Chapter Three

61 2 0
                                    

Isang buong araw akong nakatulala lang sa kisame. Kahit may tumatawag sa phone ko ay hindi ko ito masagot.

Naalala ko na lahat ng kakagahang ginawa ko nung nakaraang araw. Hindi ko muna kinausap si Lali at Simi. Wala na naman akong magagawa because we've done everything already. It can't be undone kahit sisihin ko pa silang dalawa o ang sirenang 'yon.

Twenty minutes din akong umiyak na halos ikaluwa na ng mga mata ko. Wala rin akong ganang kumain at tamad akong bumangon. Umabsent pa ko sa trabaho ko para isolate ang sarili sa mga tao kahit sandali lang. Gusto ko ng peace of mind kahit konting panahon lang.

Nakarining ako ng tatlong katok. "B, kausapin mo na kami," rinig kong boses ni Simi sa labas ng kwarto.

Hindi ko naman ine-expect na ganito nila kaaga ako kakausapin. Minsan kapag may masama silang ginagawa sakin ay tumatagal ng isang linggo bago ako kausapin. Takot silang humarap sakin pero ang lakas ng loob nilang mantrip. Alam din nila ang passcode ng condo unit ko kaya madali lang silang nakakapasok dito.

Bumuntong hininga ako at tamad na tumayo sa kama. Sinalubong ako ng malatutang mukha ni Simi at halos mangawit ang leeg ko dahil may katangkaran si Lali. "Sorry na, B!" Napaatras ako ng akmang yayakapin nila ako. Natumba naman sila sa sahig at napasigaw ng malakas dahil sa pagtama ng katawan nila sa simento.

"Stand up." Mabilis naman silang tumayo at diretso ang tindig.

Kapag galit ako ay mabilis ko silang nauutusan pero kapag sinapian na naman sila ng kagagahan ay halos ikamatay ko ang kalokohang ginagawa nila.

Naupo ako sa kama at mabilis naman silang lumapit sakin. Inalog-alog ni Simi ang balikat ko, "Sorry talaga! Patawarin mo na kami, B." Nahihilo ako sa ginagawa niya.

"Bakit kasi sagaran ang ginawa n'yong kalokohan? Do you know the consequences of this matter?" Nakahalukipkip ang braso ko habang nakaupo sa kama habang sila naman ay nasa kama din at nakaharap sakin.

"Oplan Jowa na'min 'to! NBSB ka diba?" Taas baba ang kilay ni Lali at kumikislap naman ang mga mata ni Simi. Matagal na pilit nilang pinagsisiksikan na mag-boyfriend na ako pero wala 'e.

"Matagal na kaya namin 'tong pinagplanuhan! Tas magagalit ka d'yan. Hindi mo ba na-appreciate ang paghihirap na ginawa namin!?" Halos masapak ko naman si Simi dahil sa sinabi niya.

Hinilot ko ang sentido ko at muling nagsalita, "Isa siyang sirena." Buntong hininga kong sabi at yung dalawang luka-luka ay halos malaglag din ang panga.

"Ano!?"

"What!?"

"Paanong nangyari 'yon? That night I know that he's qualified to be your jowa! Ang hot niya nga at halos mapatos ng isang babae tapos isa siyang sirena!?" Napatango na lang ako habang inaalog ni Simi ang balikat ko.

Talagang rumehistro sa mga mata nila ang pag-aalala. Alam nila kung gaano ako kailag sa mga bading o mas tinatawag kong sirena.

"Talaga bang may nangyari sa inyo? Like what the heck! Napatulan ka niya kahit isa siyang lamang-dagat," si Lali naman ngayon ang umaalog sakin.

Mahina ko namang pinag-untog ang ulo nila. "Sa ating tatlo mas alam n'yo ang sagot d'yan. Lasing kami n'on tapos kayong dalawang abnoy, mas lalo niyong pinalala ang lahat."

"Mas okay naman na dinala namin kayo sa hotel 'no. Kesa hayaan namin kayong gumawa ng milagro sa club." Napaikot na lamang ang eyeballs ko dahil sa sinabi nila.

"And besides hindi ka na naman bata. You can explore what you want. Wala namang pumipigil sayo at support lang kami sa tabi mo. Kahit pa magsunog ka ng kilay hindi ka namin pipigilan pero mas okay kung kami ang gagawan n'on," dugtong pa ni Lali at malakas tumawa na sinabayan din ni Simi.

Sweet MistakeWhere stories live. Discover now