chapter thirty-nine

801 8 1
                                    

Chapter 39

Carmella's POV

Kanina pa kaming andito sa party nina Tita Maris. Usap dito, usap dun. Kamusta dito, kamusta dun. Smile dito, smile dun.

Hay nako. Kapagod!

Kasali rin pala ang mga parents namin sa pagpa-plano para sa party na to. May itinayo pa lang business si mama at si tita maris sa dito sa pilipinas, hindi ko lang masyado naintindihan kung ano.

At dahil kanina pa rin naman ako nag eentertain ng mga bisita dito, nag paalam muna ako kay Cath at pumunta dito sa labas. Dito sa may balcony kung san hindi masyado maingay at wala masyadong tao.

Hindi ko alam kung asan si Gab kasi parang kasosyo si Tito Iel sa bagong project na inialok ng papa ni Matthew, kaya hindi ko siya kasama.

Si Matthew naman, eh pagkatapos nung pag epal ni Miggy ay nawala na. Psssh.. Bahala siya.

"Anong ginagawa mo dito?" may aninong nagtanong sakin. Ay, hindi pala. Si Matthew pala. Hahaha.

"Uy. Wala, nagpapahangin. Kapagod kasi sa loob eh? Ikaw?" kumabog naman ng todo todo yung puso ko!

"Nagpapahangin din." matipid niyang sagot. Tiningnan ko siya ng maigi, medyo madilim kasi dito sa labas, yung ilaw lang sa loob at yung moon light yung source ng ilaw.

Malungkot yung muka niya. Bakit kaya?

"Ok ka lang?" tanong ko habang nakatingin pa din sa kanya.

"Oo naman. Bakit? Muka bang hindi?"

"Medyo... Malungkot kasi yang muka mo eh. Hindi bagay." I honeslty said. Totoo naman eh? Hindi bagay sa kanya yung malungkot at naka simangot. Sa lahat naman ng gwapo.

Kasi sa halip na kasuklaman mo sila, mas lalo ka pang nagkakagusto sa kanila dahil kahit na nakasimangot na nga sila, mas parang nagwapo pa sila. Alam niyo yun? Yung ganung feeling? Hehehe. 

"Pagod lang ako. Ikaw? Bakit ang saya saya mo?" tanong niya sakin.

Kasama kasi kita! Gusto ko sanag sabihin. Pero gaya ng dati, wala akong lakas ng loob para sabihin yun sa kanya. Nakakahiya.

Nginitian ko lang siya. Siya naman, ayan parang naguguluhan.

"Wala lang, masama bang maging masaya?" 

"Hindi naman. Siguroo, dahil yan ni..."

"Please. Babalik na naman ba tayo dyan? Hindi ko siya gusto Matthew. May iba akong gusto. Hindi niyo ba makuha yun?" i said looking away.

Bakit ba palagi na lang nilang sinisingit si Kevin? Eh siya nga tong gusto ko! Sa bagay, hindi naman niya alam. At sa tingin ko, wala din namang nakaka alam kung di ako lang.

"Sorry..."

"Ang kulit mo kasi eh? Bakit ba sinisingit mo yun?"

"Eh akala ko kasi kung ano na ang lalaking yun sa buhay mo. Simula kasi nung umepal yun sa buhay natin, este sa buhay mo, umingay na yung balitang may boyfriend kang amerikano. Bw*set.."

OhMy... Buhay namin? Tama ba yung pagkakarinig ko? Buhay namin? What is the meaning of this!!!!!

The Story of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon