Chapter Nine

36 2 0
                                    

Blythe Hunter

"Hindi ka ba uuwi sa inyo?" Sigaw na sabi ko kay Kloeff na nakaupo sa couch at nakataas pa ang dalawang paa. He's cleaning his finger nails, nakatiklop ang mga ito at kinakalikot ng hinlalaki niya ang natitirang apat na kuko. Naka-on pa ang TV pero hindi naman niya sinusulyap 'to.

Dalawang araw na niyang pinepeste ang condo ko. Umaalis lang siya tuwing gabi dahil hindi ko siya pinapatulog dito. Noong sinabi niya na tumira kaming magkasama, nawindang talaga ako. Hindi ko in-expect na pananagutan niya ako.

"Of course not! My gosh. Hanggang kelan mo ba paaalisin ang beauty ko sa condo mo? Isang napakalaking opportunity na makasama mo aketch ng isang oras tapos ngayon na halos two days na akong naditey, pinapaalis mo ako huh?" Sigaw nito habang patuloy sa kanyang ginagawa.

Papasok ako sa trabaho today at baka mamulubi ako dahil sa kanila, dumagdag pa siya kina Lali at Simi. Speaking of those two, hindi nila ako dinadalaw simula ng napunta ang sirenang 'to dito para magkaroon daw kami ng getting to know each other. Sampalin ko kaya sila?

Kinuha ko ang TV remote at in-off ito. Hindi ko na lang pinansin ang pag-iinarte niya at hinila siya patayo. Isinama ko siya sa paglabas ng unit ko dahil aalis na ko para pumasok.

"What the eff! Why are you so mad sa gorgeous na ako. Palibhasa mas lovable ako kesa sa'yo e." Napairap na lang ako sa sinabi niya. Nakapambahay lang siyang shorts na umaabot sa kalahati ng hita niya at ang tshirt na suot niya ay sumasakto lang sa katawan niya na sa pagkakatanda ko ay pagmamay-ari ko.

"I'm going to work. So shoo!" Pagtataboy ko rito at nilock ang pinto. Nag-umpisa na akong maglakad pero hinila niya ang wrist ko at nakataas ang kilay niya.

"And so? Give me your passcode. Bahay ko na din 'to. And look at my beautiful feet, walang sapin. Baka magkagasgas" and he point out my condo units' door. Napatingin naman ako sa paa niya, wala nga siyang suot na tsinelas at nakaapak lang 'to. Masyado kasing nagfe-feeling at home kaya 'yan ang napapala.

"Don't care. Sinong may sabi sa'yo na bahay mo 'yan? You're just putting a mess in my condo and eat my foods! Wala ka bang trabaho para maging productive ang buhay mo?" inis na sabi ko sa kanya. He just frown and shrugged his shoulders.

Frustrated kong sinuklay ang buhok ko at bumuga ng hangin. Napansin niya siguro 'yon dahil sumeryoso ang mukha niya.

"Fine. Gosh! Bawal ka nga palang mastress, Teri-boom." Lumapit siya sa'kin at napaatras naman ako.

Kinawit niya ang bewang ko. I blink few time when he placed his head in my tummy.

"Buh-bye, baby. Bakit kasi sa tiny tummy ni Teri-boom ka tatambay ng nine months? Pwede namang sa'kin 'e." Sabi nito na tila kinakausap ang not fully develop na baby sa tyan ko.

Seriously?

Tumayo na siya ng tuwid at ako naman itong laging nawiwindang sa mga pinag-gagagawa ng sirenang 'to.

"Gorabels na. Baka malate ka pa, majombag ka ng bossing mo," he turned me around and push me a little. Bumuntong hininga na lang ako at lumabas na ng building.

***

Nasa conference room kami at pinag-uusapan ang paglabas ng new collection ng company. Two weeks from now na gaganapin 'yon at one week bago ang launching ay magkakaroon ng photoshoot para sa ilalabas na magazines.

"Anything you want to add?" Tanong ni President Zera habang nasa unahan naming lahat katabi ang projector. Nakadisplay d'on ang plan na gagawin namin. The theme, the new items that we're ready to launch and the models. Everything is all planned.

Natapos na ang meeting pero ito ako at nakaupo pa rin sa swivel chair. Naiwan ako dito sa loob at si Zera.

"Teri, 'kay ka lang?" Tanong nito at naghila ng isang swivel chair na pinuwesto sa harap ko.

Sweet MistakeWhere stories live. Discover now