Kabanata 22

8.9K 221 36
                                    

Kabanata 22

Happy


Nagising ako sa haplos na nararamdaman ko sa aking braso. "Leigh..." My mama's voice. I half-opened my eyes. Si mama nga! Nakaupo siya sa aking kama at nakalagay ang isang kamay niya sa bibig. Napaiwas siya nang umupo ako sa pagkakahiga. Bigla siyang tumayo at tumalikod sa akin. "Nandito...na 'yung...mag-aayos sa'yo." She shook her head. I know, my mother is crying. Today is the day. My heart hurts at it. Lalo na nung umalis siya ng kwarto ko.

Napapikit ako. Biglang pumasok sa isipan ko iyong nangyari noong madaling araw. Napatingin ako sa bintana ko na nakasara ngayon. Pinikit ko ulit ang mata ko at nakita ko kung paano pumasok si Benj dito sa kwarto ko. I saw him cupping my cheek. I heard him saying those words again. I touched him. I felt his lips. I felt him...here in my room. Napalunok ako at napadilat ako ng mata. Napatingin ako sa paligid. Nasa kama na ako. At nasa bewang ko ang aking kumot.

Panaginip lang ba talaga iyong nangyari kanina? Nandito ba talaga siya? My heart aches again. The hell, I tasted bitter in my mouth. I was not dreaming! Nakita ko talaga si Benj! Hinawakan niya ako. And until now, I can still feel him. His scent is still around me!

Napatayo ako at pumunta sa may bintana. Dumungaw ako ngunit wala akong nakita kahit anong bakas niya na ginamit paakyat dito sa kwarto ko. Napakagat ako ng labi. Maaring...maaring hindi totoo. Bumaba ang pag-asa ko na pumunta siya talaga rito. Nanaginip lang ba talaga ako na nandito si Benj? Naalala ko pa sa nakaunan ako sa kanyang braso. Naalala ko pa naririnig ko ang tibok ng puso niya. Pero ano na? Ano na ang nangyari!

"Ms. Leigh, kailangan niyo na raw pong maligo dahil nandyan na po ang mag-aayos sa inyo," ani ni Liza na isa sa mga katulong namin dito. Napaharap ako sa kanya. I gave her a nod. At saka umalis na siya ng kwarto ko.

Right, this is happening. Magpapakasal na ako. I never—never felt so angry right now. No...hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko. Hindi ko alam kung nalulungkot ba ako...kung nagagalit. Gusto kong may ibalibag pero hindi magawa ng kamay kong humawak ng ano dahil pakiramdam ko mahuhulog lang ito.

Para akong robot na pumasok sa banyo. Hindi ko alam kung paano...paano. Hindi ko naramdaman kung malamig o maligamgam ba iyong tubig na dumadaloy sa aking katawan. Hindi ko alam kung paano ako natapos maligo.

Pagkatapos, nadatnan ko iyong isang babae sa harap ng salamin ko. May pumasok pang isang babae. At isa pa. Napalunok ako at napayakap sa sarili ko. Ngayon pakiramdam ko nanlalamig na ako.

"Ms. Leigh," the woman said and bowed. Napaawang na lang ako ng bibig. Lumapit naman sa akin 'yung isang babae.

"Ma'am?" the other woman said. Hinawakan niya ako sa siko at pinaupo sa harap ng salamin. Right, aayusan nila ako. This is happening.

"This is...about the wedding, right?" I looked myself at the mirror. I don't know if I was asking myself. O sila ang tinanong ko. Pero sumagot 'yung isang babae.

"Yes, ma'am."

Right, the wedding. Mangyayari na ang gusto ni lolo. Nanaginip lang talaga ako kanina. Benj was not here. Right!

"Ma'am!" The woman shrieked. I feel the tears rolling down in my face that made the woman yelled kasi sinisira ko ang nilalagay niya sa mukha ko. But I don't care. Mangyayari talaga ang kasal. Nanalo ka naman lolo. Tatalong-talo na talaga ako—kami.

**

Hindi ko sinilayan ng kahit isang tingin ang sarili ko sa salamin pagkatapos nila akong ayusan. I'm wearing a wedding dress, yes, but it felt like I'm going to mourn myself. Noong pababa ako, kitang-kita ko silang lahat na nakatingala sa akin na para akong prinsesa. Una kong napansin si lolo with his winning evil smile. Napaiwas ako ng tingin. Ano pa bang ikatataas ng galit? Mayroon pa ba? Nakita ko sila Gaile, Lucy, Zeke, Cid, at kuya James sa kanilang attire. They are all looking good—beautiful. Nandito rin ang ilan sa mga tito at tita ko—mom and dad ng mga pinsan ko, beaming at me. At si mama na nasa gilid na hindi sumalo sa kanila. I gave mama a smile. But I know this is enough to say I'm okay. Kasi ang totoo, wala ng magiging okay man sa mundo namin. Wala man lang kasama si mama sa gilid. And I want to run on her, hug her, and comfort her. Pero wala akong magawa. Tuloy-tuloy lang ako sa paglakad hanggang sa makababa na ako. Isa-isa silang lumapit sa akin. May sinasabi sila ngunit hindi ko maintindihan.

When Love Makes A Mistake (Book 2 of WL Trilogy) (ML, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon