Chapter One

215 3 0
                                    

 Blythe Hunter

Rinig ko ang sigawan ng mga tao sa loob ng club habang pinapanuod ang isang babae na nag-s-sexy dance sa isang pole, kagaya naming lahat ay costumer lang din ito ngunit dala na rin siguro ng alak ay tila nawala ito sa hwisyo.

Tuwid ang likod habang nakaupo ako sa isang sulok at nakapatong ang aking mga kamay sa aking hita. Madalas akong isama ng mga kaibigan ko dito at nakakasabay naman ako pero ngayon ay parang gusto ko na lang mawala ng parang bula sa kinauupuan ko nang may lumapit sa aking isang lalaki na halata naman sa itsura nito na halos kaedaran ko lamang.

Tatayo na sana akong nang bigla niyang hablutin ang wrist dahilan para mapaupo ulit ako. Agad niya namang binitawin ulit ang kamay ko. Siguro ay bigla siyang nahiya dahil sa ginawa niya.

Pasimple kong sinilip ang lalaking nasa tabi ko. Masasabi kong may itsura siya. Mayroon siya makapal na kilay, may kalakihang ilong ngunit matangos ito, may mapula itong labi na dinaig pa ang sa'kin. Hindi rin magpapatalo ang kanyang maiitim na mga mata.

I flinched when he held some strands of my hair. "Hey ." Mahinang sabi nito na tila nagbigay ng kilabot sa'kin. Mahina naman itong tumawa ng mapansin ang reaksyon ko.

Hindi naman sa nanghuhusga ako pero kung kagaya ng isang ito ang mag-a-approched sakin ay mas mabuti na lang na mag isa ako dito habang hinihintay ko ang mga kaibigan kong nagliliwaliw sa kumpol ng mga tao.

Napaangat ng kaunti ang tingin ko nang may inabot siyang isang baso ng alak na sa palagay ko ay nagmula din sa table namin. "Take it. I don't bite," mahina muli itong tumawa at kinuha ang inabot niya.

Tuluyan ko na siyang nilingon na ngayon ay nakasandal na sa sandalan ng leather couch. Sinimsim niya ang alak na nasa baso nito habang nakatingin sa taas.

Muli akong tumingin ng diretso at sumimsim sa alak. Dahan-dahan akong tumingin sa gilid ko at muntik ko nang maibuga ang alak na nasa bibig ko sa mukha niya nang nahuli ko siyang nakatingin sa'kin.

Dahan-dahan siyang lumapit sakin at hinapit ang bewang ko habang ang isang kamay niya ay nakahawak sa kaliwang papulsuhan ko.

Hindi ko mapigilang kumurap ng ilang beses habang nanlalaki ang mga mata. Pumiglas ako nang nilapit niya ang bibig niya sa tenga ko. "Kanina ka pang tahimik d'yan. You're so cold," napangiwi na lamang ako ng maamoy ko ang alak na nagmumula sa kanyang bibig.

Humarap siya sa akin na pinapanatili pa rin ang pusisyon namin. Tumitig siya sa mga mata ko at tila hindi ko kinaya ang emosyong pinapakita ng mga mata niya. The picture full of needs?

Nagtaka naman ako at halos maduling ako ng mapansin kong palapit ng palapit ang mukha niya sa mukha ko na kinablangko ng isipan ko.

Hindi naman ako nakapagreact at naramdaman ko na lamang na may humila sakin papalayo sa kanya at agad namang akong nakahinga ng maluwag.

Tinignan ko ang ang lalaking naghiwalay amin. Sa hindi malamang dahilan ay biglang kumabog ang dibdib ko. Nagtama ang aming mga tingin ngunit walang kaemo-emosyong pinapakita ang mga mata niya.

Natauhan ako ng marining ang pagsigaw ng lalaking nag-approched sa'kin, "What the heck is your problem!?" Pasigaw niya man itong sinabi ngunit nangingibabaw pa rin ang lakas ng musika.

Hindi siya pinansin nito sa halip ay umupo siya sa tabi ko at dahil d'on ay napausog ako ng kaunti mula sa aking kinauupuan.

Mabilis namang umalis ang lalaking halos maging first kiss ko na. Padabog pa itong lumakad palayo sa'min at ngayon ay hindi ko na maaninag.

Ramdam ko pa rin ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko naman alam kung bakit biglang nagkaganito 'to.

"Thank you nga pala," halos magkanda utal-utal pa ako sa isipan ko. Nilingon ko siya na ngayon naman ay nakatingin sa'kin. Hindi kagaya ng kanina, parang lumiwanag ang buhay sa mga mata niya at isang napakalawak na ngiti ang sumilay sa kanyang labi na lalong pinalala ang kundisyon ng dibdib ko.

