Kabanata 3

12.1K 192 23
                                    

Kabanata 3

Wrong Angle

“Benjamin already told me that they knew you, Yuan and Leigh. Magkakaibigan na pala kayo?” lolo asked while looking at me. Halatang hindi niya pinapakita ang inis niya dahil nandito si Benj na bisita ngayon. Paano nga ba ako nakilala ni Benj? Di ba? Alam ko ito na ang tanong na lumilipad sa isipan ni lolo.

“Yeah, actually we met at San Mateo Resort,” Yuan answered. God, savior. Maybe I should give you a hug, Yuan! Napatango kasi si lolo sa sagot ni Yuan. Halatang naniwala si lolo sa sagot niya kaya ngumiti ito.

“That’s good. Right, Benjamin?” Lolo looked at Benj.

“Yes, but I’m not comfortable hearing my first name,” Benj laughed and I freaking closed my eyes at the sound of his laugh. “Sir Lorenzo, call me Benj or Franco.” Napatawa si lolo sa sinabi niya. Totoo? Tumawa siya? Si lolo?

“Benj, okay, Benj.” Lolo said.

“All right! Let’s start!” Nagulat ako sa biglang paghatak pa ni Yuan sa akin. Halos idikit na niya ang sarili niya at hindi na ako makagalaw. Napalunok na lang ako nang tumingin ako sa pwesto ni Benj na walang kapakepakelam sa ginagawa ni Yuan sa akin ngayon. Nakatuon kasi ang atensyon niya kay lolo. Damn, why do I need to have my attention at him? Why I need to care?

“Si Benj na ang bahala sa inyo. I need to do important things in my office,” ani lolo at tinignan kami ni Yuan pero alam ko para sa akin lang ang titig na iyon. “Ikaw na bahala Benj. Paparating na rin naman siya. Tutulong ‘yon para sa’yo.” Napakunot ako ng noo sa sinabi ni lolo. Sino ‘yung dadating? Walang sinabi si lolo o si Yuan na may dadating.

“All right! I can handle this, sir Lorenzo.” Ngiting sagot ni Benj.

“I know. I trust you.” Parang umecho ang katagang iyon sa akin.

I trust you.

How can lolo trust Benj easily? Paanong nakuha niya ang tiwala ni lolo ng ganoon lamang? Mahirap kunin ang tiwala niya? Sa akin nga wala siyang tiwala tapos ngayon kay Benj ganito lang? What a bullshit?!

Bakit ganito? Marami na ba akong hindi alam? Isang taon lang naman akong nawala? Paano? Bakit sila magkakilala? Sino ang naging daan? Maaring si Yuan? Oo si Yuan ang nagpapakilala kay Benj. Siya ang naging daan para makilala ni lolo si Benjamin?

Tinapik ni lolo si Benj sa balikat pagkatapos ay tinignan si Yuan. Umakyat na siya nang hindi ako nililingon. Damn, ano na naman ang problema niya sa akin?!

“Well…” Sabay ata kami ni Yuan na  lingunin ang nagsalita. “Let’s start!” ngiting ngiting sagot ni Benj habang inaayos ang camera niya. “You guys want a magazine, right?  Para sa mga guest ‘to di ba?”

“Yup!” ani Yuan at kinalas ang hawak sa akin. Inilagay naman niya ang kamay niya sa aking balikat at napatitig na lang ako sa kanya. “I know Leigh wants it, too.” Kailan pa? Kailan ko pa naging gusto ang mga balak nitong si Yuan? Kung ako lang ang masusunod, ayoko nito. Ayokong malaman ng tao ito. Pero may magagawa ba ako?

“Halata namang gusto ni Leigh?” Bigla akong napairap sa pagsingit ni Benj. “Sa mata pa lang niya kita na.” He added. Napakagat na lang ako ng labi nang bigyan ko siya ng tingin at alisin ang kalas ng hawak ni Yuan sa akin.

Ano ‘to? Sinusubukan ba niya ako? Tell me, I’m right kasi hindi ako papatalo.

“Yep. Gusto ko. Coz I know every shot will be worth to your damn camera, Benjamin. Right, Yuan?” Tagong nginisian ko si Benj at saka binigyan ng malanding ngiti si Yuan. Para mo namang robot na tumango si Yuan sa akin.

When Love Makes A Mistake (Book 2 of WL Trilogy) (ML, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon