CHAPTER 9: 1 Thessalonians 5:15

108 6 4
                                    

"Kai's POV"

Aba.  Umaga na pala. Sa sobrang sarap ng tulog ko ay hindi ko namalayan na may araw na pala.
Bumungad kase sa akin ang bukas na bintana at magandang sikat ng araw. Mga lumilipad na ibon. Paro-paro.  Napakagandang umaga naman nito!

"Kamusta kaya si Yanna?" (●´з')♡

Kaya naman nilingon ko ang upuan niya at agad nanlaki ang mata ko sa aking nakita.

"Nasan yung mga tao?!!!"

Nagulat ako dahil wala man lang akong kasama na kahit isa, kaya napatayo ako. Kahit mga bag at yung mga pagkain na kinuha namin wala!

Agad akong dumeretcho sa unahan ng bus pero kahit si Jimmy o si Aiko ay wala rin. Pati yung ibang bus wala narin!!!

"Anong nangyayare!!"

Napalingon ako sa aking likuran nang may narinig akong kaluskos.
At nakita ko si Carl na natutulog sa dulo. Nang makita ko siya ay hindi nako magdalawang isip pa na dumerecho sa kanya upang gisingin.

Napapatingin pako sa paligid ko nang bigla niya akong sinakal!! Naging zombie ang mukha niya kaya napasigaw ako gulat.

Nakakatakot ang mukha niya na para bang natutumaw ang mukha kaya lumuluwa ang madugo niyang mata.

Sa sobrang takot ko ay wala nakong nagawa kundi ang titigan na lamang siya at humiyaw na lamang!


"TULUNGAN NIYO KOOOOOO!!!!"

__________________








"KAI!!      KAI!!!        GISINNNNGGGGGG!!!"

"WAAHHHHHHHHHHHH!!!"

Agad na nagulat si Kai nang makita ang mukha ni Steven na hawak hawak ang bandang leegan niya habang inaalog siya. Sa sobrang gulat niya ay nasakal niya rin ito!!

"ARAYY!! 'DI AKO MAKAHINGA!!!"

Halos  magulat ang lahat sa naalipungatan si Kai. Nang marealize ni Kai na binangungot lang pala siya ay saka siya napatigil. Sina Selena,  Synthia at Heisly ay nagulat din sa kanya.

"Kai, anong nangyayare sayo?!"
Agad ma tanong ni Carl nang makita si Kai natutulala.

"Walangya.... Binangungot ako!!!"
Sagot niya  habang pinagpapawisan pa ng malapot at humihinga ng malalim.

Si Steven ay muling lumapit sa kanya.

"Siraulo kaba?! Ginigising na nga kita papatayin mo pako?!" pagsigaw niya kay Kai.

"Gigisingin moko tapos nakahawak ka sa bandang  leeg ko?! Ginigising mo bako o pinapatay!? "
Agad naman na sagot ni Kai kaya naman nagtawanan na ang mga buang na magtotropa. Si Yanna ay nagising narin at nilingon sila Kai nang marinig ang kanilang sigawan.

"Ha??  O-okay kalang ba? A-ano bang napaginipan mo?" Σ( ° △ °)?
Agad na tanong ni Yanna sa kanya.

Gulat na gulat ang magtotropa dahil umagang umaga, ay si Kai ang inaalala ni Yanna.
Hindi mapigilang magkatingin ng lima habang si Kai ay nanlaki ang mata.

Kinikilig na naman siya kay Yanna. Lalo pa't nag aalala ang magandang babaeng ito.

"K-kamusta ka?" (=゚Д゚=)
Tanong niyang muli habang napupunas ng mata.

Bigla namang natawa si Kai nang pagkalaki.

"NAKO!!! HAHAHAHAHA!  K-KALIMUTAN MO NAYUN YANNA! WALA LANG YUN! HINDI NAMAN AKO NATAKOT E!..    NAGUGUTOM KANA BA? GUSTO MO BA MAG ALMUSAL?"
   (´∀`)

Headshot (COMPLETED)Where stories live. Discover now