Kabanata 13

10.3K 188 7
                                    

Kabanata 13

Safe

“Yes…” May lakas ng loob pa akong sagutin si Sebastian. Nag-ngingitngit na ako sa inis. Hindi ko alam kung anong pananakit ang gagawin ko sa dalawang ito. I know somehow Sebastian knew something about me. Naging kami pero hindi nagtagal dahil sa amin ni Yuan na mae-engage ako sa kanya. At isa pang dahilan ay I can’t do anything or say something like I loved him. Hindi ko alam kung bakit hirap na hirap akong sabihin ang mga salitang iyon. Maybe because I don’t want to hurt him or I just care enough to myself or I just don’t really loved him in that time. Na nagcare lang ako sa kanya kaya naging kami which was wrong? I don’t know. Pero mabuti na lang nakahanap na siya ng magmamahal sa kanya ng buo which is si Lana. Na kayang ibigay ang pagmamahal na hinahangad niya.

“Last time tayo nagkita kita sa mall di ba?” Sebastian’s eyes found mine. “Last year pa. Ang tagal na.” Tinaasan ko siya ng kilay. Hindi ako papaapekto nang dahil dito. Sebastian’s mouth curves into smirk. Okay, I’m still not affected though.

Naglakad na si Bastian papunta sa table namin. Sumunod naman si Benj sa kanya. Napairap ako nang umupo siya pero nasiko lang ako ni Lana. Lumapit ang mukha niya sa tenga ko. “Act likes something you don’t care and hate him will never make you not affected.” Lumingon agad ako sa kanya.

“May araw kayo sa akin,” sabi ko.

“Oops, I’m just saying the truth, my selfless rude queen.” Bumungisngis pa siya. Nanginginig na ang dalawang kamay ko. Bigla akong napadiretso ng upo nang umupo si Benj sa tabi ni Sebastian. Okay, I’m not affected. I.AM.NOT.REALLY.AFFECTED.

“Hi, Benj.” Agad na bumida ‘tong si Lana. Nakalimutan niya ata ‘yung ginawa niya kay Benj.

“This is Lana my girlfriend. Then si Leigh, you know him, my ex-girlfriend,” Sebastian said, quoting. Napairap na naman ako. At sa pag-irap ko ay bigla nadestino ang reaksyon ko sa kanya—kay Benj na nakatingin sa akin.

“Right, Bastian! Right, this is awkward.” Bigla akong napatingin kay Sebastian.

“Not really, Leigh.” Ngayon naman kay Lana ako napatingin. Ge, kampihan pa. “Seb used to love you. And it’s okay for me. Ex na lang naman iyon, past na. Wala na. Move on na dapat. Right, Benj?” Holy shit. Tumigil na kayo!

“I think so…” Napalunok ako sa mga salita ni Benj. “But if you still love the person, you are still not moving on.” Sikreto akong tumingin sa kanya. Nakikita ko siya mula sa gilid ng mata ko na uminom ng tubig pagkasabi niya nito. His forehead slightly creased while drinking. Parang…dinaan niya lang sa pag-inom ito para hindi makita ang pagkunot ng noo niya. At iyong reaksyon niya.

“Okay, this is awkward.” Sebastian said. “Can we just talk what happened to you guys? Si Leigh muna?” I immediately glared at Sebastian.

“No. You shut up.” Uminom agad ako ng tubig dahil nanunuyot ang lalamunan ko.

“So pumunta ka palang New York? Alam mo bang nalaman lang kitang nasa New York nang sinabi ni Marj sa akin na kaibigan ka niya? Doon ko lang nalaman pero hindi kita pinuntahan. Because I know, you’re going to freak out and say something about me on Lana?” So what now? Balak niyo bang malaman ni Benj kung anong nangyari sa akin sa New York? Sa tingin niyo may pakelam ‘yang si Benj na malaman ‘yong tungkol sa akin? Syempre, wala na ‘yang pakelam sa akin.

“I still don’t want to answer you,” ani ko at uminom ng tubig. Tinitigan ko iyong baso at nagsalita ulit si Sebastian.

“You’re a painter now, Leighly. At nakita ko ‘yung mga gawa mo na nasa phone ni Lana. It is beautiful. I bet mas maganda kung nakikita ko talaga iyong mga gawa mo.” Bigla akong napaangat ng tingin kay Sebastian. He’s talking about my arts. I can’t even stop myself to react on it.

When Love Makes A Mistake (Book 2 of WL Trilogy) (ML, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon