CHAPTER 6: James 1:2-3

143 7 0
                                    


*Radio Statistic

           *Radio Statistic

                      *Radio Statistic

               (HELLO! Control Room please respond!!)

     
          (Mayday 10-44! There's a 10-42 at midway north East!)

         (Jimmy....  Kamusta kayo diyan????)

         (KAI SUMAGOT KANG TANGA KA!!!)

Matapos nang pagsabog ay agad nilang chineck ang kanilang mga radyo upang magkamustahan.
Mula sa mga Air Tower,  Aiko at pati narin kila Carl na nag aantay ng sagot mula kila Jimmy.

Nang biglang tumunog ang walkie-talkie

"H-Hello!... Anong sabi mo? 'Di ko masyadong marinig"

Lahat nang nakarainig sa bus ay biglang napahinga ng maluwag dahil sa sagot nayun ni Kai.
Pati sa radyo ng ATC ay nag respond narin sina Bryan. Si Aiko naman ay natutuwa ng marinig ang boses ni Jimmy.



Lahat ng tao sa control na sina Jimmy ay muling sinilip ang bintana. Kahit na masakit pa ang kanilang mga tenga at hindi pa masyadonh nakakarecover.

"Ang laking harang nito sa gitna rumagasa! Kawawa yung mga tao!" pag aalalang sambit ni Bryan habang hawak-hawak ang ulo.

"Mukhang hindi tao ang laman..."
Papikit pikit pang sagot ni Mario.

Lahat silay nagulat nang may biglang isang tao lumabas mula sa malaking usok habang bali ang braso!

"MAY BUHAY!" sigaw ni Bryan na agad din namang sinagot ni Jimmy.

"Patay na yan!"

Kasabay nun na nagsilabasan ang iba pang mga zombie na naglalakad nang nasusunog. Napapailing nalang ang mga airport police sa kanilang nakikita.

"Hindi lang yan ang dala niya. Sa lakas ng pagsabog, panigurado ko na yung ibang mga zombie magsisipuntahan diyan..."
Dagdag pa ni Jin.



"Anong nangyare?!" pag-aalalang tanong nila Yanna kay Kai dahil bit-bit niya ang aso.

"Nagulat ata siya sa sobrang lakas ng sabog. Nag-uumiyak eh!" agad na sagot ni Kai habang dinadala ang aso sa likod kasama ng batang babae at ng nanay niya.

"Rocky!!"
Si Yanna naman ay agad na sumunod kila Kai habang hinihimas sa ulo sang aso.
At kahit na ibinaba na ni Kai ang aso ay pilit paring itong yumuyuko at parang natatakot.

Naaawa si Kai habang tinitignan noya ito.

"Mas malakas kase pandinig nila satin e..."
Pag-aalang sambi ni Synthia.

Habang pinagmamasdan na lamang ni Kai ang aso habang nakayuko ito ay napansin niyang alalang alala din ang batang Malaysian.

"Can you take care of him for me?"
Mahinhin na tanong ni Kai kay sa bata, napatingin naman sina Yanna at Selena sa kanya.

"Sure..."

"What's your name?"

"S-Sophia..."

Napapangiti na lamang sina Yanna kila Kai sa pag-uusap nila nayun.

Agad mang tumayo si Kai para bumalik sa monitor.

"Hindi lang yung aso yung pinagaan mo ng loob ah...    kundi ayun oh!... Yung cute na tuta!"

Pagsalubong ni Selena habang nakaduro ang nguso ni kay Yanna na nakangiting hinahawakan si Rocky.

Nilingon niya ito at napangiti nalang.

Headshot (COMPLETED)Where stories live. Discover now