ngayon?" tanong sa akin ni Tristan.


"Hindi. Aldus can we go out?" diretsong tanong kay Aldus na tulala sa tv. Lahat ata ng tamad na tamad kanina ay puros nanlalaki ang mata sa sinabi ko.


"Sure! Give me a minute Warden" mabilis siyang tumakbo pataas ng hagdan na parang hindi man lang tulalang tulala kanina.


"Doll.." mahinang sabi ni Troy. Mukha siyang litong lito sa ginawa ko. I think, this is my first step to move on.


"What's that Wada? Wag mo na siyang paasahin" sabi naman sa akin ni Owen. Hindi ko pinansin ang pinagsasabi nila. Instead naupo na lang ako sa isang sofa habang hinihintay si Aldus.


"Paano kung bumalik si Nero? Siguradong pabalik na 'yon Wada. Wag kang mamangka sa dalwang ilog!" medyo malakas na boses na ni Owen ang narinig ko. Bahagya akong napakagat labi sa narinig ko dahil kung hindi ko ito gagawin mapapabulanghit ako sa tawa. Pinagtaasan ko na lang siya ng kilay. What the hell? Ano bang iniisip ng mga Shokoy na ito.


"Let's go!" narinig ko na ang boses ni Aldus kaya tumayo na ako. Naglalakad na kami palabas ni Aldus nang may huli akong narinig mula kay Troy.


"Damn, this will be trouble again"


--

Nasa biyahe na kami ni Aldus. And this is my first time na sumakay ako sa kotse niya. I used ride Nero's Amarok.


"Saan mo gusto Warden?" nakangiting tanong niya sa akin.


"Sa Tuesday Café" maiksing sagot ko.


"As you wish.." as you wish... bakit bigla ko na lang naramdaman ang pagkahulog ko sa tubig Mabilis kong pinilig ang ulo ko, so many thoughts about Nero.

Nasa table na kami. Nakaorder na agad si Aldus ng coffee para sa amin.


"Are you sure? Coffee lang?"


"Yes"


"I'll be straight Aldus. We're here to talk" seryosong sabi ko.

Caught In His Arms (Published Under Pop Fiction)Where stories live. Discover now