CHAPTER 4: Hebrews 13:16

184 9 0
                                    


"IBIGAY MO SAKIN YUNG WALKIE TALKIE, AT TAWAGAN MO!"



Galit na sigaw ni Jimmy nang marinig nilang lahat ang balita. Sobrang lakas ng kaba nilang lahat. Hindi makakilos at makasunod si Jin dala sa matinding balita na narinig niya kaya kinuha ni Mario ang Walkie-Talkie at siya na ang kumilos.

"Kai, baka kung ano ng nangyare kila Bobby!"
Tanong nila Steven kay Kai na agad niya namang sinagot habang nakakatitig lang kay Jimmy.

"Matagal mamatay ang mga masasamang damo wag ka mag-alala."

Seryosong sagot niya.

"Si Carl ang inaalala ko." dugtong pa ni Kai.

"Anong nangyare, Aiko?! Nasan na kayo?"
Pag-aalalang tanong ni Jimmy dala ng malalim na paghinga. Sa itsura nito, halatado ni Mario na nagagalit siya.

"J-Jimmy!!..."

Lahat sila ay napatahimik sa hikbi ni Aiko.

"ANONG NANGAYARI?! TOTOO BA YUN?!"
Galit na sigaw ni Jimmy.

Hindi makapagsalita si Aiko lalo nang marinig ang boses ni Jimmy, pero pinilit niya parin.

"N-nung nakalabas kami sa Airport... At papasok nalang sana sa bus... M-may mga lalaking nag hijack samin...!"

Napasara ng mahigpit ang kamao ni Jimmy. Pati sina Mario, Kai, Steven at William ay nadadamay na sa galit habang pinapakinggan si Aiko.

"A-Ang iba sa kanila mga pasahero ng Airport! Pati ibang Airport Police hindi kami tinutulungan! Gusto rin lang daw nilang mabuhay....

Pero di nila iniisip yung mga bata... Jim!!"

Lumuluha na ng napakarami si Aiko habang iniisip ang nangyare. Kasabay nun ang pag iyak ng mga estudyante sa loob ng bus na nakakarinig ng kwento. Dala-dala parin nila ang matinding trauma.

"Sinubukan namin silang lababanan kasama yung mga gwardya ni Mr. Hisashi... Pero di namin kinaya..."

Lalong tumulo ang luha ni Aiko.

"... Pasensiya kana Jim... Mahina lang kami! A-apat..... Apat nalang kaming Professor ang natira dito!!!"

Napatingin sa ibaba si Jimmy. Isang paraan nalang ang pumasok sa isip niya. Alam niyang wrong timing ito pero sinabi niya parin.

"Mauna na kayong umalis... Aiko."

Pero lalo lamang napahagulgol si Aiko.

"HINDI MO NAIINTINDIHAN JIM!"
isang malakas na sagot niya.

"N-NATATAKOT KAMI!!! NATATAKOT KAMING LAHAT NA HINDI KA NAMIN KASAMA DITO!!!"

Para bang nabingi si Jimmy sa mga sumunod na sinabi ni Aiko. Hindi niya na magawang magsalita pa sa mga narinig niya dala ng halo halong emosyon. Si Jin, William at Steven ay sabay-sabay na nanlamig sa kwentong nilahad ni Aiko. Para bang hindi sila makapaniwala sa nangyare.

Ang unang at pangalawang Bus ay sabay-sabay na namatay sa loob matapos makasakay. Dahil sa mga estudyanteng infected at nakagat na pinilit paring pumasok.
Ang pangatlo hanggang pang anim na Bus ng estudyante ay hindi man lang nakatapak pa sa sasakyan dahil sa labas palang ay naubos na ang mga ito.
Ang pangpito at pang-siyam na Bus ay na-hijack ng mga hindi kilalang tao.

Hindi makapaniwala ang lahat na sabay-sabay nangyare ang mga ito.
Apat na bus ng estudyante nalang ang natitira, at lahat ng nawala ay may sariling kwento.
Halos mag-iyakan nalang ang mga estudyanteng nakaligtasan sa nakakagimbal. Wala na silang mauuwiaan ngayon.

Headshot (COMPLETED)Where stories live. Discover now