Chapter Two

72 2 0
                                    

Blythe Hunter

Naalimpungatan ako ng marinig ko ang isang matinis na boses.

Si Simi? Si Lali? Hindi naman ganito katinis ang boses nila.

Napakamot ako sa leeg ko at nanatili pa rin akong nakapikit habang kunot ang noo. Hinila ko ang kumot at binago ko ang direksyon ng paghiga ko, patagilid akong humiga.

Lalong kumunot ang noo dahil may humila dito at minulat ko ang aking mata.

"AAAAAAAAH!" Halos sabay kaming napasigaw pero kung pakikinggan ay mas tunog babae ang sa kanya at matinis.

Nanlalaki ang mga mata kong tumititig sa kanya. "Anong ginagawa mo dito!?" Napasigaw na lamang ulit siya sa hindi ko malamang dahilan at mabilis na tinakpan ang mukha gamit ang kumot.

Tinuro niya ang dibdib ko, napayuko ako. Agad kong hinila ang kumot at tinakpan ito. Hindi ko pala namalayan na nabitawan ko ang kumot at nakita niya mula ulo hanggang sa itaas ng pusod ko ang itaas na parte ng katawan ko na kahit isang tela ay walang nakatakip.

Napatingin ako sa kanya na nakatakip pa din ang kumot sa mukha. Halata ring wala siyang suot na kahit ano. Nakaupo siya sa may bandang paanan ng kama na nababalutan ng itim na bed sheet.

Inalis niya ang kumot na tumatakip sa mukha niya at ibinaba ito hanggang sa dibdib niya. Nakaipit sa kili-kili niya upang hindi ito malaglag. May bahid ng lipstick sa cheek bone, panga at gilid ng labi niya. Mayroon din sa bandang collarbone at balikat nito.

Teka, ginawa ko ba yon!?

"Anong-" napahinto ako sa pagsasalita. Bigla na lamang siyang natumba pero mabilis kong nahawakan ang isang kamay niya. Kahit papaano ay naiwasan kong tumama ang ulo niya sa sahig

Napabuntong hininga ako at hindi maalis sa dibdib ko ang kaba.

Siguro ay kagaya ko ay hindi din siya makapaniwala sa nangyari at nangyayari ngayon. Isa siyang sirena at alam kong hindi maatim ng isang ito na bakit sa isang babae niya ito nagawa. Hindi ko naman alam kung may ginawa na siyang ganito o kagaya ko lang siyang nangyari ito sa unang pagkakataon at dulot pa ng pagkalasing at kadaldalan niya rin.

Hinila ko siya ng buong lakas at muling hiniga sa kama. Kinumutan siya at tumayo ako sa kama. Mabilis kong kinuha ang mga damit ko at nag-tungo sa banyo. Kulong ang buong kwarto at ang lampshade lang ang nagbibigay liwanag sa loob.

Naligo ako at napansin ko ang interior ng banyo. Base sa mga gamit dito ay hindi talaga ako nasa bahay at lalong mukha hindi niya rin bahay ito dahil may mga nakatatak na logo at pangalan sa bawat gamit. Nasa hotel kami.

Napatitig ako sa kabuuan ko sa malaking salamin ng banyo. Tapos na akong linisan ang sarili ko pero hindi na malilinis ang pagkababae ko.

Naiinis na inuntog ko ang ulo ko sa salamin. "Aray!" Angal ko sa sarili kong kagagahan. Minasahe ko ang noo ko na medyo namula.

'Shit.' Napadaing na lang ako dahil ngayon ko lang naramdaman ang pananakit ng pagkababae ko.

Dahil sa pag-iisip ko sa nangyari ngayon. Ngayon ko lang 'to naramdaman.

Bumuntong hininga ako. Nadako ang tingin ko sa suot kong purple off shoulder ruffle dress. Expose unhealthy kong collarbone, may maluwag itong mahabang manggas na may laso na umaabot sa palad ko. Umaabot ang flowing palda nito sa halos kalahati ng hita ko na talaga namang halata ang pagkapula dahil sa maputi kong balat.

Napangiwi naman ako ng muli kong naramdaman ang kirot sa pagitan ng hita ko. Kumirot din ang kanang balikat ko. May bilog na pula don.

Damn. Ano ba talagang ginawa namin!?

Sweet MistakeWhere stories live. Discover now