Chapter Eighteen

33 2 0
                                    

Blythe Hunter

Dalawang buwan. Dalawang buwan na akong nagdadalang-tao at dalawang buwan na ring pinepeste ng sirenang 'yon ang daily life ko.

"Teri-boom gorabels na kasi tayo sa condo. I'm so bored," reklamo ng sirena na hinayaang dumulas ang nakasandal niyang katawan pababa sa sahig.

"Tigilan mo nga akong sirena ka. Sino ba kasing may sabi na puntahan mo ako dito?" Mataray na sabi ko habang ini-scan ang files.

Muli siyang sumandal sa sofa at muling pinadulas ang katawan papaba sa sahig. Ang lakas ng trip ng baklang 'to 'e.

"Nabored kasi ang beauty ko sa condo. Gusto ko ng fafa," nakangusong sabi niya. Binato ko naman siya ng hawak kong ballpen pero nakailag naman siya.

"Edi maghanap ka. Pinipigilan ba kita?"

"Baken ba ang sungit mo Teri-boom? Maganda ka na sana pero mas maganda aketch," at tumawa siya.

Mariin naman akong napapikit. Ang ingay ingay niya. Mabuti na lang at sound proof ang office ko.

"Lumayas ka na nga at humanap ka ng fafa na sinasabi mo! Kita mo namang busy yung tao dinadaldal mo pa. Wala ka bang work ngayon?" Inis na tanong ko sa kanya.

He placed his index finger on his lower lip at tumingala sa kisame na parang nag-iisip. "Hmmm. Lemme think."

Dumaan ang ilang segundo at bigla siyang sumigaw na kinagulat ko. "Waley!" At tumawa siya nang malakas.

Bumuntong hininga na lang ako at muling binaling ang atensyon ko sa ginagawa ko. Hindi ko na lang pinansin ang pag-iingay niya. Kung ano anong pinakialaman niya sa loob ng opisina ko. Nagbubuklat siya ng mga dati kong sketch pad at mga file. Pinaglaruan niya rin ang mga fake pearls na nasa bowl na nakapatong sa may lamesa.

Matapos ang mga file work na ginagawa ko ay tumayo ako sa swivel chair ko at bahagyang nag-inat. Tinignan ko ang wrist watch ko at past twelve na ng hapon.

Kinuha ko ang wallet ko at lumakad sa may pinto. Nang mapansin 'yon nang bored na bored na sirena ay napatayo siya at tumabi sa'kin

"Gogorabels na ba us? Oh my gosh finally!" Tuwang tuwang sabi niya.

"Anong uuwi? Kung gusto mong umuwi dapat kanina mo pang ginawa. Magla-launch lang ako sa cafeteria. H'wag maging asshumerang bakla d'yan." sabi ko at binuksan ang pinto sinundan niya lang ako hanggang sa makarating kami sa elevator.

Halos siksikan sa loob pero pinilit pa rin naming makasakay dahil gutom na ako.

"Teri-boom ganon ka ba kagutom?" Tanong niya sa'kin habang bahagyang naitulak nang nasa tabi niya. Kita ko kung paano umikot ang eyeballs niya. Dahil sa magalaw na tao dito ay napunta kaming dalawa sa sulok na parte ng elevator.

"Obvious ba? Dalawa kaming nagugutom dito," sabay hawak sa tyan ko.

Napansin kong pagdaan ng bawat linggo ay nagkakaroon ng baby bump ang tyan ko. Hindi ganon kapansin dahil hindi pa naman ito lumalaki at para lamang akong may maliit na belly fat.

"Nu ba yern. Ang inet ditey ha," sabi niya at marahang pinaypayan ang sarili gamit ang kamay.

Napaikot na lang ang eyeballs ko. Sino ba naman kasing sira ang mag-susuot ng mahahaba at makakapal na damit? Edi siya!

Napasigaw ang kasabay namin sa elevator ng bigla itong huminto. Napapikit naman ako at napakapit sa metal pole na nasa gilid ko.

Agad namang may pinindot sa intercon ang nasa unahan namin at sinabi ang sitwasyon sa security house.

Sweet MistakeWhere stories live. Discover now