chapter twenty-three

892 12 1
                                    

Chapter 23

 "Hayss.." napa buntong hininga na lang ako. Hindi ko kasi alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko? Ang weird at nakaka-inis.

"Kelly!" rinig kong sinigaw ni Matthew. Papalapit siya kay Kelly na kadadating lang galing kung san man.

Nung nakita naman siya agad ni Kelly kumaway siya ng todo-todo na halos matatanggal na yung kamay niya sa katawan niya. Sana nga magkalasoglasog na yang katawan niya. Bw*set.

 "Jelly much?" napatingin naman akon sa bagong boses na narinig ko. Pagtingin ko siya pala.

"Whoa! Czacza? Buhay ka pa pala!" sabi ko. Nagbibiro lang naman ako, hehehe.

"Ang sama mo naman!" sabi niya sabay hampas sa balikat ko.

 "Hey! That hurts." sabi ko. Ang sakit nun ha? Ngumiti lang naman siya sakin tapos tinabihan ako dito sa kinatatayuan ko. Andun pa rin kasi sa daan sina Kelly at Matthew at enjoy na enjoy mag-usap.

"So what's up? Kamusta na kayo?" tanong niya na may emphasis pa talaga sa word na kayo. Grabe talaga to.

  "Ako OK lang. Yung pinsan mong mayabang, ayan. Enjoy na enjoy." sagot ko sa tanong niya habang nakatingin pa rin sa kanilang dalawa. Bakit ko ba sila pinapanood? "Andito ka ba para makipag-away sakin? Kung oo, umalis ka na. Wala ako sa mood makipag away sayo.. "dagdag ko pang sabi kay Czacza.

May sinasabi siya kaya lang para nagkaroon ng taklob yung tenga ko kapag siya yung nagsasalita. At mukang may sira na din itong tenga ko kasi kung ano pa yung malayo yun pa yung naririnig ko.

"San ka pupunta?" tanong ni Matthew.

"Ah... sa canteen. Ikaw?" sagot naman ni Kelly sa tanong niyia.

 "Ah, ganun ba? Tara, samahan na kita!"

"Talaga? Sige tara! Libre mo ako ha?"

"Oo naman! Basta ikaw."

"Hihi!"

Basta ikaw? Anong basta siya? Arhg! Ano ba Carmella? Bakit ka ba naiinis? Bayaan mo nga sila. Maglibrihan sila hanggang sa gusto nila. Mag-ubusan sila ng pera! Paki-alam mo sa kanila? Let them do what they want. Hmp!

"Oy. Nakikinig ka ba? Tinatanong kita kung--" Czacza said while poking my cheek.

 "Your cousin..." i said cutting her off.  "He's so annoying!" sigaw ko, sabay alis. 

Nakakainis. Nakakainis siya! Bakit kailangan ko pang makita ang lahat ng yun? Bakit kailangan ko pang panuudin ang lahat ng yun? Bakit ko pa natanong kung may gusto siya kay Kelly? Ang shonga ko talaga.

Ayan tuloy, naiinis ako sa sarili ko. Ng walang dahilan.

Teka. Wala nga bang dahilan? Eh si Matthew kasi eh? Naiinis kasi ako sa kanya. Bakit pa niya kailangang samahan si Kelly sa canteen, eh kagagaling nga lang namin doon? Ganun ba talaga pag may gusto ka? Eh baki--

OK. Nabangga  ako. Wala kasi sa sarili eh. Kung ano ano iniisip.

"Sorry..." hingi ko agad ng tawad sakanya.

"Ella." kilala ko tong boses na to ah?

"Gab.." sabi ko. Nag krus na ulit ang landas naming dalawa. Wow, ngayon na lang ulit kami nagkaroon ng ganitong scene. Namiss ko siya.

 "May problema ka ba?" tanong niya. Halata bang may pinoproblema ako? Ganun ba kalaki ang epekto niyang Peste Boy na yan sa buhay ko? 

"Ha? Wala no... Bakit muka ba?" tanong ko. Nag simula na kaming maglakad. Nako, sana naman hindi kami makita ni Julia na magkasama. Weird no? Kay Julia ako natatakot hindi kay Sandee na girlfriend ni Gab. 

The Story of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon