CHAPTER 20: 1 Peter 5:8

62 3 0
                                    

"Pakshet! Ang sakit ng ulo ko!"

Kalagising lamang ni Steven at hindi niya magawang tumayo dahil sa hungover mula sa alak na ininom nila kagabi.

"Umiikot yung mundo ko!!"
  (@_@)

Napatayo siya ka agad at tumungo sa banyo upang sumuka.

"WarrrHhkkkrrrrrggghhhhhhh!!"

Halos tumaas ang mga laman loob niya habang sinusuka ang mga ininom at nakain kagabi.

"P-puta! 'Di na talaga--- ko-  IINOM!    WARRGGGGGGGHHH!"

Narinig ito ni Patrick kaya naman napatayo siya sa kanyang kama. Matapos niyang mapatingin sa paligid ay sumakit din ang ulo niya kaya naman agad din siyang pumunta sa banyo upamg sumuka.


"WARRGGGRRRRHHHHHHH!"

Dalawa silang magkasabay na sumusuka ni Steven.

Matapos maisuka ni Steven at lahat ay nag flush siya ng Bowl at napasandal nalang sa bathtub habang si Patrick ay nasa sink at doon sumusuka.

Naghilamos na lamang ng tubig si Steven at iiwan na sana si Patrick nang mapatingin siya sa salamin.

"WAHHHHHHHHH!!  ZOMBIIEEEEE!!"

Nagising ang tatlo na sila William, Bobby at Carl nang marinig ang sigaw ni Steven sa loob kaya naman agad silang tumayo kahit na mabibigat pa ang ulo.

"Steven anong nangyare bakit--    WAHHHHH ZOMBIE!!"

Pati ang tatlo nagulat nang makita ang mga mukha ni Steven at Patrick sa loob.
Dahil nangingitim ang mga mukha nila at punong-luno ng drawing!

"B-BAKIT PURO PENTEL YUNG MUKHA KO! PA-PATI YUNG MGA MUKHA NIYO!"

Gulat na gulat ang lima habang tinitignan ang mga mukha nila sa salamin.

Si Carl ay hindi maiwasan ang iba't ibang drawing sa mga mukha nito.

"Yung akin infinite line! At parang hindi binitawan yung pentel pen sa mukha ko!       Etong si Patrick pucha ginawang horror clown!  Etong si William punong-puno ng tuldok!  Etong si Bobby puro pangalan yung mukha!"

Habang si Carl ay di makapaniwala kay Steven.

"YUNG MUKHA MO!     MUKHANG SAYO INUBOS YUNG TINTA DAHIL MATA MO NALANG ANG NAKIKITA KO!"

Galit na galit ang lahat habang naghihilamos dajil ang hirap matanggal ng mga sulat sa kanilang mukha.

"SINO BANG GUMAWA NITO! IKAW WILLIAM NO???"

Giit ni Steven sa kanya pero nainis lang din ito dahil pati siya ay may sulat sa mukha.
Bigla silang nagkatinginang lima, at para bang iisang tao lang ang kanilang nasa isip.

Agad nilang sinilip ang mga higaan at wala dun sk Kai.

"BALIW KA TALAGA KAI!"

"INUTIL KA TALAGA!"

"PAG NAKITA KITA SUSULATAN KITA NG MARAMING ETITS SA MUKHA!"

"PALILIGUAN KITA NG TINTANG HAYUP KA!!"

"PATI NGIPIN AT DILA MO DAMAY!!"

Galit na galit ang lima at agad na bumalik sa sink upang maghilamos at maligo.

"AYAW MATANGGALL!!!"

















"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! MALAMANG GISING NA SILA NGAYON! HAHAHAHAHAHA!"
Tawang tawa si Kai habang kinkukwento kila Thea at Ella ang pinagagagawa niya sa lima.
Umiinom silang tatlo ng Kape havang nakaupo sa lamesa.

Headshot (COMPLETED)Where stories live. Discover now