Kabanata 15

9.6K 168 19
                                    

Kabanata 15

Won’t care

Chico texted me early in the morning, sabi niya susunduin niya raw ako ng mga ala sais ng gabi dahil may pupuntahan daw kami. May magbirthday ata at sinabi naman ng kambal ko na kung saan kami pupunta. Nakakatamad na rin naman dito sa bahay kahit nandito sina Gaile at Lucy. I feel so alone with them and I don’t know why. So nagreply ako kay Chico na okay lang na sunduin niya ako. Napatingin ako sa orasan ala singko na pala kaya kailangan ko ng mag-ayos. Minsan kasi maagad si Chico na dumadating kahit may sinabi siyang oras. Kinuha ko agad iyong twalya at sinabit sa aking balikat. Pero bago ako makapasok sa banyo ay biglang nahagip ng mata ko ang invitation na natanggap ko kahapon. Bukas na ‘to mangyayari at ngayon nagdududa ako kung itutuloy ko ba ang pagpunta? I still have time to think about it. Kaya pumasok na akong banyo para maligo.

Tumagal lang ng 30 minutes ang pagligo ko. Nakahanda na rin naman iyong susuotin ko. A fading blue ripped jeans and a simple shirt na pinahiramin sa akin ni Lana noong sa NY. Nakatext ko rin siya kanina. Sinabi ko aalis ako mamaya, ininvite ko pa siya pero aalis raw sila ni Bastian. Sayang gusto ko pa naman makilala niya iyong mga ‘kaibigan’ na kilala ko kung kaibigan ko nga. Pero nung naisip ko si Newt, naisip ko buti na lang talaga may lakad sila ni Sebastian.

Bumaba agad ako nang matapos ‘kong mag-ayos. May narinig kasi akong bumusina ng mga tatlong beses kaya napatakbo ako. Usapan na rin kasi namin ni Chico ‘to.

“What took you so long?” I gave my twin brother a look. WHAT TOOK ME SO LONG? Noong bumaba ako mga 5:45 lang tapos what took me so long? TALAGA, CHICO? “Leigh, I know I’m asking you. So you must provide an answer, right?”

“You should also know that it is just…” bigla akong napatingin sa relos niya sa wrist. “It is just 5:55 p.m., Chico. And I’m not late.” Pumasok na ako sa loob ng kotse sa tabi niya. “Not every question could have an answer. Some answer is better left unsaid.” At sinara ko ang pinto ng kotse. Pinaandar naman agad ni Chico ang kotse.

“So saan ka nagtatrabaho ngayon?” I asked her looking at the mirror. Parang masyado atang mapula ‘tong labi ko? Dapat pala pink na lang na lipstick. Pero hindi sumagot ang kambal ko. “Chico! Nagtatanong ako! Bigyan mo ako ng sagot!”

“Some answer is better left unsaid.” And my twin brother smirked. I glared at him. He still not looking at me dahil nakatingin siya sa daan.

“Tama! Tama ka nga!” Napasimangot ako. Bakit ba ayaw niyang sabihin? May sikreto ba siya?

“Kamusta nga pala ‘yung best friend mo? Si Carmela?” I asked him, again.

“Some answer is better left unsaid.”

“Bullshit.” I scowled. “Nonsense, Francisco Densel.”

“We’re here!” And he looks at me. “Come on, get out.” He wiggled his brows at lumabas na ng kotse. Nagpapadyak ako bago lumabas. Fine, hindi niya ako sasagutin. Napatakbo ako nang malapit na siyang makapasok ng bar. Mabuti na lang naabutan ko siya.

May bouncers sa pinto ng bar. Chico nodded at them kaya nakapasok agad kami. Bumungad sa amin ang malakas na tugtugan ng bar. Hindi ko man lang nalaman kung ano ang bar na ‘to dahil sa paghabol ko kay Chico.

“Leigh! Leigh!” I knew that voice. It is Newt. Bumungad sa amin ang ngiti niya. He gave Chico a manly hugged. Pero sa akin, yumuko siya sa akin at nag-bow. “My queen bitch.” And he clapped his hands. Tatadyakan ko na sana siya pero mabilis siyang nakaalis sa pwesto namin. I heard Chico chuckled. Ganun din sana ang gagawin ko sa kanya ngunit mabilis din siyang nakaalis sa pwesto namin. Sinundan ko siya ng tingin kung saan siya pepwesto. Nandun sa may gilid sina Newt, Conrad, Chico, Benj, Gorg, and my cousin—Jezel. Damn, anong ginagawa niya rito? At talagang nasa gitna pa nila si Benj. What the heck, Benj! Are you fucking serious?

When Love Makes A Mistake (Book 2 of WL Trilogy) (ML, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon