CHAPTER 18: Job 8:21

67 4 0
                                    







"MALIGO NA TAYO MGA BOYS! SOBRANG GANDA NG BANYO!"

Agad na sigaw ni Kai sa lahat at halos mabingi pa sila sa lakas.

"Teka lang!  Aayusin pa namin mga gamit namin."

"Malawak ba yung banyo?"

Tanong naman ni Carl sa kanya.

"OO!  MAY SHOWER!    MAY BATHTUB! LULUNURIN KO KAYO SABAY-SABAY!"

Sagot naman ni Kai habang naghuhubad na ng damit at pantalon. Tinanggal niya rin ang benda ng kanyang sugat.

"Okay naba yan sugat mo?"

"Oo, ligo lang yan!"

Agad naman na sagot ni Kai at saka nauna nang pumasok.

"Hayper na hayper ang walangya ah!"
Sambit naman ni William sa kanila habang nag-aayos narin ng mga damit.

Habang si Steven ay lumapit sa isang aparador. Nacurious siya dito kaya naman binuksan niya.

"DAMN!"

Nanlaki ang mata mga ng lima sa laman ng aparador. Puro kase ito mga damit ng panlalaki.

"PANO BAYAN!  MUKHANG MAKAKAPAG SUIT N' TIE AKO HAHAHAHA!"
Pagbibiruan pa nila Bobby.

At Patrick at saka sila namili ng mga damit na pwedeng kumasya sa kanila.

Matapos mamimili ng lima ay sumunod na ito kay Kai na naliligo at naka-underwear lamang.

"PUTA ANG LAKI AH!"

Agad na bungad ni Bobby pagpasok ng banyo.
Nagulat ang apat na sila Steven,  William Patrick at Carl sa kanya kaya napatingin sila kay Bobby.

"Bro..."
Awkward na tanong ni William.

"Bakit? Naliliitan kaba sa banyo?"
Agad naman na sagot ni Bobby habang nagtataka.

"Ah.... Wala!"
Agad na napailing sila William at saka narin nag under wear.

Si Kai ay tuwang tuwa na nasa shower habang nagsa-shampoo.

"ANG TAGAL NIYO MGA KUPAL!  KANINA KO PA KAYO INAANTAY! MAG SURPRISE SANA KO SA INYO EH!"

"Ano?"

"Tutal lahat kayo mukhang maliligo na, nakikita ba niyo yang bathtub?"
Tanong ni Kai sa kanila kaya naman nagkatinginan na ang lima dahil hindi nila makuha ang yinutukoy nito.

"Oo...  ano meron?"

_______













"Ang Sexy naman ni, Yanna grabe!!"

"OO, NGA EH! SANA ALL."

Pagbibiruan pa ni Heisly at Synthia habang nagbibihis na ang mga ito dahil kakatapos lang maligo. Maesyo naiilang si Yanna dahil hindi siya masyadong sanay kapag pinagtitinginan ang katawan niya.

"Wag kayo magulo!"
  (ノ*>∀<)ノ

"Si Miss President dalagang filipina! Ang sexy din! Diko alam kung bakit si Trixie ang kinuha na representative dati sa Miss Veinsland, matapos tanggihan nitong si Selena!"
Pagrereklamo naman ni Heisly habang nagsosoot na ng damit at tinutukoy si Selena.

Napapailing nalang siya nang bigla namang nahiga si Synthia at napatanong sa kanila.

"Naisip ko lang. Curious lang ako ha... Minsan lang naman tayo mag usap ng mga ganito eh!"

"Ano yun?"
  ( º _ ºノ)

Pagtataka namang tanong ni Yanna.

"Malamang naliligo na ang mga lalaki na yun sa banyo. Naisip ko lang ano kayang ginagawa nila kapag magkakasama. Tayo kase nagchi-chikahan lang sa mga body parts natin "Like sumesexy ba'ko?" "Tumataba ba'ko?"
Seryosong tanong ni Synthia kaya naman napaisip talaga ang apat. Kahit na si Yanna na hindi masyadong sanay sa ganto ay pinilit na mag isip.

Headshot (COMPLETED)Where stories live. Discover now