"No need. My gosh! He's handsome pa naman kaso hindi ko maatim ang mga ganoong klase ng tao. Like duh! Napaka-walang manners. Wala pa silang mga sisteret at nanay kung paano sila walang manners manunggap!" Nalaglag ata ang panga ko sa sahig dahil sa pagkabigla sa pananalita niya.

Nagkrus ang kanyang mga binti at nakatuon naman sa upuan ang kanan niyang kamay habang tuwid ang kanyang postura. Iniabot niya sa'kin akin ang isang baso ng alak.

Hindi ko agad iyon nakuha dahil nakanganga pa din ako sa mga kilos niya. Muli niyang inalok sa'kin ang baso na mas lalong nilapit niya sa mukha ko. Wala na akong nagawa kundi kunin 'yon.

"What? You didn't expect this right?" Nakangiti siya sa akin at hindi ko mapigilang mapatitig sa kanya ng isang buong minuto.

Tinatasan niya ako ng kilay ng mapansin niya ito, "Alam kong maganda ako pero itikom mo nga 'yang bibig mo. Ew! Hindi tayo talo gurl," maarte pa nitong sabi tsaka deretsong ininom ang alak na nasa baso niya.

Napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya at hindi namalayan na naubos ang alak na hawak. Dinampot ko ang bote ng beer na nasa lamesa at nilaklak 'yon.

Napatigil ako nang malantik niyang nilahad ang kamay niya na kinataka ko naman. "Kloeff is the name but I prefer Kloe by the way," tinanggap ko naman ang palad niya at hinawakan ang dulo nito para makipaghandshake.

"Hunter but you can call me Teri." Halos sumakit ang lalamunan ko dahil isinigaw ko na 'yon dulot ng ingay ng paligid.

Napakunot ang noo niya at bumitaw sa kamay ko. Muli niyang tinungga ang bote ng alak sa kamay niya at humarap sakin. "The heck. Your name is Hunter yet you're a girl," mabilis itong tumawa na kinatulala ko.

Hindi ko na naman alam kung bakit biglang kumalabog ulit ang dibdib ko. Siguro dahil natatakot ako na baka may gawin siyang masama sakin pero nawala iyon dahil alam sa kilos at pananalita pa lang niya. Alam mo na...

Huminto ito sa pagtawa habang nakatakip sa bibig ang kanyang palad na tila nahihiya kapag nakita ang bunganga niyang nakabuka. Napansin niya rin siguro na hindi ako nagreact sa bagay na tinatawanan niya.

"Oh, my bad. Ngayon lang kasi ako naka-encounter ng ganito like how can a girl have a name like that but thats cool." Hindi mawala sa labi niya ang ngiti.

Ganon na ba talaga nakakakatawa na isa akong babae pero may pangalan akong panlalaki? My mom told me that she gave me that name para kakaiba itong pakinggan tulad na lamang kapag nagpapakilala ako noong elementary, highschool at college. Gusto rin ni mom na tumatak ako sa ibang tao na may kakaibang pangalan, ako si Hunter na isang babae. And she also told me that for her that my name means to survive and seek what I really looking for, that I can fight in world of reality that full of despair and misery.

Napagulat naman ako ng lumapit siya sa akin at nagdikit ang balikat namin. "You don't talk that much but you're eyes says everything," bulong niya sakin.

Hindi ko naman alam ang sinasabi niya. Nahagip ng mata ko na nakatingin sakin si Lali at Simi habang sumasayaw sa gitna ng crowd. Malayo man sila sa'kin pero alam kong may mapaglarong ngisi na nakaguhit sa kanilang labi. Hindi ko na lang sila pinansin at pinagtuunan ng pansin si Kloeff o mas tamang tawagin kong Kloe?

Kung titignan mo ang pananamit niya hindi naman mahahalatang isa siyang sirena dahil nakasuot siya ng button down shirt na talaga namang ine-expose ang kanyang dibdib at tinernuhan ito ng jeans na yumayakap sa mahaba niyang legs. Ang buhok nito'y bagsak ngunit may volume ito na nahahati sa gitna.

Napatingin na lamang ako sa tinuro niya. "Oh my gosh! Teri, look at him. Ang gwapo niya. Tignan mo yung mga muscles niya! So big..." Natawa na lamang ako sa sinabi niya dahil hindi nito mapigilan ang pagiging sirena niya.

Patuloy lang siya sa pagtuturo ng mga guy dito sa loob ng club at lahat ito ay binibigyan niya ng compliment kasama ang mga malalantik na pagkilos at maarteng pananalita nito.

Hindi namin namalayan na sa paghaba ng usapan namin ay ang pagdami nang bote ng alak na nalaklak namin na dulot ng sandaling pagkawala sa katinuan namin.

Sweet MistakeWhere stories live. Discover now