chapter twenty-seven

894 11 4
                                    

Chapter 27

Andito kami ngayon sa parking lot at iniintay na lang sina Cath. Kami kasi kasama ko si Matthew. Inimbitahan siya ng kapatid ko di ba? Ewan ko ba dun kung bakit siya nangiimbita ng ganitong klaseng lalaki.

Tingnan niyo. Ayan dumadali na naman, lumalandi. Sa harapan ko pa! Actually, hindi naman siya landi na landi talaga.

Usap usap lang naman. Pero kahit na! Nakakainis lang naman kasi sa part ko.

Ako kasi yung kasama tapos iba yung kausap. Parang nakaka ano naman yun. Parang wala ako dito ah? Basta talaga babae, hmp.

"Oh, bat ganyan muka mo?" nagulat naman ako sa umimik na yun. Siya pala. Hmp. Saka lang ako mapapansin pag wala na yung mga chicks niya.

Mga lalaki nga naman. Tsk. Tsk.

Humarap ako sa kanya then crossed my arms in front of my chest.

"Ano tapos ka na sa pakikipag usap sa mga chicks mo?" sarkastiko kong tanong sa kanya. Tumabi siya sakin kaya lumipat ako sa kabilang kotse. Magkaharap na kami ngayon. Siya sa kotse niya nakasandal ako naman dito sa kabila.

"Yieee! Nagseselos ka na naman, ano? Hahaha!"

"Selos? Selos? Hoy! Pwede pumili ka ng ibang mapagpapakitaan ng mga munting palabas mo?" sabi ko. Tiningnan naman niya ako na takang taka.

Nagtaka pa siya.

"Anong palabas?" tanong niya.

 "Yang pag landi mo. Bakit ba lagi na lang sa harap ko ikaw lumalandi?" inis kong tanong sa kanya.

Nakaka inis kasi talaga. Nung isang araw pa kaya yan? Yung kay Kelly, tapos ayan naman ngayon. Ok sana kung nakikita ko lang sa malayo, pero hindi OK yung sa harap ko mismo ginagawa yang ganyan.

Bigla naman siyang tumawa. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"Anong lumalandi? Liit naman eh, hindi ako lumalandi no?" sabi niya. Hindi na lang ako sumagot at tiningnan na lang siya.

"Liit hindi ako nakikipag landian, OK? Bakit tubig ba sila para landiin ko?" tanong niya sakin.

Ugh. Pilosopo.

"Oh di ba hindi?" sabi niya sabay lapit sakin at gulo ng buhok ko. "Haha, ikaw talaga!"

Pinalis ko naman ang kamay niya papalayo sa buhok ko. Dadali na naman siya. Sinibangutan ko na din. Pero sa halip na tumigil ay nginisian lang ako at inulit pa yung sa buhok ko.

 Ay bwis*t.

"Uy. Kanina pa kayo?" si Cath. Andyan na kasi sila. Buti naman.

"Tara! Gutom na ako eh?" sabi ko.

Umalis na din naman kami kaagad pagkatapos nun. Si Christian ang kasama ko kasi dun sa kabila si Cath. Kasama si Matthew. Hmp, yung lalaking yun talaga. Inaagawan niya ako. Joke. Haha.

 Bakit kaya inimbita ni Cath si Matthew?

"Christian?"

 "Oh?"

"Why did Cath invited him?" tanong ko sa kanya.

"Aba malay ko." sagot naman niya.

Tch. Lalaking to talaga. Walang alam sa mundo. Pero bakit nga kaya? Si Matthew pupunta sa bahay namin? Ayos yun. Hahaha.

 Hala? Ano ba tong iniisip ko?

I mentally slap myself for that. Bakit ko iniisip yun? Kung ano ano na talaga naiisip ko pag si Matthew yung iniisp ko eh? Pero on the other side... Ang swerte ko pala no? Biruin niyo yun, si Matthew Lopez. Pupunta sa bahay ko?

The Story of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon