chapter thirty-seven

755 11 3
                                    

Chapter 37

Nakaka inis! 

Akala ko pa naman.... Argh.

Wala naman pala yung paki alam sakin eh? Sura! Akala ko po naman no hassle na ako sa pag bibigay sa kanya ng regalo ko para sa christmas.

 December na kasi, tapos next week na yung christmas party namin. Naka bili na ako ng mga regalo para sa mga kaibigan ko, at syempre. Kasama siya dun.

 Special siya sakin eh? Hihi!

Tapos! Malalaman ko na lang, sa kanya pa mismo, na wala lang pala ako sa kanya? Walang paki alam to be specific. Ang sakit naman nun?

Talk about being mean! Ni hindi man lang dinahan dahan yuung pagsasabi na wala siyang paki alam sakin. Hmp, ewan ko sa kanya.

"Goal! Yea, boii!"

Sabi yan nung naka goal dun sa mga naglalaro. Andito kasi ako sa may soccer field, alone.

Loner muna ako. Naiinis kasi ako. At nahihiya na rin para sa sarili ko. Bakit ba kasi ganun yung Matthew na yun? Akala ko friends na kami. Hindi pa pala. Ako lang pala yung nag iisip na ganun  na kami.

"Wala pa lang paki alam ha?" nasabi ko na lang sa sarili ko. Medyo malakas, pero ako lang naman mag isa dito eh? Ok lang naman siguro kung laksan ko na yung mga iniisip ko.

"Nakakainis!" dagdag ko pa na may kasama pang sabunot ng konti sa buhok. Ok, para akong baliw dito.

*Bell rings!

Great, uwian na. Salamat naman.

Tumayo na ako, tapos diretso ako sa locker ko. Andun kasi yung bag ko, inilagay ko dun. Sana wala akong makita na mga kaibigan ko pag punta ko dun. 

Hindi ko alam kung anong isasagot ko pag tinanong nila ako kung bat ako nag walk out kanina. For sure!

Aasarin na naman ako ni Xander o ni Czacza. Sasabihin na naman nila na... Eh? Ewan! Bahala sila?!

Pagdating ko dito, maraming nakuha ng mga gamit nila sa mga locker nila, pero wala dito yung mga yun. Hay.. buti naman.

Kinuha ko na yung bag ko, tapos umalis na. Hindi ko na sila hahanapin, hindi din naman ata nila ako hinahanap eh? Ayos lang, paki alam ko din sa kanila.

At dahil wala na naman akong inaantay o ano pa, lumakad na ako papalabas ng building at dumiretso sa parking lot. Habang naglalakad nakarinig ako ng kung ano ano.

"Omigosh.. sino yun?"

"Oh! Siya yung nagpunta dati dito para kay Ella!"

"Ang gwapo talaga niya ano?"

"Grabe... ang swerte talaga ni Ella.."

"Kaya nga, siguro boyfriend niya yan ano? Kainggit talagaaa.."

Teka... Ako yung pinag uusapan nila ah? Napatunghay tuloy ako sa pagkakatungo at nagmasid ng kapaligiran. At nahagip ng mata ko ang sunod sa huling tao na gusto kong makita ngayong araw na to. Syempre sunod sa huli kasi si Matthew yung pinaka huli. Hehehe.

"K-Kevin?" 

 "Hi Ella!" bati niya sakin may kaway pang kasama. Isama pa yung ngiti niyang over sa kagandahan. Model toothpaste? Anong brand? Malay ko.

"What are you doing here? I thougth--" but he cut me off.

"Tomorrow's saturday, so that means we should enjoy this day." sabi niya. Sabi na nga kasing busy ako eh? Makulit lang ang lalaking to?

The Story of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon