CHAPTER 16: Luke 10:5

64 4 0
                                    

"Third Person's POV"

Alastres na ng madaling araw, at pabalik na ang lahat sa kanilang mga sasakyan si Kai ay akay-akay parin ni Steven at William.

Habang papalapit sila sa Bus ay may biglang napansin si Jimmy.

Napahinto silang lahat dahil sa sobrang dami ang zombie ang nakapalibot sa Bus. Bigla silang napaupo.


"Na....  Napakadami Jim!"

Si Jin ay alalang alala at baka may nakapasok na sa loob.
Nang biglang tumakbo ang apat na sina Steven, William, Bobby at Patrick.


"Saan kayo pupunta?!"
Pagsigaw pa ni Thea habang hawak-hawak at inaalalayan na si Kai.

"Magpaparty lang yan mga yan!  Wag ka mag aalala." sagot naman ni Kai habang nanghihina.

Si Ella ay napatingin nalang kay Jimmy at napatanong.

"Ganyan ba yang mga yan??"

Bago pa makasagot si Jimmy ay sumunod narin na tumakbo ang mga football players niya.

"Mukhang lahat sila ganyan eh! "
Pagsagot naman ni Thea.


Muli na namang nagpahabol ang mga kolokoy na sila Steven kasama na ang mga football players.












Habang tahimik na nakayuko at natatakot ang mga estudyante sa loob ng bus ay may bigla silang narinig na mga putok ng baril mula sa labas.
Mula sa likod,  harapan,  kanan at kaliwa ay naririnig nila kung saan-saan ang mga putok.


Napasilip si Aiko sa labas nang mapansin na nagsisi-alisan na ang mga zombie,   dito na pumasok sa isip niya ang pagbabalik nang lahat.


Napangiti siya.

"JIM!"




Halos mabuhayan ang lahat ng makitang nauubos  na ang mga zombie habang kitang kita pa nila na nagsisitakbuhan ang mga siraulong sila Steven.




"YESSSSSSSSS!!!"

Nagsihiyawan ang lahat ng matanggal na ang kanilang tinik sa lalamunan.

Sila Carl at ang grupo ni Dambo ay nagka apiran habang sumisilip pa sa bintana.

Habang sila Yanna ay nagyakapan nang marinig iyon.






Tuwang tuwa ang lahat nang makita na buo pa sila Jimmy matapos nitong pumasok sa loob ng Bus,  pero, nagulat sila Yanna nang makita na parang nanghihina na si Kai.





"A-anong nangayare!?"

Pag-aalalang tanong nila Aiko habang sila Ella at Thea ay dinadala na si Kai sa kanyang upuan.

Gusto sana siyang ilagay sa harapan nila Jin upang doon na magpahinga pero pinilit parin ni Kai na pumunta sa dulo.



"Kai, anong nangyare???


"K-KAI!!??"



Halos mag-alala ang lahat ng estudyante lalo na sila Carl at Yanna. Habang pinadadapa sa dulong upuan si Kai upang makapag pahinga.

Habang si Mario ay napaupo na lamang sa pagod at napapikit na lamang.






"A-ano po nangyare? B-baka po makatulong kami!!"
Pag-aalala pang tanong ni Yanna kila Thea dahil mga nurse student sila. Pero hindi na nasagot pa nila Thea ang kanyang tanong dahil kay Kai.






"K--kuya anong nangyare??"
Tanong ni Yanna kay Jimmy na nasa dulo narin.

"Wag muna natin pag-usapan."
Maikling sagot nito.





Headshot (COMPLETED)Where stories live. Discover now