CHAPTER 27: Psalm 107:3

58 4 0
                                    



"WAG KA UMIYAK! IKAW PINAKAMATAPANG DITO!"

"EH!    EH!     EH!         EHHHHH KASE PO!!"
   ( TДT)

"WAG KA UMIYAK! GUSTO MO BA MAMATAY NGAYON?!"

Pinapagalitan ni Berdugo si El Diablo na umiiyak dahil sa pagkatalo kay Jimmy.

"ANG KULIT MO! KAYA HINDI KANA PINAPATULAN NIYAN DATI PA, DAHIL UMIIYAK KA EH"

Hindi makapaniwala sila Jin at Steven na umiiyak ito na para bang bata, nawala ang image niyang matapang sa kanilang mga mata.

"KASE PO!"
Lalo pa itong napahagulgol.

Habang si Jimmy ay napapailing nalang at nauunang tumakbo.

Ang totoo, ay wala talagang balak na patulan ito ni Jimmy pero may ibang pumasok sa utak niya kaya naman nilabanan niya na ito.






"UMIIYAK KA E KINAMUSTA KALANG NAMAN NG KAIBIGAN MO!!"
Sigaw pa ni Berdugo sa kanya.

Natawa na lamamg si Borj at Paul na nasa dulo at napatingin kay Kai.

"Sa totoo lang, may ganyan talaga siyang pag-uugali eh. Isa yan sa mga personalidad niya. Iyakin!  Apat na taon nang hindi umiiyak yan magmula nung mawala si Jimmy!"

Nabigla sila Kai.

"Huh?!!"

"Pagdating kay Jimmy ngumangawa siya. Alam naming lahat na parang may sayad siya pero matino naman siyang kausap. At saka marami talagang pinapabagsak yan dito. Takot nga kami diyan eh! Pero kaya lang naman siya nagkakaganyan ay hindi dahil natalo siya! Hindi sa gusto niyang natatalo sa suntukan. Dahil para sa kanya,  kung matatalo siya.   Gusto niya kay Jimmy lang!"


Nagulat sila Kai sa kanilang narinig. Pati si Mario ay pasimple naring napatunganga sa kanila.


"Hindi siya umiiyak dahil ayaw niyang natatalo. Umiiyak siya dahil sa wakas ay pinapatulan parin siya ni Jimmy. Kung alam niyo lang yung ugali niyan,  mag mula ng mawala si Jimmy dito. Bukam bibig niya si Jimmy araw-araw, kahit sa mga pinapatumba niya lagi niyang isinisingit si Jimmy sa usapan. Hindi siya pumapayag na matalo sa ibang tao dahil daw ayaw niya daw ipahiya ang pangalan ni Jimmy...
Dahil siya ang 'Number One' fan niyan dito!!"


Napangiti na lamang ang lahat mga kakosa ni Borj habang kinukwento niya ang lahat ng ito kung bakit ganun nalang maiyak at matuwa ang binansagang El Diablo, ng bilibid.

Mula sa iniwan na litrato ni Jimmy kay Louie sa kanyang kwarto. Ay palagi niya itong tinitignan mula sa pagkagising sa umaga,  at bago matulog sa gabi.

Palaging sinasabi ni El Diablo na

"Balang araw makikita rin kita...     at papatulan mo ulit ako. At kahit anong mangyare. Ikaw parin ang number one idol ko!"

Ganun niya tinitingala si Jimmy. Ganun katinde.






Napatulala na lamang sila Kai at Mario kay Louie na nagpupunas na ng luha at sinusubukan ng humabol kay Jimmy.

Habang tumatakbo ito ng mabilis ay bigla niyang tinalon si Jimmy at inakbayan sa balikat. At saka sumigaw nang






"IDOLLL!!!!!!"






















Napatulala silang lahat dahil tuwang tuwang itong kumakapit kay Jimmy na para bang bata. Pati si Berdugo ay natatawa na lamang sa kanilang dalawa.


Headshot (COMPLETED)Where stories live. Discover now