Kabanata 16

9.4K 177 9
                                    

Kabanata 16

Kiss me

Nakalatag ang dress ko sa aking kama nang may narinig akong katok sa pinto. “Pasok!” sigaw ko habang hinahaplos itong casual na susuotin ko mamaya sa photo exhibit. The dress is short sa harap tapos mahaba iyong sa likod. Ang top niya ay kulay puti at walang sleeves and iyong pambaba ay kulay black.

May narinig akong yabag kaya napalingon ako. “Christian?” my brows creased. “Why?” I asked him.

“Visiting you?” he said, smiling. Hindi ko mapigilang ngumiti sa kanya. Gusto ko na iyong Yuan na ganito. Something on him changed. At hindi ko alam kung anong naging dahilan niya. Pero ito ang gusto ko dahil hindi na ako naiinis sa kanya. “What happened to your eyes? Did you cry?” I gulped. Bigla akong napatingin sa salamin. Oh my God, namumugto nga ang aking mata.

Agad akong napatingin kay Yuan para dumepensa. Napailing ako at sumagot, “No.” My head aches. I lied. Napakunot naman ng noo si Yuan. “Hindi ako umiyak. May kumagat na insekto. Hindi ko lang siguro napansin kagabi noong natutulog.” WHAT THE HECK?! Ganyan ba kumagat ang insekto? Halatang nagsisinungaling talaga ako. Kailangan mawala ang usapan na ‘to. “Yuan?” Nawala ang pagkakunot ng noo niya. “Gusto mo bang sumama sa akin? O may gagawin ka ngayong araw?” I asked him.

Halatang nagulat siya sa inbitasyon ko. Napaawang siya ng bibig. “May gagawin ka ata? Painting exhibit kasi ‘yung pupuntahan ko.”

At saka lang siya nagsalita, “No..no. I love to. It’s okay. I’ll come with you.” Humakbang siya papunta sa akin at inabot ang aking kamay. “Thank you. Wait for me. I think I need to change now.” He said and kissed my forehead. I don’t even react. Hinayaan ko lang siya at tumango sa kanya. Then, naglakad na siya palabas ng kwarto ko.

I realized yesterday, why I don’t even open my heart to someone? I mean to care for someone who cares too much on me. At si Yuan iyon. Dati kasi marinig ko lang ang pangalan niya, inis na inis na ako. Pero nagkamali ako sa kanya.

Napatingin ako sa orasan, base sa invitation alas tres ang umpisa ng exhibit. I should really come because I want to see the woman’s painting. I do really love to touch it and feel everything about the painting.

Sinuot ko ang dress at napatingin sa salamin. For this day, hindi ko kinailangan na magpatulong kay Gaile at Lucy. Ako lang ang pumili ng dress na ‘to para sa akin. Hinayaan ko ilugay ang buhok ko at inilagay ang sunglasses. Ayokong may makapansin pa nitong mata ko. Ngayon pansin pa siya pero mamaya wala na’to…iyong pagmumugto. Pagkaayos ko ay bumaba na ako at lumabas ng bahay. Walang katao-tao sa mansyon. Napakatahimik at iyong tunog ng heels ko ang umalingawngaw.

“Leigh, baby?” Napalingon ako. Mama?

“Ma?” Napakunot ako ng noo. At inalis ang sunglasses sa akin. “Bakit po?”

“Wag kayong papagabi,” Ma said and gave me a smile. Tumango ako at ngumiti. Pagkatapos ay hinintay si Yuan sa labas.

Hindi naman ako matagal na naghintay dahil pagkalabas ko rin ay nandon na si Yuan. He smiled, automatically when he saw me. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse. Yuan is wearing semi-formal attire. Nakaayos ang medyo kulot niyang buhok. Halatang halata mo talaga na masaya siya dahil sa ngiti niya at sa mata niyang naniningkit.

“Where to go?” he asked.

Napatingin ako sa invitation at nagsalita, “Ayala Museum,” ani ko.

“All right!” he said. At sinara ang pinto.

Sumakay naman din agad si Yuan at pinaandar ang kotse. Hindi naman gaanong traffic. At nagugulat na lang ako sa sarili ko na sinasagot ko ng maayos iyong ilang tanong ni Yuan. I even laughed at his jokes. Minsan nagigising na lang ako sa realidad at napapatanong sa sarili ko. What is wrong with you, Leigh Scarlett?

When Love Makes A Mistake (Book 2 of WL Trilogy) (ML, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon