chapter thirty-two

925 11 3
                                    

Chapter 32

Matthew's POV

"Waaaa! Mattheew!" sigaw ni liit.

Nawalan kasi ng ilaw? Takte. Kelan pa nauso ang mawalan ng ilaw dito sa pamamahay nato?Nakahawak si liit sa braso ko tapos, inuuga uga niya habang kung ano ano ang sinasabi.

Ang ingay pala nito pag nawawalan ng ilaw? Parang putakte. 

"Carmella, pwede ba? Tumahimik ka nga? Ang ingay mo. Nawalan lang ilaw, ok? Hindi naman nagugunaw yung mundo." sabi ko sa kanya. Nakaka irita kasi. Parang ngayon lang nakaranas ng ganito eh?

"S-sorry naman. Bakit ba nawalan ng ilaw dito? Hindi ka ba nag babayad?" tanong niya.

"Ano ba namang klaseng tanong yan? Kami, hindi nagbayad? Bayadan ko pa yung sa inyo eh?" Hahaha. Eh bakit naman ba niya kasi itatanong pa yun? Anong akala niya sakin hindi responsableng anak? Eh hindi ko naman trabaho ang magbayad ng kuryente sa bahay na to eh?

Bigla siyang bumitaw sa pagkahawak sa braso ko.

"Yabang! Saksak ko sa baga mo yang ilaw at pera mo eh?!" sigaw niya sakin. Irita agad? Hehehe, sayang di ko makita yung maganda niyang muka pag naiinis.

 Hindi na lang ako sumagot. At  tumayo na lang. Bakit nga ba nawalan ng ilaw dito? May generator naman kami.

"Uy, teka... San ka pupunta?" sabi niya sabay hawak sa binti ko. Naka upo kasi siya. Takot ka naman pala eh? Pasigaw sigaw pang nalalaman.

"Lalabas ako. Titingnan ko kung anong nangyare."

"Sama na ako. Katakot dito eh? May mumu ba dito?" sabi niya habang nararamdaman kong tumatayo na din siya. Mumu? Uso pa ba yun sa panahon ngayon? Eh parang bata naman pala to eh?

"Mumu ka dyan? Tara na nga!" Humawak naman siya sa braso ko. Hinayaan ko na lang siyang nakahawak, hanggang dito sa paglabas namin.

Naglakad naman kami papuntang hagdanan. Grabe ang dilim? Gabi na pala hindi ko namalayan. At habang naglalakad kumapa na ako ng kumapa hanggang sa hindi ko na alam.

Nasan na nga ba kami?

Carmella's POV

Bigla na lang kaming tumigil sa paglalakad. Bakit? Ewan ko dito sa lalaking to kung bakit.

"Uy, bakit?" tanong ko. Nakahawak pa din ako sa braso niya. Walang malisya ha! Wala kasi akong makita.

"Nasan na ba tayo?" tanong niya.

Seriously?

Nasan na daw kami? OK lang siya? Bahay niya kaya to? Ako pa ang maka alam.

"Ha? Anong nasan na tayo? Bahay mo to ah?" sabi ko sa kanya.

"Oo! Eh malay ko ba. Ang dilim kaya? Tyaka hindi ko saulo mga daan dito no? Hindi naman ako naglilibot dito." sagot niya.

Natahimik naman kami parehas. Grabe, bakit ba kasi nawalan ng ilaw? Asan na ba sina Ate Maegan at si Tita Maris? Bakit parang bigla naman ata silang nawala?

"Uy, Matthew. Gabi na pala." bigla kong sabi nang marealize ko na gabi na nga pala. "Hindi alam nina Cath na andito ako sa inyo. Baka nag aalala na sila sakin." sabi ko. Baka kasi hinahanap na nila ako.

"Ta. Lakad pa tayo ng konti, pagnakita ay mali... Pagnakapa na natin yung hagdanan. Gagapang tayo pababa, tapos hanapin natin sina Mama. Nasan na kaya yung mga yun?" sabi niya sakin.

"Anong gagapang? Nababaliw ka na ba? Ayoko ngang gumapang!" angal ko.

Anong gagapang kami? Nababaliw na ba siya? Kaya naman naming parehas maglakad ah? Tyaka hindi normal yung pag gapang pababa ng hagdanan! Para naman kaming mag shonga sa lagay na yun eh?

The Story of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon