chapter forty-five

808 10 3
                                    

Chapter 45 

I'm trying to avoid it. I'm trying not to think about it. I'm trying to ignore it. I'm trying to... 

"Ellaaaaa!" tawag nilang lahat sakin.

Andito kasi kami sa isang resort. Oo, paskong pasko, gusto nilang mag swimming. Ano naman daw trip yun?

Hindee.. Nalaman kasi nila na aalis kami papuntang Macau sa isang araw. Eh di eto, gusto daw nilang i-celebrate ng mas maaga ang Christmas kasama ako. Patawa lang sila, para namang isang taon ako sa Macau eh?

Ok! Enough of that. Kaya nila ako tinatawag eh kasi... I'm hiding. Yeah, literally. Bakit? Si Matthew kasi eeh?? Nakakainis! Siya ang may kasalanan kung bakit ako nagkakaganito!! 

"Andyan naaa!" sigaw ko. Lumabas na ako.

Czarina immediately glared at me. Nakoo, kung alam lang niya kung bakit ako nagkakaganito. Haay. 

"Ano bang nakain mo at nagtatago ka? Ha?" pagalit niyang tanong. Ano bang kagali-galit sa pagtago? Duh... Like, that's a big deal. Pft.

"Hindi ako nagtatago no? Ano ako? Naglalarong mag isa ng tagutaguan?" sagot ko. Hindi naman talaga ako nagtatago ah? Hindi nga ba? Hehehehe.

Nahihiya lang akong lumabas. Yun lang... Sino ba kasing may sabi na nagtatago ako?

"Sabi kasi ni Gab, nagtatago ka daw eh?" tumingin ako kay Sandee. "May tinataguan ka daw." patuloy pa niya.

Si Gab talagaaa! I shot a look at Gab, who is, fortunately, at my side. "Why did you said that?"

"Ahm.. wala akong sinasabi ah?" patay malisya pa siya, eh halata naman sa kanya na nagsisinungaling siya. Hmp! And then I suddenely got frozed sa lalaking umimik. 

"Eh bakit ang tagal mo nga naman sa loob?"

Dahan dahan akong lumingon sa direksyon niya. Oh my... Please. Pretty Please. Please. Dont. Blush. Or your dead.

"Eh... May.. May ginawa ako." Ooh! My voice. Bear with me! Please? Don't crack! 

"Pagkadating na natin hanggang kanina? Ang tagal naman ata?" bakit ba ang dami mong tanong?! Ok lang sana kung maalin sa mga to ang magtanong sakin ng napaka raming tanong eh? Kaso.. Ikaw ang nagtatanong! Ikaw Matthew Lopez!

"Tumae ako."

"Ewww!" sabay sabay na react nina Xander. Pssh. 

"Wow ha? Hiya naman ako sa inyo? Hindi kayo natae?" sarcastically kong tanong sa kanila. Maka- eww, parang di natae eh? 

Binelatan naman ako ni Xander.

"Tama na nga yan? Ano bang pinunta natin dito? Diba para mag party? Ano pang hinihintay natin?" singit ni Drake.

Inip na siguro to, hehehe. Himala ha? At kasama siya. Na. Hindi kasama si Gail. I wonder why? Ganun ba ako ka special kay Drake at hindi niya isinama si Gail? Hehehe.

Napatigil ako sa pag lalakad ng may humila ng braso ko.

"Ah!" sigaw ko tuloy. Napaharap ako agad dun sa taong humila sakin sa lakas ng pag hila niya. 

"Bakit hindi mo suot?" tanong niya while looking at my wrist. Whaa?? He's.. looking for it. Awee? Tekaa? Bakit nga hindi ko suot?! Suot ko yun kahapon ah!? Bakit hindi ko suot ngayon?

"Ang alin?" Argh.. I suck at this. Sana malusutan ko to.

"Yung bracelet. Bakit hindi mo suot?" Nakatingin na siya sa mata ko habang tinatanong niya ako. He's eyes... I see a flash of emotion. Huh? Parang may something sa mata niya. Disappointment? 

The Story of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon