chapter twenty-nine

866 9 2
                                    

Chapter 29

Carmella's POV

 Exam period namin ngayon. First day at halfday lang kami. Morning session lahat ng juniors kaya uwian na din mamayang tanghali.

"Manong, salamat po!" nag pahatid kasi ako sa driver ni Tito Iel, tulog pa kasi si Christian at ayokong mang istorbo. 

Pumasok na ako sa loob. Wala pa naman masyadong tao. 6:15 pa lang kasi, eh 8:00 pa ang simula ng klase. Ang aga ko no? Hehehe, excited ako eh? Joke.

Trip ko lang. Hahaha!

Umakyat na ako sa floor namin. Sigurado ako wala pang tao sa room. Mga masisipag kasi yung mga kaklase ko eh?

Pero mukang mali ata ako?

"Uy, Drake! Aga natin ah?" haha, mali pala ako. Andito na si Drake.

"Wow, aga mo ah? Excited? Haha." 

Tumabi ako sa kanya

"Oo nga, haha. Ikaw nga din dyan eh? Bat ang aga mo?" tanong ko habang nilalabas ko yung reviewer ko .

"May usapan kasi kami ni Gail na itututor niya ako. Hehehehe" mahiya-hiya pa niyang sabi. Tinapik ko siya sa balikat niya.

"Ikaw ha? Mga da moves mo. Hehehe. Kamusta naman yun? Malapit na ba?" alam ko kasing nililigawan nito si Gail. Nabanggit ko na naman dati na di ba medyo close kami nito, di ba?

"Itatanong ko na nga sa kanya eh?"

"Oh!? Wow! Talaga? kelaaan!" tanong ko sa kanya. Mukang mas excited pa ako sa kanya sa reaction ko eh?

"After ng exam. Mahirap na, baka parehas kaming di makapag sagot ng ayos kung ngayon o bukas ko itatanong sa kanya kung pwede na."

"Ayos!" sabi ko. "Tama. Tama yan, Drake. Keep it up." dagdag ko pa na may patapik tapik pa sa balikat niya.

Ngumiti siya, so ngumiti na lang din ako. Nag simula na akong mag review. At siya naman, eto.. Imik ng imik kung ano ano kinukwento..

 Mamaya pa daw 7:15 ang pasok ni Gail, inagahan lang daw niya kasi trip lang niya, hahaha! Parehas lang kami ng trip, eh no?

Nasa kalagitnaan na ako ng pag rereview ko ng may tinanong siya na ikinagambala ng buo kong pagkatao.

"Alam mo bang palagi kang topic sa tambayan?" Napadilat ako dun ah? Seriously? Ako, topic nila? B-bakit?

 "Palagi ka kasing pinag uusapan nina Gab at Mateo"

Oh?

Barkada kasi sila. Sina Dave, Drake, Alex, Gab, Matthew, at Xander. Dun sa bahay nina Xander ang tambayan nila. Dun sa may club house malimit sila dun.

Tuloy lang ako sa pagbabasa at hindi na lang pinansin yung sinabi niya. Ayoko kasing itanong kung bakit. Sabihin pa nito na interisado ako sa bagay na yun, pero..

Interisado nga naman talaga ako. Hahahaha!

"Uy!" sigaw niya na may kasama pang pag-tusok sa tagiliran ko. Sinamaan ko naman siya ng tingin.  "Naririnig mo ba ako?" tanong niya.

"Ha? O-oo, bakit ba?"

"Sabi ko... palagi kang topic samin." pag-uulit na naman niya.

"Oh? And soo?" medyo harsh kong sabi sa kanya. Eh bakit ba? Paki-alam ko kung topic nila ako? May paki-alam naman ako. Konti lang. Sino ba naman ang hinde? Mga nag-gwa-gwapuhang lalaki ba naman gawin kang topic habang nakatambay? Hahahaha!

"Hindi mo man lang ba itatanong kung bakit?" mausisa din itong lalaking to ah.?

"OK. bakit..." medyo sarcastic kong tanong sa kanya. Osige na. Tanungin na din natin.. mukang juicy eh?

The Story of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon