多餘章 Extra Chapter - Wrapping up with Ivy

42 1 1
                                    

HI! Magandang araw sa inyo, si Ivy nga pala ang isa sa mga prinsesa ng mga Ulshade, ang angkan ng mga bampira.

Mag wrap-up tayo ng mga nangyari sa mga last chapters.

Ang Sapienta University, kilala sila sa pagiging matatalino. Halos lahat na ata ng mag-aaral doon ay may matataas na IQ. Tulad ng ibang universities, may sariling grupo rin ang mga taga Sapienta. Sapienta pa rin ang tawag sa kanilang grupo na pinamumunuan ni Luna, kasama sina Michael, Diane at Daniel.

Dumako naman tayo sa teknolohiyang ginagamit ng mga Monarchs ng Royal XIII University, ang phoman.

Ang Plastic Heterogeneous Oracle Manager o ang phoman ay isang relo na may super technology specs. Daig pa nito ang refrigerators, cabinets o mga warehouses, dahil kahit ano ay pwedeng ii-store dito. Basta itututok mo lang ang sensor sa gusto mong itago and then ayun na, congratulations nasa phoman mo na ang gamit na iyon. Bagong version na ang gamit nina Chanmee, ang lumang model kasi ng phoman na naimbento ni Nico ay may kakayahang makapaglakbay ng panahon. Ngunit si Desiree, na asawa niya lamang ang may ganong phoman function.

Sunod naman ay ang 12 Celestial Stars, kulang pa ang impormasyon ko sa kanila sa ngayon. Sa kadahilanang hindi ko naitanong ng maayos kay Lán. Pero galing sila sa ibang mundo, at may kakaiba silang mga kapangyarihan na ginagampanan sa kanilang pinanggalingan.

Last time ay umuwi sa bansa ang aking kaibigan na si Carla Michelle Sia. At tulad ng nasabi na ni Chanmee sa mga nakaraang chapters ay isang android ang kanyang ina. Yes, you heard it right. Isa ngang android si Carla but on the other hand isa rin naman siyang tao dati bago ang aksidente sa araw kung kailan ma-eengage na sana siya. Bago mamatay ang kanyang ama ay sinubukang irevive at i-convert na lamang siya sa isang makina at magpatuloy sa buhay. May mga nangyaring hindi inaasahan at hindi natapos ang proyektong ito at ang kanyang kapatid na si Nicolai Luigi na ang nagpatuloy. Pero past is past ang importante pareho kaming hindi na tumatanda, Oh ha?!

May dala siyang isang kahon na gusto niyang ipatingin sakin na nagkataon naman na ang kahonng iyon ay ang Pandora na hinahanap ni Ace. Kaya nagpunta kami sa lugar kung saan galing si Ace upang subukan ang Pandora ngunit bigo kami. Nakita pa namin ang kapatid niyang babae, family matters ata kaya hindi na ako nakialam pa.

Pagkabalik na pagkabalik namin ng mansyon ay biglang sugod naman ang grupo ni Chanmee. Hinarap si Ace at sampal ang unang ibinigay ni Chanmee sa kanya. Napasugod ang grupo dahil sa pangbabastos na ginawa raw ni Ace, na kasama ko naman ng buong araw.

Sa pagod na rin siguro ay nagsungit si Ace at inimungkahi niyang tanungin muna si Mira tungkol sa Shape Shifting Pill doon sa CNC laboratory. Kilala kasi si Almira sa pagiging bihasa sa larangan ng Bio Chemistry at Genetics at siya ang nagdevelop nitong pill. Ngunit tinanong ng grupo si Mira at kumpleto pa naman ang mga test pill ngunit ang mga notes niya ay nawawala na.

Malaking problema 'yon dahil paano sila nalusutan ng kalaban, sa loob pa ng CNC na high security ang pinapairal. Pero kahit ganun ay may maganda pa rin namang balita, dahil ang pinsan ni Chanmee na si Nerissa ay sinasanay ni Brian upang kontrolin ang kanyang kapangyarihan.

Paano ko nalaman? well, lagi akong nagmamasid sa buong Lime Square. Hahaha!!

Hanggang dito na lang, see you in the next chapters mga readers. >:))

TinkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon