chapter nineteen

1.1K 13 3
                                    

Chapter 19

Saturday ngayon kaya walang pasok. At balik na naman ako sa  'BUSY DOING NOTHING'.

Kung hindi nga lang si Gab at Sandee na tatawagan ko si Gab para naman may kasama ako ngayon. Hay. Nakakalungkot pa din naman. Miss ko na si Gab.

And, another thing. I badly need a phone. Yep. You guys heard it right. Kailangan ko na ng phone. Kahit anong klase ng phone basta nakaka-text at nakaka-tawag. Bakit? Kasi... May mga kaibigan na ako! Yes! Tama! May bago na akong mga kaibigan. Oo! Hahaha! Hinihingi na nga nila ang number ko eh? 

Eh anong namang ibibigay ko? Wala nga akong cellphone di ba?

"Carm, may bisita ka" sabi ni Christian pagkabukas niya nung pinto ko without knocking first. Talk about privacy and respect. Hindi ba niya alam yun? Basta basta na lang niya binuksan yung pintuan ko, and walang galang ang taong hindi nakatok bago pumasok. Hay nako.

"Sino?" sabi ko pag tayo ko dito sa kinauupan ko.

"Just.... See for yourself." at sino naman bibisita sakin ngayon? Wala naman akong manliligaw, para puntahan ako dito. Unless.. may mag attemp. Haha. May new friends na ako eh? Baka napansin nila ang kagandahan ko. Joke. Wala naman nakakapansin nito eh? Hay.

Hindi na ako humarap sa salamin at tiningnan kung anong hitsura ko at walang pag-aalinlangang lumabas ng kwarto ko. At halos sumayad na sa sahig ang panga ko. Bakit... Andito siya?

"Hi Ella."

Matthew's POV

"Dali na pinsaan! Puntahan na natin si Ella sa condo nila, or i treat natin siya sa mall! Sabi mo palagi yun walang magawa sa condo nila? Lalo na kapag ganitong weekends." sabi niya sabay pout.

Agang aga, andito na si Czarina sa bahay at kinukulit ako na pumunta kina liit. Sabi na eh? Ito na nga ba ang sinasabi ko. Ganito ang mangyayare, pag naging close sila. At sobrang bilis nilang maging close. Sa loob lang ng ilang linggo, daig pa nila sina Spongebob at Patrick.

"Sabi ko naman sayo na wala akong gusto dun sa liit na yun, Okey? So stop bothering me. Ang aga aga!" sabi ko sa kanya. Alam ko yan ang rason kung bakit yan nag kakaganyan. Malamang natunugan niya na may gusto ako dun sa liit na yun. Asa pa naman. 

Trip ko lang talaga yung kahapon. Yun lang. Tapos.

"Wala akong sinasabi na--"

"Wag ka nang magmaang-maangan pa. Alam kong yan ang rason mo." mariin kong sabi sa kanya.  She rolled her eyes at me.

"Whatever. Look, i'm just trying to help. OK? Bakit kaya hindi ka pumili ng babae na katulad ni Ella? Hindi yung katulad ni Kelly! Imulat mo yang mata mo Matthew! BUlag ka ba? O wala ka ng makitang iba kundi ang babaeng yun?" 

"Hoy. Hindi kita nanay ha? Kaya wag mong paki-alamanan kung sino ang gusto at ayaw ko. Magtigil ka." sabi ko na hindi nakatingin sa kanya.

"Isusumbong kita kay Ate Meagan!" banta niya sakin. Napatayo naman ako agad.

"Uy! Wag naman... Oo na! Tara na nga..." No choice na ako. Ginamit na yung alas eh? Takot pa naman ako sa Ate ko.

Pinuntahan ko si Manang Fely sa garden. Andun din kasi si Miggy. Magpapaalam ako na aalis kami. 

"Manang Fely, aalis lang po kami ni Czarina." 

"San kayo pupunta kuya?" tanong naman agad ni Miggy na binitawan pa yung hawak niyang gardening tools. Nililikom ata niya.

"Kay El--"

Tinakpan ko agad yung bibig ni Czarina. Ang daldal talaga nito. Hindi nila pwede malaman na pupunta kami sa liit na yun. Bakit? Basata. Ayoko.

The Story of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon