Chapter Nineteen

32 1 0
                                    

Blythe Hunter

Matamlay akong naglakad palabas ng kwarto. Nakita kong tumingin si Simi at Lali sa'kin ng dumaan ako sa gilid nila. Nakaupo sila sa tapat ng lamesa sa kusina at nilalantakan ang energy bars na nagmula sa fridge ko.

Hindi ko sila sinigawan o pinagtaasan ng kilay. Wala ako sa mood para magtaray at sumigaw.

Tamad akong umupo sa upuan na katabi ni Lali at uminom ng maligamgam na tubig. Nagkatinginan naman sila ni Simi.

"Hunter sasamahan ka pa ba namin?" Tanong ni Simi habang kumakain ng energy bars. Ang tono ng pananalita niya ay hindi niya usual na ginagamit, malumanay.

Walang buhay akong umiling at pilit na ngumiti, "Hindi na. Gusto-"

"Good morning mga bakla! Anong malalapang natin ngayern?" Sabi ng sirena na kapapasok pa lamang ng kusina.

Hindi kagaya ko, mataas ang energy niya at puno ng buhay. Nakangiti pa siyang hinahanap sa lamesa kung anong makakain.

"Ay, baken waley? Hindi ka ba nag ala-cook Teri-boom?" Tanong niya sa'kin.

Pasimple namang kinurot ni Lali ang tagiliran niya. Halatang tinatago sa'kin ang ginawa niya kay sirena para patahimikin ito. But knowing him...

"Ouch namern Lalibels! Bakit mo namern kinurot ang gorgeous body ko?" He said while pouting his lips.

Bigla namang nag-ring ang phone ko nasa bulsa ng aking pajama. Rumehistro ang pangalan ni Dad sa caller.

Pumunta muna ako sa living area at umupo sa sofa. Sinagot ko ang tawag at kinuha ang isang throw pillow para yakapin ito.

"Hi dad," matamlay kong sabi sa kabilang linya.

Rinig ko ang maingay na paligid sa kabilang linya. May mga salitang pranses pa akong narinig. "Blythe, are you alright? Did something happened? Tell me sweetheart. Baka makatulong ako." Tanong niya nang mapansing walang gana ang boses ko.

Hindi ko mapigilang tumawa ng mapakla, "Dad do you know what's the date today?"

Ilang segundo naman bago makasagot si Dad, "September 4th. What about it?" Mahina niyang sabi.

"N-Nothing. I'll hung up. Bye," mabilis kong in-end ang call. I slightly bit my lower lip. Naiiyak ako pero ayoko. Ayokong magpaapekto. Gusto kong maging matapang, gaya ng dati.

Pero ang mga luha, hinding hindi ko mapipigilan. Ramdam ko ang pag-agos nito sa mukha ko at nag-umpisang lumabas ang paghikbi ko.

Nanlalabo ang paningin ko dahil sa mga luha pero may nagpahid non para sa'kin.

"Teri-boom baken ka naman nagc-cry? May masakit ba sayo? Pwede ka naming dalhin sa hospital," tanong niya sa'kin. Naka-squat siya sa harap ko samantalang si Simi at Lali ay nakatayo sa likod niya.

Umiling ako at sa hindi malamang dahilan ay mas lalong lumakas ang pag-iyak ko. Lumapit si Simi at Lali para yakapin ako.

"Hey calm down Hunter. It's not good for the baby," sabi ni Lali na tinatapik ang likod ko.

"Shh, its alright Teri. Nandito lang kami," mahinang sabi ni Simi habang hinahaplos ang buhok ko.

Pinipigilan ko naman talaga ang pag-luha ko pero ayaw tumigil. Ayaw niyang huminto.

Nahihiya ako sa kanilang tatlo dahil nakikita nila akong ganito. Ang Hunter na dapat ay matapang at malakas ay umiiyak sa harapan nila.

Hindi naman talaga ako iyakin. Siguro nadala na lang ng emosyon at pagbubuntis ko.

Matapos kasing pakasalan ni Dad don sa France ang asawa niya ngayon, bihira na niyang pinupuntahan ang puntod ni Mom. Madalas ay ako na lang at minsan ay sinasamahan ako nina Simi at Lali pati na rin si Gin at Zera.

Sweet MistakeWhere stories live. Discover now