chapter fourty-nine

714 12 3
                                    

Chapter 49

Kagagaling ko lang sa sa tinitigilang hotel ni Kevin ngayon. Kinuha ko yung ticket ko. Syempre, kukunin ko yun. Tinawagan kasi ako kagabi ni Mama at sinabing kunin ko na nga daw at sumabay sa lalaking to sa pag balik sa America.

Ano pa nga ba ang magagawa ko?

Dideretso ako ngayon sa school kahit na late na ako. May excuse letter naman ako kaya pwede akong pumasok kahit late. 

Pinakita ko kay Manong guard yung letter kaya pinapasok na niya ako.

Lunch break nga ngayon kaya maraming tao. Dumiretso ako sa cafe kasi baka andun sila. 

And right, andito nga sila.

Lahat sila napatayo ng makita ako naglalakad papunta sa kanila. May kulang sa kanila. Wala si Matthew.

"Ella!" tawag nila.

"Haha. Gulat kayo no?" patawa tawa ko pang sabi. Grabe, ang sakit sa pakiramdam. 

Iniisip ko pa lang kung paano ko sasabihin sa kanila, naiiyak na ako. Ano kaya magiging reaksyon nila? Si Matthew kaya? Would he care at all?

"Bakit ngayon ka lang?" tanong ni Sofee habang naipod para maka upo ako.

"Iorder kita ng lunch, gusto mo?" offer sakin ni Gab.

"Hindi na, ok na. Kakakain ko lang." sagot ko kay Gab, then tumingin naman ako kay Sofee para sagutin yung tanong niya. "May pinuntahan kasi kami ni Kevin. Eh importante yun, kaya eto. Hehehe." I said.

Sinabi ko na din na si Kevin nga ang kasama ko. Kung itanong man nila kung san kami nagpunta. Bahala na kung ano isasagot ko. Basta hindi ko na muna sasabihin sa kanila na aalis na ako sa isang araw.

Oo. The day after tomorrow.

"Ah... Si Kevin na snatcher." sabi ni Sofee.

"Oo?! Nakakainis yun! Basta basta na lang nasulpot eh? Tapos aagawin ka pa samin?!" himutok ni Czacza.

"Yeah! Defenitly true girls! Nakakairita siya? Sayang over pa naman siya sa kagawapuhan. Mukang tungek naman sa kabaliwan sayo." Sandee said, looking at me.

Haha. My girl friends are over reacting. But who cares? Ganyan sila eh? At kahit ganyan sila, iba iba man ang personalidad nila, mahal ko yang mga yan.

Mahal na mahal.

"Haha. Nako. Yaan niyo na yun." sabi ko na lang.  

Nag uusap-usap na kami ng tungkol sa kung ano ano ng dumating si Mattew.

At ng makita ko siya, parang may biglang nag drum sa dibdib ko. Gosh. Ang lakas talaga ng impact ng lalaking to sakin. Kahit anong pigil ang gawin ko, hindi ko mapigilang kabahan pag andyan siya. 

Sa araw araw naming pagsasama, at sa araw araw niyang hindi pag pansin sakin habang todo pansin siya kina Czacza at todo effort naman siya sa hindi pag pansin sakin na para talagang wala ako sa mundo kung maka-asta siya sa harapan ko, heto ako at naiinlove pa rin ng todo sa kanya.

Ako na talaga.

Napansin ko na napatingin sakin si Matthew. Weeee! Haha. Siguro nagulat din siya kasi ngayon lang ako pumasok. Sana naman kausapin na niya ako.

"Oh Mateo, san ka galing?" tanong ni Xander.

"Ah, sa faculty." sagot naman niya.

"Bakit?" sabay sabay nilang tanong.

Naupo muna siya bago sumagot. Katabi niya si Gab. Hmm. I wonder, nag uusap kaya ang dalawang to? Kasi this past few days, hindi ko sila nakikitang nagbabatian o nag uusap man lang. Parang may gap between them.

The Story of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon