chapter fourty-two

763 8 2
                                    

Chapter 42

"Ahhhhhhh!" sigaw ko

"Ahhhhhhhh!' sigaw din nila. Anak ng... Punyeta!

"Putek naman oh? Wala namang ganyanan?!" sigaw ko na naman. Ano ba kasi tong mga to? Hindi ba nila alam ang tungkol sa kwento ng lugar nato? Hindi man lang ba nila naisip yun?! Ha?!

"Hi Mateoo!" bati sakin ng mga babaeng to. Alam ko. Pinakakalma lang ako ng mga to. Asa pa naman! Hinding hindi ko sila mapapatawad sa pananakot sakin?!

"Tol! Hehehe.. Natakot ka ba namin? Pasensya na ha? Akala kasi namin napansin mo kami, hehehehe.." sabi ni Xander. Muka mo! 

"Napansin mo ba kami?" tanong naman ni Alex. Isa ka pa! Muka mo din! Umiling lang ako bilang sagot ko. Nginitian lang naman ako ni Alex.

"Hehehe, sumunod kami tol. Akala namin pansin mo yun. Hindi pala. HAHAHAHA!" sabi naman ni Dave. Isa ka pa! Muka mo din!!

"Hehehe.. natakot ka ba Mateo?" tanong ni Czarina. Alam ko, nangiinis to. Kung di ko lang to pinsan eh?? Mumukain ko din to.

"Hindi... Asa pa naman. Ako? Matatakot sa lagay na yun? Kita niyo naman sa ekspresyon kong hindi ako natakot. Sa sigaw ko pa nga lang halatang halata na hindi ako natakot. BWISET. Malamang! Natakot ako!!" kuh?! Naha-high blood ako eh?

Natahimik silang lahat. Pero yung ekspresyon ng mga muka nila. Hindi. Malamang, basang basa ko ang muka nilang yan.

"Sabihan niyo na akong na bading. Wala akong paki alam. Basta tandaan niyo ang araw na to--"

"Gabi na Mateo..." singit ni Alex. Anak ng...!!!

"Ikaw! Eh.. Basta! Tandaan niyo ang ar.. Gabing ito. Gaganti din ako."

Nagtawanan sila. Paki alam ko, pagtawanan nila ako. Wala akong pake. Si Carmella ang ipinunta ko dito. Kaya lumakad na ako.

"Para ka namang bata Mateo eh?" sabi ni Sofee sakin.

"Oo nga.. Hehehe. Bagay sayo! Nagwapo ka lalo! Pout pout ka pang nalalaman ha?! HAHAHA" sabi naman ni Angie sakin. Isa pa tong babaeng to.

"Oy, tama na nga yan? Mapatay pa tayo ni Mateo dito. Mahirap na. Dadami ang kaluluwang gagala dito. Hehehe.." biro naman ni Drake.

Ako talaga ay nasusura na. Isa pa. Makakapatay na talaga ako. Kakalimutan kong mga kaibigan ko tong mga to!

"Shhh! Wag kayo maingay.. pakinggan niyo yun?" biglang sabi ni Gab samin. Tumigil kaming lahat sa paglalakad.

Parang may... babae? Babaeng parang may inaabot na hindi hindi maabot? Si Carmella na kaya yun? Ano namang aabutin niya? Eh wala namang bunga ang mga puno dito?

"Baka si Ella na yun! Tara, sundan natin yung tunog!" medyo malakas na sabi ni Czarina, tapos tumakbo na yung apat na mga babae. Sumunod naman kaming mga lalaki.

Tumakbo kami papunta sa kaloob-looban ng lugar na to. Madilim na talaga kaya hindi na gaano nakikita yung daan. Tapos naulan pa man din. Pero para namang wala lang sa mga kaibigan ko yung ulan at ang mga putik. Ganun din naman sakin.

Tapos bigla na lang tumigil yung tunog. Napatigil din kami sa pag takbo.

"Nawala..." sabi ni Sandee.

Nagtinginan kami. Ng biglang...

"Ahhhhhhhhhhhhhh!

Isang malakas na sigaw yung narinig namin. Sh*t! Napatakbo ako dun sa pinanggalingan nung sigaw. Dali dali akong tumakbo. Alam kong delikado dito, pero hindi yun ang dapat kong isipin. 

The Story of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon