CHAPTER 13: Romans 8:25

66 4 0
                                    

"Kai's POV"



"ANO NANG GAGAWIN???"
tanong namin pareho ni Marten sa dalawang babaeng magkapatid.
Nagkatinginan pa sila dalawa dahil mukang pati sila ay hindi narin nila alam! 

Nangangawit na kaming apat habang tinutulak itong pinto!

Tumingin narin ako sa paligid kung ano ang pe-pwedeng magamit at may napansin ako.

"ITULAK NIYO LANG NG MALAKAS!"

At saka ako bumitaw sa pagkakatulak sa pinto at pumunta sa nakita ko!
No choice.

Mukhang dun na naman kami dadaan.


"SAAN KA PUPUNTA?!!!"






___________




"Third Person's POV"

Wala nang magawa ang grupo nila Jimmy kundi ang mapatulala sa loob dahil kahit saan pa sila tumingin ay wala na silang madadaanan. malakas parin ang kalampag ng mga zombie sa pinto.

Napatingin siya itaas.

"Airvent na naman??"

Tanong ni Jin kay Jimmy.

"Masyado tayong madami. Baka bumigay na yan!"

Agad niya namang sagot kung saan nawawalan na sila ng pag asa.
Wala din kaseng bintana ang kwarto at kung ano-ano pang pwede nilang daanan papalabas. Pwera nalang ang pinto.

Sila Daniel at Harry ay nag-aalala na sa dalawa nilang kapatid na babae.

"Ate Thea..."

Habang umiikot si Jimmy ay narinig na nila ang isa pang kalampag mula sa kabilang side ng kwarto.

"ANAK NANG..."



____________

Kai's POV


"SURE KABA NA DITO TAYO DADAAN!"

"OO! AKYAT NA!!"

Nasa taas nako ng airvent kung saan inaabot ko na ang kamay ni Thea. Nagdadalawang isip pa siya kahit na ipinaliwanag ko na may expirience kami dito.

"DALIAN MO!!"

At agad na siyang umakyat nang marinig na lumalakas na ang mga zombie. Matapos ko siyang maiangat at sumunod naman na umakyat si Ella, habang binubuhat ni Marten.

Parang masisira na yung pinto kaya nagmamadali na ang dalawa sa pag-akyat.

Hingal na hingal ang mga ito dahil sa sobrang pressure.
Pagtapos naming umakyat lahat ay tinakpan narin ni Marten ang Airvent.

At napahinga na lamang ako ng malalim kahit na parang hindi ako yung nahuhule.

( TДT)

Nakakaba din pala!



"A-alam niyo ba yung mga daan dito?"

Tanong ni Marten habang humihinga din ng malalim.

"Ako medyo alam ko!"
Sagot naman ni Ella kung saan tinuro niya sakin ang dapat na daanan. Alam niya pala kung saan dapat kami bababa kaya naman natuwa ako.

At alam din niya kung paano papalabasin sila Jimmy sa kabilang kwarto. May naisip siyang plank.

Mukhang medyo malayo nga lang yung gagapangan namin pero kaya naman.

Dapat talagang kayanin.

Napapahinga parin ako ng malalim.
Pero sinimulan na naming gumapang at lumiko sa kanan.

Headshot (COMPLETED)Where stories live. Discover now