Kabanata 12

10.4K 173 11
                                    

Kabanata 12

Selfless

“Ano bang mali sa ginawa ko? Is it wrong to do the right thing, Leigh? Kailan pang naging mali ang tama? Ha?” Tinignan ko siya ng masama.

“ANONG MALI? ANONG TAMA? HA?” Napatayo ako sa kama niya. Gusto kong sambunutan ang babaeng ito. Pero ako ang napasabunot sa sarili kong buhok. Damn. “What the fuck?” Binaba ko na ang hawak ko sa buhok ko. “I know you know something! Tell me, what it is?!” Nabuntong hininga ako. Oh my God, how could she know? Paano? May sinabi ba ako sa kanya na ganito? HA? Did I lose my mind?

“Ha? Sinabi ko lang naman na mali ‘yung ginagawa nila sa inyo? I thought they are professional? But hell, no!” She stared at me.

“What?! No! Benjamin is professional!” I was taken aback. Damn, what did I say? Did I defend him? Hell, no. “I mean! Alam niya ‘yung eto?!” The corner of Lana’s mouth twitched…like something that the curve of her lips going to smirk. She has something, no, she knows something.

“How did you know?! Kilala mo ba siya? O may something?” Nanunuya ang tingin ni Lana sa akin. Napalunok ako. Hindi ko alam kung paano dudugtungan o makikipagtalo sa kanya ngayon dahil kahit isang salita walang masabi ang bibig ko. I looked away and stared at her window. Medyo malaki ang room ni Lana dito sa hotel. “Oops! I knew it,” she added. Agad na umere ang gitnang daliri ko sa kanya. But Lana just laughed at me. Funny.

“Shut up.” Iyon lamang ang sinabi ko. Kumabog na ang dibdib ko. Paano niya nalaman? Paano? Sinabi ko ba talaga sa kanya iyon? Alam ko, hindi! Kasi tumutupad ako sa pangako! Na walang makakaalam. Alam ko iyon! Lasing ba ako noong nasabi ko ‘to? ANO?!

“Want to know why? Bakit ko alam?” Iniayos ni Lana ang shorts niya habang sinasabi ito.

“Ha? Anong alam mo?” God, Leigh. You sounded like shit saying these words.

Binato naman ni Lana sa akin iyong unan sa couch. “Come on! Alam kong ex mo si Benj. Wag ka ng mag-inarte.” Binato pa niya ulit ‘yung isang unan at natama ito sa mukha ko na naging dahilan para mapahiga sa kama niya.

“WHAT? No!” Napaiwas ako ng tingin.

Narinig ko ang yabag ni Lana na papunta sa akin. “One more lie, Leigh. Yung kama na ibabalibag ko sa’yo.” I gulped. Bakit ba ako nagkaroon ng kaibigan na ganito? “Let’s go. Someone will tell you kung paano ko nalaman iyong…” Lumapit ang mukha ni Lana sa aking tenga. “...sikreto niyo.” Napaawang ako ng bibig. Sino ang tinutukoy niya? Wala kaming sinasabihan ng iba, except na lang kay Benj na sinabihan ang AJ niya ng tungkol sa amin. I rolled my eyes at what I am thinking. “Tara na kasi!” Lana cupped my cheeks. “Tara na, Le.” And I nodded.

**

Mga kalahating oras kaming naglakad ni Lana para makapunta sa restobar na sinasabi niya. Sino kaya iyong taong may alam? Sumasakit ang ulo ko sa pag-iisip. Alam ko talaga hindi kailanman bumukas ang aking bibig para doon. Wala talaga.

“We’re here na ata,” ani Lana. Pinagmasdan ko iyong restobar. Malaki siyang kubo kapag nasa harap ka nito. Nasa taas iyong pangalan ng restobar. Bagong tayo lang siguro ito dahil ngayon ko lang siya nakita dito sa Grecia, San Mateo. May narinig din ako nagpapatugtog. May banda siguro ang restobar na ‘to? May naamoy din ako—I mean may nagluluto pa. My God, my stomach growled. Napapikit ako at napalunok sa amoy. Okay, I’m hungry. Mga 8 na siguro ng gabi kaya ganito na magreact ang tyan ko.

“UY! Le, tara na! Gutom na ako!” Napadilat ako. Nasa loob na si Lana at hindi ko man lang napansin na umalis na siya sa pwesto namin. Agad akong tumakbo para makapasok na sa loob. Bumungad sa akin ang maaliwalas na paligid. Gawa sa kahoy ang mesa at upuan. My eyes wander. Sa counter mayroon ding bartender. Sa isang gilid nga may banda na tumutugtog. Napakagat ako ng pang-itaas na labi nang marinig iyong kinakanta nung vocalist. Stop and Stare by One Republic. I used to listen to that song when I was in the New York. Tumitig na lang ako sa kumakanta. I can almost feel every emotion in the song. Iba kasi talaga. God.

When Love Makes A Mistake (Book 2 of WL Trilogy) (ML, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon