Wakas

11.8K 227 38
                                    

Wakas

When Love Makes A Mistake

Bumungad sa akin ang ingay ng aircon ng opisina ni lolo. Iniapak ko ang aking paa sa loob ng kwarto. Napalunok ako at nakita ko ang mesa ni lolo at ang nakabukas na lamp. It took me minutes to realize I am inside of his office. Wala si lolo sa loob.

Sinara ko agad ang pinto at ang kadiliman ng kwarto ang sumalubong sa akin. Mabuti na lang nakabukas ang lamp kaya may maliit na liwanag sa loob.

Napabuntong hininga ako. Ito na ang oras para mahanap ko ang mga papeles na makakapagpalaya sa amin kay lolo. Sa lahat ng nangyari ayoko ng may panibagong pagkakamali akong magagawa. Tama na. Gusto ko ng maging maayos ang lahat.

I’ve learned so many things. Love makes you vulnerable to any mistakes. Sometimes, you forgot to do the right thing because you only know the wrong thing. You intend to lie with words but you can’t lie with the reaction of your eyes and body to hide your emotions. This is the defenseless part of you. You’ve been in pain but do not forget to face another life…another day because this makes you stronger.

Be brave to any consequences.

Be brave, Leigh.

Napapikit ako at nakita ko ang mukha ng mga taong mahal ko. This is for them.

Mabilis  akong pumunta sa may mesa ni lolo. Agad kong pinagtuonan ng pansin iyong drawer niya. Isa-isa kong inusisa ang laman ng bawat drawer. Binasa ko ang mga nakasulat sa bawat papel at envelope. Pero wala sa drawer. Sunod kong tinignan ay iyong mga papel na nasa mesa. Isa-isa ko ulit na binasa iyon pero puro mga papeles sa kompanya iyon. Isa na lang ang pagkakataon ko para makuha iyong papel. Magbabakasakali na akong nasa drawer nitong mesa ang agreement papers.

Please. Please. Please.

Binuksan ko ang malaking drawer na nasa mesa. Napalunok ako nang may iisang envelope na nandoon. Nang kunin ko ang envelope ay may sumilip ng picture frame. Napababa ako at pinagmasdan ang litrato.

Si lolo at ito…ito si lola.

Kitang-kita ko ang pagkakaiba ni lolo ngayon at dati. He smiled because it was his heart. Ngumingiti dahil masaya siya talaga dati. Lalo na kapag kasama niya iyong taong mahal na mahal niya. Dito nag-ugat ang lahat, nawala ang kanyang puso nang lokohin siya. He became heartless.  He didn’t even have a choice because of the rage and madness. He was fooled by love. Love makes him weak so he forgets to love again. Love destroyed him.

Napatakip ako ng bibig. This is what he’s doing when love makes a mistake. He built walls around him to make him feel no emotion…to feel no more love.

It is the opposite of Benj.

Kasi si Benj kapag lalong nagiging mali sa tao ang pag-ibig niya, tumatapang siya. Love makes him reckless. Wala siyang pakelam kung anong kapahamakan ang maidudulot nito sa kanya. It makes him fear no more danger.

Binaba ko ang picture frame sa dati niyang kinalalagyan. Nawala iyong galit ko kay lolo sa sakit na naramdaman niya dati. I want him to feel love again. Kung pwede kami ang maging daan nito…gagawin ko. I want him to be the good man again.

Kinuha ko ulit iyong envelope. Kinuha ko ang laman nun at bigla akong napaupo sa nakita ko.

“I, Ashleigh Sy Alegre, promise to…” Napakagat ako ng labi nang mapansing binabasa ko pala siya ng malakas. I am feeling hot and cold and I don’t know. Nasa kamay ko na ‘yung kailangan namin. Nasa kamay ko na.

Nanginginig ang aking kamay kaya napahigpit ako ng hawak. Naramdaman ko na lang tumulo ang aking luha. I feel my heart on my throat. A sob wants to escape from my mouth. Ito na…ito na ang kailangan namin.

When Love Makes A Mistake (Book 2 of WL Trilogy) (ML, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon