CHAPTER 14: John 8:32

58 4 0
                                    

"CHAPTER 14"

"NASAAN YUNG KAPATID KONG SI ALIZA!?!?!     NASAAN SI ALARGON!?!!"
Pag-sigaw ni Thea sa lalaking hinahabol nila matapos itong mahuli. Habang ang isang pang lalaki ay hinahatak na ni nila Steven.

"H-Hindi ko alam!"
Sagot ng matandang lalaki sa kanila.
Para itong pagod na pagod at puro pasa ang mukha. Pati ang kanyang salamin ay mapapansin na may crack.

"SUMAGOT KA, NASAAN YUNG KAPATID KOOO!!"
Halos nagwawala na ang apat na magkakapatid sa kakatanong sa dalawa pero tanging "Hindi namin alam" ang nasasagot. Isinandal nila ang dalawang lalaki sa isang table na may mga latabing computer at ksang malaking screen.



"S-sorry hindi po talaga namin alam!!"
Naiiyak na ang dalawang matanda habang sumasagot.

"NASAAN NA SI ALIZA!!"
Nagmamakaawa na si Thea at Ella pero hindi parin sila sinasagot ng dalawang doktor.

Lahat ng Veinsland ay wala na lamang imik. Kahit na si Jimmy na gusto nang mangielam ay pinipigilan nalang ang sarili.



Tatalikod na sana si Mario nang mapansin niyang may isang tao ang nakatingin sa kanila na nasa bandang dulo.

At nakatutok ang baril.

"YUKO!!"

Agad na binaril ito ni Mario kung saan hindi tumama, pati ang lalaki ay hindi rin nakatama kaya naman nagsimula na itong tumakbo.


Dito na nila napansin na meron siyang kasama.
Tatlo ang lalaking nagmamasid sa kanila na may mga hawak na baril.

Iniwan nilang lahat sina Daniel at Harry upang bantayan ang dalawang doktor. At saka sila lahat kumalat upang tugisin ang tatlong hindi kilalang lalaki. Sa mga soot at kilos nito ay parang mga trained sila.







Si Jimmy at Jin ay mag kasama habang sinusundan ang isang lalaki. Sinubukan nilang i-korner ito sa magkaibang direksyon pero muntik pang matamaam si Jin na bala.


Kanina pa nabibwisit si Jimmy dahil kahit anong habol niya ay mabilis silang natatakbuhan mas sanay pa sa kanya at alam pa  nito ang pasikot sikot ng lab.



Biglang nawala ang lalaki sa kanilang paningin matapos nitong lumiko. Kaya nagdesisyon si Jimmy at Jin na maghiwalay muli.

Habang naglalakad si Jin ay bigla siyang napahinto. Naramdaman niya ang baril na nakatutok sa kanyang ulo.

Pero hindi ito pinutok.

Bago pa sumabog ang kanyang ulo ay natutukan na ni Jimmy ang lalaki.





















Ang dalawang magkapatid na sila Ella at Thea kasama ang mga football player ang siyang humahabol sa pangalawang lalaki.

Hindi sila pe-pwedeng magkakadikit ng pwesto dahil isang pagkakamali lang ay may mamamatay sa kanila kaya naman kumalat ang mga ito upang ma-corner ang lalaki.

Kung saan naman naabutan na pala ito ni Dean at nabaril na ito sa kanyang tuhod para hindi na nagawang tumakbo pa, at mabilis nila itong mahule.


__________________








"Alam niyo dapat hindi na kayo pumunta rito! Paano niyo nalaman tong lugar na'to?!"

Tanong ng lalaki kila Kai at Mario kasama sina Steven, William, Bobby at Patrick sa kasuluk-sulukan ng Lab.

Ito nalang ang lalaking hindi pa nahuhuli.

Headshot (COMPLETED)Where stories live. Discover now